°39°

327 14 0
                                    

Chapter 39





KANINA ko pa hinihintay ang text or tawag man lang ni Selene at Yara, ayoko pa kasing umalis ng pent house ko dahil tinatamad akong umalis mag isa, ewan ko ba bigla nalang bumibigat pakiramdam ko tapos minsan kinukulang pa ako sa energy. Siguro dahil naging masyado akong tutok sa pag-aaral ko kasi acads is life naman talaga, tapos idagdag mo pa si Levina na epal sa isipan at puso ko. Kaya siguro hindi lang ako physically napapagod kundi emotionally rin.

Actually kanina pa ako tapos mag ayos ng sarili ko, all dress up narin ako. Wearing my light make up with my matching tube top black and red dress then heels, syempre ayoko namang lumabas ng hindi ako naka ayos 'no. Madaming nakakakilala saakin at ayaw kong mapahiya kahit na ayoko ng atensyon. Hindi na naman maiiwasan 'yon.

Ipipikit ko sana saglit ang aking mga mata nang tumunog ang cellphone ko na mabilis kong dinampot sa pag aakalang isa na sa mga kaibigan ko ang natawag, pero si Russel pala.

"Yes Russel? Bakit ka napatawag?" Casual kong tanong. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita at nakaka usap.

"Good evening Madi, by the way are you coming sa event ni Selene?" Napatigil ako sa paglalaro ko ng bunny pillow ko dahil sa sinabi niya.

"Are you coming too? Akala ko busy ka?" Kaya nga siya nawala ng ilang weeks kasi nga daw busy siya, tapos minsan nakikita ko na palagi niyang kausap si Dad kapag dadalaw ako kay Kier. What's up with him and Dad?

"Yes ofcourse, timing lang kasi na hindi na ako busy ng padalhan ako ni Selene ng invitation. Nasa Sestor ka na ba?" Sestor is 'yung pangalan ng bar ni Selene, pinaikli lang ng fullname niya.

"Wala pa, wala kasi akong maka sabay." Eleven pm pa naman 'yung start ng event pero gusto ko na maka rating, ang boring na kasi dito sa pent house kung ako lang, tapos masyadong nagsusunog ng kilay si Honey kaya wala rin akong nakaka usap rito.

"Great! Sunduin nalang kita para sabay tayo-"  Napa baling ang tingin ko sa pinto kasi may nag do-door bell.

"Wait lang Russel, baka kasi sina Selene at Yara na ito. I'll call you later." Inilapag ko sa center table ang phone ko at dumeretso sa pinto at sumilip muna sa peep hole bago ito buksan, and i didn't expect na nandito nanaman siya. No choice ako kundi ang oag buksan siya ng pinto.

Mas lalo akong nagulat nang pag bukas ko ng pinto ay may isang boquet of pink roses siyang dala with matching ferrero chocolates pa, partida tatlong box's.

"What's the matter?" Wala naman kaming usapan at wala rin naman siyang sinabi saakin na pupunta siya ngayon dito.

"For you," he handed me the boquet of flowers and the chocolates na tinanggap ko naman.

"Thanks, pero bakit? May kailangan ka ba?" Napapansin ko kanina pa na titig na titig lang siya saakin na para bang mag lalaho ako sa paningin niya anytime. "Kellan?"

"Oww uhmm, pinuntahan kasi ako nina Yara at Selene kanina an then they invited me sa Sestor atsaka raw ako na raw ang sumundo saiyo, may gagawin pa daw kasi sila." So kaya naman pala kanina pa ako text ng text at tawag ng tawag sa dalawang iyon na palagi ang sinasabi ay 'wait mo lang' 'malapit na jan' akala ko pa naman sila iyonh tinutukoy nila, iba pala.

Mga bruhang iyon, nag ke-kwento lang ako kanina about sa nilalang na 'to tapos ngayon may paganito na silang nagaganap.

"And with this?" I mentioned about the flowers and chocolates he gaved me.

Imbis na sagutin niya ako ay nginitian niya lamang ako ng abot tengang ngiti, naramdaman kong nag wawala nanaman ang puso ko habang nakikita ko siyang naka ngiti saakin ng ganyan and then all of a sudden he bite his lips, shit! Hindi ba alam ng lalaking ito na nakaka akit ang ginagawa niya?

Mr.Famous Meets Ms.SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon