°26°

678 46 0
                                    

Dedicated to everyone that reading my story

Chapter 26 - Be with you,is the  my best wish that God granted

Buti nalang at may nadaanan kaming Exclusive hotel,siya na ang nag check in dahil baka nga tawagan ni Dad ang management ng hotel na ito para lang itanong ako.Iisang hotel room lang kami,dahil occupied na lahat ng rooms dahil sa mga tourista kaya no choice kami.

Hindi naman siya katulad ng ibang lasing na walang sa wisyo at may ginagawang kakaiba,may tiwala ako sakanya kaya sana 'wag niya iyon sirain sinabi ko narin ito sakanya kanina dahil nagtalo pa kami na baka may gawin siya saaking hindi maganda sa hotel room na iyan.Mabuti ng sigurado ano

"Ikaw na muna ang maligo,oorder lang ako ng dinner natin" sabi niya bago siya bumaba,kaya dumeretso na sko sa cr.Buti nalang at nakabili kami kanina ng mga damit bago mag check in

Hindi ako ganun nagtagal kasi baka matumba ako sa cr dahil sa hilo ko sa alak,nabawasan ng kaunti ang init si katawan kong buhat ng alak,pero ang lakas parin ng tama ng alak sa sa katawan ko.Lumabas ako ng naka robe lang dahil naiwan ko sa sofa 'yung pinamili naming damit kanina,ang shunga ko talaga! Paki batukan nga ako.

Laking gulat ko ng nandun para siya sa terrace, buti nalang at hindi ko pa nahuhubad ang robe ko.Maglalakad na sana ako pabalik sa banyo ng mapansin niya ako

"Tapos kana?" Hindi ko siya nilingon "Uhm,h-hindi pa.Magbibihis nalang ako" kumaripas ako ng takbo papasok ng cr,napasandal ako sa pinto at napasapo sa dibdib ko.

Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko,shit! Nag iinit ang buong katawan ko kapag nakikita ko siya.Parang,parang may kakaiba sa nararamdaman ko? Ganitong ganito ang naramdaman ko simula ng nagkagusto ako kay Calvin nuon,ang ibig sabihin rin ba nito ay gusto ko si James? Pero,kung meron man.Bakit naman hindi diba? Wala namang masama kung magkagustuhan kaming dalawa,it's natural right?

Ayoko nang iiwas pa ang nararamdaman ko sa lahat ng tao,pinipigilan ko lang na makapasok sila sa buhay ko dahil nasanay lang ako sa mga taong nakapaligid lamang saakin.

Lumabas na ako ng nakatapos na ako sa pagbibihis,andun na pala ang pagkain na in-order niya para saamin.May dalawang kape duon"Eto coffee, para mabawasan ang epekto sa'yo ng alak" inaabot niya saakin iyon pero umiling lang ako,hindi ko nasabi sakanya na allergic ako sa kape

"Sorry but I'm allergic on coffee, but thank you.Ikakain ko nalang ito" nag sorry rin siya saakin dahil duon,maliligo narin sana siya pero sabi ko kumain muna siya bago siya maligo.Hindi ako kumain ng marami dahil baka isuka ko lang ulit iyon.

Nang matapos na kaming kumain tsaka siya naligo,nahiga ako sa kama at tinext sina Selene at Yara na bantayan muna si Kier sa condo dahil hindi ako makakauwi,ang malisyoso nga nung dalawa ng malaman nilang si James ang kasama ko sinabi ko nalang na wag nilang sasabihin kahit kanino.Tinawagan ko rin si Kier,sinabi ko na may pinuntahan lang ako na kaibigan ko kaya hindi ako makakuwi,ganun din si kuya.Nagbilin pa nga na huwag na huwag raw akong iinom ng kahit na anong alak.Sorry kuya,nalabag ko ang utos mo.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" napalingon ako,biglang nag slow motion ang buong paligid at tanging tanging siya lang ang nakikita at napapansin ko,sunod sunod ang paglunok ko sa laway ko.Nakatapis lang kasi siya ng towel sa pang ibaba niya at may tumutulo na konting mga tubig sa katawan niya.Takte! Hindi ko napansin na ganyang para ka broad ang shoulders niya,kung gaano kaganda ang hubog ng muscles at bicep niya pati narin yung abs.Ang perfect! Six packs!

Mr.Famous Meets Ms.SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon