°15°

972 60 4
                                    

Chapter 15 - Asungot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 15 - Asungot

Mabilis akong bumangon para maghanda,maaga dapat kaming makarating lahat sa flight namin.Pumasok na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.

Nang nasa kalagitnaan ako ng aking pagbababad sa bathtub, ay may kumatok sa baba

"Sandali lang!"siguro naman maririnig niya ang sigaw ko diba? Siguro si Selene yun,maaga pa naman eh 6:30 palang.Napaaga ata ngayon ang babaeng ito?

Mabilis akong nagtapis ng bathrobe at pinunasan ng towel ang aking buhok habang pababa,tuloy parin siya sa pagkatok

"Can you kindly wait?!"hindi pa nga ako nakakababa ng tuluyan sa hagdan eh,excited much lang? Grabe siya oh!

Agad kong binuksan ang pinto pero patuloy parin ako sa pag pupunas ng aking buhok

Russel's POV

Maaga akong nagising para puntahan si Madison sa condo niya,hindi ko kasi siya nakausap ng maayos kagabi dahil pinagsarhan na niya ako ng pinto kaya umalis nalang ako

Nang makarating ako sa condo niya hindi ko tinantanan ang pagkatok sa pinto niya,baka mamaya naka alis na yung mga iyon at iniwan nalang ako

"Sandali lang!"laking pasasalamat ko na nandito pa siya at hindi pa sila nakakaalis,sumandal muna ako sa tapat ng condo niya

"Ang tagal naman"inis na sabi ko kaya muli kong kinatok ang pinto

"Can you kindly wait?!"bakat sa boses niya ang pagkainis kaya muli akong kumatok,kakatok pa sana ako ng bigla niya itong buksan

O_____O

She's so DAMN HOT! Hindi ko maalis ang mga mata kong nakatingin sakanya,mali hindi na tingin kundi titig na titig ako sakanya,parang biglang uminit dito pinagpapawisan na ako

Hindi niya pa ata ako napapansin dahil tuloy parin siya sa pagpupunas ng tuwalya sa kanyang buhok.Kahit naka bathrobe siya kitang kita ang hubog ng katawan niya,hindi ko mapigilan ang paglunok ko ng aking laway dahil sakanya.Grabe! Hindi ata ako makahinga ng maayos.

"Anong ginagawa mo dito?"bumalik ako sa realidad,napansin niya din ang presensya ko

"Ready na ako"kumunot agad ang noo niya

"For what?"sabi ko na nga ba eh,hindi niya ako na gets kagabi

"Para umalis.Dinaanan na kita para sabay na tayong pumunta sa airport"nanlaki ang mga mata niya sakin,shet! Hindi ko maiwasan na mapatingin sa katawan niya at itsura niya,ang hot kasi talaga!

"Wala naman akong sinabi na kasama ka ah! Don't be feeler nga!"sasaraduhan niya na sana ako ng pinto ng iharang ko ang braso ko sa pinto"Umalis ka na nga!"tinutulak niya ako palabas

"Stop!"hinawakan ko ang dalawang braso niya para hindi na siya makapalag

Madison's POV

Mr.Famous Meets Ms.SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon