Chapter 41
WALA akong magawa kundi ang umupo lamang sa isang tabi habang hinihintay kong matapos ang meeting ni kuya. I'm here at our own company, in kuya's office. Dad turned over his place as CEO to kuya even if he's just a fresh graduate before. Kaya nagkaroon kaagad na mabigat na responsibilidad si kuya, actually doble pa nga e kasi dean rin siya sa MU plus CEO pa.
Paano nalang kaya kung pumayag ako sa gusto ni Mom and Dad na mag aral sa states and hawakan ang business namin doon? Magiging katulad rin ako ni kuya na puro trabaho nalamang ang iniisip. Wala akong kalayaan kapag nangyari yon.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto at nakita ko si ate Suan na papasok at may dala itong tray na may lamang mga pagkain. He's kuya's Secretary and personal assistant, how did i know her? Well, bukod sa pagiging sekretarya niya, kababata pa siya ni kuya at matalik na kaibigan, kaya dati halos sa bahay na tumigil si Ate Suan dahil super close sila ni kuya.
"I know you're hungry, almost three hours kanang naghihintay sa kuya mo. Hayaan mo at parating narin 'yon." Ate Suan said with all smile. She becomes more prettier than before.
Inilapag niya sa table sa harapan ko ang tray, hindi ko magawang galawin or kumain man lang. Wala akong gana, dahil kinakabahan parin ako, hangga't hindi ko nakakausap si kuya hindi ako mapapakali.
Naupo si ate Suan sa tabi ko. "Bakit nga pala naparito ka? And you look tense, what's happening?" Humarap ako kay ate Suan tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Kuya caught me on act kissing a guy" deretsahang pag amin ko. Iyon naman talaga ang totoong nangyari. "And sabi niya kanina he will talk to me, at para siyang ibang tao kanina ate, first time ko siyang nakitang ganun."
Kumalas si ate Suan sa yakapan namin tsaka ako tinignan. "Napansin ko nga. Simula nang pumasok siya kanina sobrang seryoso niya, kapag tinatanong ko siya tulala lang. I ask him why is he like that? Pero hindi niya ako sinasagot." She explained.
Kuya is not like that, kahit pagod na siya ngingiti parin siya para walang taong madamay sa mood niya. He always lighten up the mood of everyone's around him, kaya nakakapanibago lang. Mas lalo tuloy akong napapaisip kung bakit, kung bakit bigla nalang siyang naging ganun.
"It really sucks Ate. Feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit bigla nalang nag iba si kuya" napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang frustrated. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni kuya, hindi ko pa siya nakakausap at sobrang pinapatay ako ng mga naiisip ko.
Biglang tumunog ang phone ni Ate Suan, she excuse herself para sagutin saglit ang tawag.
"Madi, i will be back okay? May gagawin lang ako saglit, mag uusap pa tayo. Kumain ka muna ha" after she said that ay nagpaalam na muna siya saakin at naiwan nanaman ako ritong nag iisa.
Ilang segundo o minuto akong nakipag titigan sa pagkaing nasa harapan ko, hindi ko magawang kumain dahil wala akong gana. Tumayo ako at lumabas ng opisina ni kuya, kailangan ko lang huminga saglit mababaliw na ako sa loob sa kakaisip ng kung anu-ano.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta lang akong naglalakad papunta kung saan man. Hindi ko na masyadong kabisado ang lugar na ito dahil ang huling beses akong nakatungtong rito ay elementary palamang ako.
Before Calvin died, his Dad which is uncle Carlo alwys fetch him at isinasabay narin ako ni uncle kapag sinusundo niya si Cal, at palagi kaming dito sa company dumederetso because uncle have something to do pa, kaya hanggang sa makatulog nalang kami ni Cal sa paglalaro at paggawa ng homeworks namin.
I already miss Calvin.
Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapakali kung mananatili lang ako rito sa opisina ni kuya, kaya naman napag desisyunan kong lumabas muna at mag ikot ikot.
Bawat empleyadong nadadaanan ko ay napapatingin saakin, 'yung iba ay mukhang nagtataka at 'yung iba naman ay may mga ngiti sa kanilang mga labi at binabati ako. Some of them are still familiar to me, pero halos lahat ay mga bago na sa paningin ko, they're just young and fresh.
Nang madaan ako sa isang kwarto roon na ang nakalagay ay conference room, bahagyang naka bukas ang pinto nito at may naririnig akong mga nag uusap. It's kuya's talking to someone kaya medyo itinago ko ang sarili ko sa gilid.
"What do you mean by that Ris? Your sister's dating that son of a bankrupt man?" Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko.
I heard kuya sighed from frustration.
"Yes, Dom. Sa lahat ng lalaking ide-date ng kapatid ko anak pa talaga ni Frederico Levina. That man is a son of a bitch! Lahat ng malalaking kumpanya ninakawan niya kasama na ang Madrigal doon, pero malas niya kasi nautakan siya ni Dad." Muntikan na akong mapasigaw sa gulat dahil biglang hinampas ni kuya ng malakas ang lamesa kaya napatakip ako saaking bibig.
"Nagtatago parin ang gagong iyon hanggang ngayon at pinag hahanap na siya ng batas, pero madami parin siyang alagad na kumakalat sa paligid at malakas ang kutob ko na pati anak niya kasabwat niya. Ayokong madamay pati si Madi." Bumagsak ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Hindi ko alam pero bakit ganito? Alam kong hindi magsisinungaling si kuya saakin, pero hindi ko kayang maniwala sa sinabi ni kuya tungkol kay Kellan, hindi ko kayang paniwalaan na baka ginagamit lang niya ako para sa Dad niya.
Ayokong isipin na ginagamit niya lang ako.
"M-Madi," napaangat ako ng tingin kay kuya na ngayon ay nasa harapan ko na at hindi makapaniwalang nakatingin saakin. Mas lalo akong napaiyak nang makita ko siya.
"Sapat na ang mga narinig ko kuya," napahikbi ako. "But kuya, ayokong maniwala sayo. Ayoko" tinalikuran ko siya at patakbo akong umalis at sumakay sa elevator.
Wala na akong pakealam kung pinag titinginan ako ng mga tao. Wala akong pakealam sa lahat, pero paano nga kung totoo? Paano nga kung totoo lahat ng sinabi ni kuya? Paano kung ginagamit nga lang ako ni Kellan?
Hindi parin tumitigil sa pagragasa ang luha ko hanggang sa makababa ako ng elevator at dumeretso sa sasakyan. Pagkasakay ko pinunasan ko muna ang luha ko kahit patuloy parin ito sa pagpatak tsaka ko tinawagan si Russel.
"Mad-"
"Russ" basag ang boses kong sabi.
"What happened Madi?" Puno ng pag aalala niyang sabi.
"Russ, can you investigate?" Sandali siyang hindi nakasagot saakin kaya akala ko ay namatay na ang tawag ng muli siyang magsalita.
"About what Madi?"
"Not what, but whom," hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit. "Frederico Levina is the name-"
"W-wait, what? You already knew about that man? But-" napahinto ako.
He knew?
"Alam mo Russel? Alam mo? Pero hindi mo man lang sinabi saakin?" Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa sunod sunod kong nalaman.
So ano 'to? Ako nalang talaga ang walang alam? Kung sino pang inaasahan kong makakatulong saakin e alam rin pala ang tungkol dito?
"Madi-" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at pinatayan ko na siya ng tawag.
Aalamin ko nalang mag isa ko. Maybe i can ask Kellan about this? But what if totoo nga? Sobrang sakit lang na isipin na ganun na nga.
Sarili ko nalang talaga ang maaasahan ko para malaman ko ang totoo. Hindi ako mapapakali kapag hindi ko ito nalaman kaagad.
BINABASA MO ANG
Mr.Famous Meets Ms.Snobber
Teen FictionSEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to be hurt by someone because of what happened in the past. But then, here comes the Famous Kellen Jam...