Kira's (POV)
Lunch break na namin ngayon hindi naman masyadong hustle yung 4 subjects namin kanina, hindi rin masyadong nag discuss, siguro bukas? Hay, okay na rin yun para hindi kami mabigla.
Nandito kami ng kaibigan ko sa cafeteria. Dito kasi sa MHS dapat lahat may lunch, i mean is hindi kailangang magbayad para mag lunch yung pipila ka nalang, pero dapat yung pagkain na kukunin mo ay kailangan mong maubos kasi sayang daw yung pagkain ganun sila ka strict dito pero sanay na naman ako, simula elem sa Madrigal's school na ako nag aaral.
"Hoy Kira!"
"Urg! Ano ba?! Ginulat mo naman ako eh!" tinulak ko si Sienna, kaya nahulog siya sa upuan.
"Ouch ha! Letche ka! Ang sadista mo talaga no!" tumayo siya at bumalik sa kinauupuan niya.
"Kailangan ba talagang mang gulat? Tss, gaga ka talaga" nag mumuni muni ako tapos eepal siya? Kainis!
"Tulaley ka kasi girl, baka mahipan ka ng hangin diyan" sabay higop niya sa soup niya.
"Na pagod lang ako sa paglalakad" sabi ko at huminga ng malalim "Hayyy!" sinapo ko ang ulo ko, sabay inom sa ice tea ko.
Kumain lang si Sienna habang tinitignan ko siya, napansin niyang naka tingin ako sakanya kaya nilakihan niya ako ng mata sabay tingin sa food ko.
"Wala ka bang balak kumain? Hindi ka mabubusog sa ganda ko"
"Don't talk when your mouth is full! Tsaka, nakakawalang gana lalo na't nakikita kita" sabay irap ko, binato ko siya nang tissue pero nasalo niya naman, uminom siya ng ice tea niya at nagsalita.
"Mapapanis yang pagkain mo oh! Nilalaro mo lang" sabay turo niya sa pagkain ko, nilalaro ko kasi ng spoon yung food ko.
"Wala akong gana" naka sapo lang ako sa baba ko habang pinaglalaruan ang pagkain.
"Sinasayang mo lang yung pagkain. Ang dami kayang taong nagugutom, tapos ikaw mawalan lang ng gana sasayangin mo na ang pagkain" hindi ko siya tinignan, at ako patuloy parin ako sa paglalaro sa pagkain.
"Pake mo ba?" maikli kong sabi "Aray!" binatukan ako ng gaga! "Ano ba?" irita kong sabi.
"May pake ako tanga! Alam mo bang iyang kinakain mo! Madaming tao ang nagpakapagod para lang makakain tayo, tapos lalandiin mo lang umayos ka nga! Kung ayaw mo di sana hindi mo nalang pinaglaruan!" uminom siya ng ice tea niya "Akin na nga yan!" Hinigit niya sakin yung food ko kaya nabigla ako at napatingin sakanya.
"Anong gagawin mo diyan?"
"Baka ipanglampaso ko, tanga lang e no! Edi kakainin ko! Shunga mo" sinimulan na niyang kainin yung food ko na kinuha niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Famous Meets Ms.Snobber
Teen FictionSEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to be hurt by someone because of what happened in the past. But then, here comes the Famous Kellen Jam...