Voice 32: The Wedding

3.1K 42 3
                                    

Kiel' POV

So you could give me wings to fly.

And catch me if I fall

Pull the stars down from the
sky
So I could wish of them all

But I couldn't ask for more

But you're love is the greatest gift of all.

Pagkatapos kong kumanta ng
chorus ng Your Love ay narinig ko nalang ang palakpakan ng mga taong nasa harap ko.

Nasa kasagsagan kami ng presscon para sa pinakahuli kong concert na gagawin. I decided to give up my singing career upang mapagtuunan ko na ng pansin ang negosyo ng pamilya namin.

" Kiel gaano ba ka totoo ang bali-balitang ito na raw ang pinahuling concert na gagawin mo kasama ang banda? " tanong sa akin ng isang reporter upang iparada ko ang paningin sa paligid.

Agad kong napansin ang bulong bulungan ng nasa paligid namin.

Kaya bago paman lumala ay tumikhim na ako. Kitang kita ko pa ang tinginan nila.

"Singing was my life ever since. Lumaki man ako na abot kamay na ang lahat pero nakikita ko pa rin ang puso ko sa pagkanta. But for some instances, kinakailangan ko nang iwan ang music industry. " saad ko upang marinig ang sari saring tanong ng taga media.

Napakarami ko nang pinagdaanan and there's no reason for me to continue kung ang kaisa isang tao na inspirasyon ko'y hindi ko naman makuha.

" Bakit Sir may kinalaman ba dito ang pagkawala mo ng ilang buwan. Totoo ba talaga na dumaan ka sa isang aksidente? "

" May lumalabas na balita na hiwalay na daw kayo ng inyong fiancee na si Andrea Diaz. Ito rin ba ang dahilan kung bakit iiwan mo na ang pagkanta? "

" May kinalaman ba ito sa videong lumalabas ngayon. Ang pagpopropose mo sa isang babae noon? "

Halos sabay sabay pa nilang tanong upang patahimikin sila ng organizer.

" Enough. Isa isa lang, lahat yan sasagutin ni KC." saad nya upang matahimik ang paligid.

Agad namang tinawag paisa isa ni Manager Steph ang ilang reporter para isa isa silang magtanong.

" Mr. KC totoo ba talaga na naghiwalay na kayo ng fiancee mong si Ms. ANDREA? May kinalaman ba dito ang kumakalat na video mo habang nagpoprose ka sa isang babae. Ikaw ba talaga yun? " sunod sunod pang tanong ng reporter.

" Wala po. Wala pong katotohanan lahat ng lumalabas na isyu ngayon. My dad asked me to help him with our company kaya iiwan ko ang music industry. Sana huli na ang tanong na yan sa maririnig ko ngayon " madiin ko pang sabi upang magbulung bulungan uli ang nasa harap ko.

Magsisinungaling ako hanggang sa kaya ko just to keep my personal life private.

The more na magsasalita ako mas lalo lang may ipupukol silang isyu sa akin.

__

Habang nagdadrive ako sa patungong bahay ay nadaanan ko nalang bigla ang flower shop ni Janna.

Kaya mabilis kong ipinarada ang sa tapat nito.

Imbes na saya ang madarama ay nakaramdam nalang ako ng kirot sa puso.

Kitang kita ko mula dito sa labas ang pagtatawanan nila ni Dreimon sa loob. Masaya na sya sa piling ni Dreimon pero paano ako?

Naikuyom ko nalang ang kamao ko ng makitang hinalikan sya ni Dreimon sa pisngi.

Ilang oras pa akong nanatili dun habang pinapatay ang sarili sa panonood sa lambingan ng dalawa.

The Voices Behind Her Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon