This chapter is dedicated to bncmld
Chapter 23 - Beat of heart
James's POV
Wala akong binago sa kilos ko,nagpanggap akong hindi naapektuhan sa nangyari sa pagitan namin,kahit ang hirap hirap para saakin nuon dahil kapag nakikita ko siyang sobrang naapektuhan.Hindi niya alam kung gaano ako nag-alala sakanya ng hindi siya lumalabas ng kwarto nang isang buong araw,gustong gusto ko na siyang katukin at puntahan sa kwarto niya.Pero sa kabilang banda,ako ang may kagagawan nito kung bakit siya nagkaka ganuon,nasaktan ko siya.
Ako rin naman ang may gusto nito diba? Mas pinili ko na saktan siya.Tiniis ko nalang ang nararamdaman ko,hindi pwede ito kailangan ko siyang iwasan.Kaya eto ako ngayon,nagpapanggap na hindi apektado sa lahat,pinilit ko na bumalik ako sa dati para walang makahalata na sobra na akong nasasaktan,hindi ako tumitingin sakanya dahil gusto ko siyang yakapin.
Nang nandito na kami sa tabing dagat dahil naisipan nilang mag camping.Nakapalibot kami sa bonfire dahil ang lamig ng simoy ng hangin,I'm just looking at her in my peripheral vision nakatulala parin siya at walang imik,kahit na kaming lahat e nagdadaldalan dito.Napa angat ako ng tingin ng bigla siyang tumayo at pumunta malapit sa dagat,palihim ko siya tinignan ng tingin.
"Excuse me guys,I'm going to talk to her"pagpapaalam saamin ni Russel aabay tayo papunta kay Madison.Palihim ko silang sinundan ng tingin.
"Ano kayang problema ng babaeng 'yan? Hindi man lang tayo sinasabihan"pagrereklamo ni Selene,siniko naman ako ni Renzo kaya napalingon ako sakanya,galit parin ako sa nilalang na ito kaya hindi siya gaanong pinapansin.Tinignan niya ako ng nakakaloko
"Selos ka?"i raise my fist,at aaktong sasapakin siya pero umatras siya"Sorry na! Galit agad e"nag pout naman siya pero hindi ko nalang pinansin.Palihim ko paring pinagmamasdan 'yung dalawa sa may tabing dagat.
Huminga ako ng malalim dahil sa nakikita ko,putcha! Nagawa pa talaga nilang maglandian?! Puta! May yakapan pa silang nalalaman.Nag iinit na talaga ang ulo ko sa mga ginagawa nila,sa bawat tingin ni Russel kay Madison naiinis ako!
Pinilit kong hindi nalang sila pansining dalawa dahil hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ng puso ko,ang sakit lang!
Mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa dahil nakatingin lang sila sa mata ng isa't isa.Gusto ko nang higitin si Madison papalayo kay Russel, pero hindi pwede! Hindi dapat.
"Dude,'wag mo nalang tingnan"bulong saakin ni Renzo pero hindi ko nagawa ang sinabi niya dahil hindi ko maalis ang tingin ko sakanilang dalawa,kahit na ang sakit sakit na ng nakikita ko e patuloy ko paring tinitignan.Tama nga sila,mas pipiliin mo ang iba para lang sa sarili mo kasiyahan.
Nakita kong unti unting lumalapit ang mukha ni Russel kay Madison,napakuyom ang mga kamay ko na nasa buhangin.At ng tuluyan ng lumapat ang mga labi nila,e hindi ko na talaga kinaya.
"Puta!"mabilis akong tumayo pabalik ng kwarto,narinig kong tinawag pa nila ang pangalan ko pero hindi ko sila nilingon.Derederetso lang ako papunta ng kwarto at mabilis na nag impake,buti nalang at dala ko lahat ng gamit ko at wala na akong babalikan pa.
"Dude! Anong problema? San ka--"
"Puta naman Renzo!"mabilis kong binuhat ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto,pero hinigit parin ako ni Renzo kaya napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nililingon.
BINABASA MO ANG
Mr.Famous Meets Ms.Snobber
Teen FictionSEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to be hurt by someone because of what happened in the past. But then, here comes the Famous Kellen Jam...