Sorry na agad sa mga typos and wrong grammars kung meron man.
-Enjoy reading bbs!
--
Selene's (POV)
Nandito kami ngayon sa starbucks nagpapalamig dahil sa nangyari kanina at kasama ko parin ngayon si Yara na lumilipad parin ang utak.
"Hoy! Gagita! Mukha ka ng tanga, umayos ka nga!"siniko ko pa siya dahil hindi parin kumikilos "Kasalanan mo naman eh! Kaya wala kang masisisi"
"Oo na, ako na may kasalanan" malungkot ang tono ng pananalita niya "Selene! Baka FO na kami ni Mads" niyuyugyog niya pa ang braso ko kaya hinawakan ko ang dalawa niyang balikat para patigilin siya sa ginagawa niya saakin.
"Hindi naman ganun si Mads, okay? Galit lang yun sa ngayon, mawawala rin yun" binitiwan ko na siya at ibinalik ang atensyon sa cellphone ko, nag babaka sakali na may mensahe si Mads.
"Kasi eh! Hindi ko alam kung san nanggaling yung sinabi ko kanina!" ginulo niya yung buhok niya, mukha na siyang baliw.
"Gaga ka kasi, dapat inisip mo muna bago lumabas diyan sa bibig mo" nakatuon parin ang tingin ko sa phone ko,narinig ko na huminga ng malalim si Yara at umubob sa table.
"Can I join you girls?" sabay kaming napatunghay ni Yara sa nagsalita. It's none other than Renzo.
"Sige, upo ka na diyan "agad siyang naupo sa harapan naming upuan, hindi ko napansin na nasa likod niya pala yung kaibigan niya "Hoy! Ikaw! Saan ka pumunta kanina?" sinamaan ko siya ng tingin habang papaupo sa tabi ni Renzo.
"I tried to find Madison, but I didn't see her" pa cool niyang sagot sakin, binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa phone ko habang si Yara naman nakalagay parin yung dalawang braso niya sa lamesa at dun naka patong ang ulo niya pero nakatingin lang siya kay Renzo.
"Are you okay?" tanong sakanya ni Renzo pero tumango lang siya ng walang gana.
"Ganun ba talaga kahalaga ang Calvin na yun sa buhay ni Madison?" napatunghay ulit ako dahil sa sinabi nung James.
"Higit pa sa mahalaga" ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magsalita si Yara, naunahan na ako.
"What do you mean?" ang clueless naman ng lalakeng ito! Sa totoo lang ay inis talaga ako dito eh, porket famous siya at kinaaadikan ng mga babae dito? Eh mayabang na?
"Kung mag bibigay kami ng details, edi parang sinabi narin namin, tss" inis kong sagot, inirapan ko siya sabay ihip sa bangs na nakaharang sa mukha ko.
"Bakit ba kasi ayaw niyong sabihin saamin?" tumingin naman ako kay Renzo.
"Kasi nga bawal!" sagot ko. Hindi ba sila marunong maka intindi ng bawal? Tsaka isa pa, bago palang silang kaibigan ni Mads kaya wala pa silang Karapatan.
BINABASA MO ANG
Mr.Famous Meets Ms.Snobber
Teen FictionSEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to be hurt by someone because of what happened in the past. But then, here comes the Famous Kellen Jam...