Chapter 44
I WAS looking at myself who's facing the mirror now as I fix myself for my plan today. I didn't notice that my phone is ringing nonstop, kung hindi pa pumasok si Honey sa loob ng kwarto ko at sabihing kanina pa nag iingay ang cellphone ko ay hindi ko mapapansin.
Balak ko sanang sabihan si Honey na samahan ako sa lakad ko ngayon, ngunit ayaw ko nang maka abala pa sakanya at alam kong may gagawin pa siya sa univ.
Dinampot ko ang cellphone na patuloy parin sa pag iingay, si Kuya Harries ang tumatawag na kaagad ko namang sinagot.
"Kuya..." I heard a rustling sound on the other line and I guess he's doing something.
"Are you sure that you're okay? We can still cancel the meeting with our parents---" I cut kuya's words with a sigh.
"I'm already fine with it kuya, tiyaka isa pa gusto ko ring maka usap sina Mom and Dad," kinuha ko ang sling bag na naka handa na sa kama ko at isinukbit iyon saakin, "Paalis na ako kuya, see you later."
"Okay, if you say so. Just leave me a message if you already arrived there, may dadaanan lang ako saglit."
"Okay, drive safely."
"I will, you too. See you later, bye." Nang matapos ang tawag ay tumingin ako kay Honey na kanina pa palang naka tayo sa may pintuan ng kwarto ko na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay.
Pinatay ko muna ang ilaw at ang aircon sa kwarto ko bago ako nag lakad patungo sakanya na nauna ng lumabas, nang makalabas na ako ay isinarado ko ang pinto ng kwarto at humarap sakanya na may pag aalinlangan sa mga mata.
"You look bothered, are you okay?" panimula kong tanong sakanya, naka sunod lamang siya sakin habang nag lalakad ako pababa ng hagdan.
Hinintay ko ang sagot mula sakanya ngunit nang lumipas na ang ilang minutong hind siya sumagot ay huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Honey, ayos ka lang?" bakas sa mukha niya sa may bumabagabag sakanyang isipan kasi panay ang pag buka at sara ng bibig nito pero wala namag lumalabas na salita mula roon. "You can tell me anything Honey, may problema ka ba?"
Mataman ko lamang siyang pinag mamasdan hanggang sa siya ay sumagot. "Uhm," yumuko ito at tinuon ang atensyon sa mga daliri nito, "May nag deliver kasi kanina ng bulaklak, pero hindi sinabi kung sino. Sa tingin ko para 'yon sayo." Nangiti ako dahil sa sinabi niya.
Akala ko naman may problema siyang mabigat at may nangyaring hindi maganda kaya siya hindi mapakali kanina pa at hindi masabi saakin ng deretso, iyon lang pala ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Mr.Famous Meets Ms.Snobber
Teen FictionSEVEN SERIES #1 Kellen James WARNING‼️ UNDER REVISION Madison Kiera Madrigal is a bitchy Snobber type of girl but in a good way, she doesn't want to be hurt by someone because of what happened in the past. But then, here comes the Famous Kellen Jam...