°35°

498 17 1
                                    

Chapter 35 - Inspired

The day of the midterm comes,and i was just hanging since i woke up.Kinakabahan ako at pakiramdamdam ko na parang babaliktad ang sikmura ko anytime.Jusme! God please guide me on my exams.

Kanina pa ako nakakatanggap ng mga texts kina kuya,Kier pati narin kina mom and dad na ginu-goodluck ako para sa exams ko.'Yung dalawa kong kaibigan na kanina ko pa hinihintay na mag text saakin ay wala paing paramdam hanggang ngayon,nalimutan na kaya ako ng mga non? tsk,lagot sila sakin kapag nakita ko sila,pagbubuhulin ko silang dalawa.

Kinuha ko na ang bag ko sa center table at isinukbit sa kaliwa kong balikat habang panay ang tipa ko sa phone ko at nag rereply sa mga texts nila.Pagbukas ko ng pinto ay nagulat nalamang ako ng may biglang pumutok at may mga sumabog na confetti saakin.

"GOODLUCK MADS! WHOOOOOOO!" napamulat ako ng mata ng makita ko ang dalawa kong kaibigan at si Russel na nasa labas ng condo ko,at shala! may pa banner pa ang mga bruha tsaka pa flowers si kuya mo Russel.

"Buti naman at naramdaman ko din ang presensya niyo.Tsk,mas madalas pang magparamdam 'yung mga multo dito sa condo kaysa sainyo e" pagtataray ko sakanila,pero hindi naman masyadong umipekto sakanila ang pagdadrama ko.

Lumapit saakin si Selene at Yara at niyakap ako ng mahigpit,pero patuloy parin ako sa pagpapakipot. "Sorry na,we're just busy okay.And kinuntiyaba talaga namin si Russel para surpresahin ka sa unang araw ng exams mo,pramis Mads next week makakabawi na kami sa'yo.We're just so busy this week,si Yara pupunta ng France para sa catwalk niya then photoshoot,and ako naman pupunta ng Ilocos para sa business trip duon na dapat si Dad ag a-attend pero ako 'yung pinapapunta,haish! ang tamad na talaga ni Dad." 

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa paliwanag  ni Selene,hindi ko naman matitiis ang mga kaibigan ko na 'to 'no.

"I understand you guys,alam ko naman na business priorities na talaga kayo ngayon.Tsaka alam ko naman na hindi niyo ako kakalimutan kahit na anong busy niyo e." pumasok bigla sa isip ko na may exams pala ako ngayon,jusme! napa tingin ako sa pambisig kong relo at 8:30 am na at 9:00 ang simula ng exams namin! 

"Guys sige,just see you around,baka malate na ako sa exams ko." maglalakad na sana ako palabas ng harangin ako ni Rus at inaabot saakin ang boquet of pink roses 

"Here"

"Paki pasok nalang sa loob Rus,then kung aalis na kayo paki sara nalang 'yung pinto ah,bye guys!"

"We will pray for your exams Mads! Goodluck!" sigaw ni Yara at Selene,i just give them a flying kisses bago ako tuluyang sumakay ng elevator pababa.

I really miss them.But,i just need to focus on my exams this time.Sana naman lahat ng ne-review ko ay nasa mga tanong,goodluck talaga saakin.



**



"I have this box because this will be the house of your phones while you're examing.So,silent or turn off your phones before putting your cellphones here" sabi ng prof namin,kinuha ko ang phone sa bulsa ko,ite-turn off ko na sana ng bigla itong mag beep.A text from James.

From: KJ

For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Jeremiah 29:11 

GOODLUCK MY MADISON! :* I LOVE YOU (insert hugs and kisses from your very handsome suitor)

Mr.Famous Meets Ms.SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon