°22°

624 39 2
                                    

(This chapter is dedicated to -imyourprince hope you like it! Also thank you for the new book cover)


Chapter 22 - True Feelings

Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto namin,kahit na panay akong niyayaya nina Selene at Yara na sumama sakanila sa panliligo sa pool at dagat e ayaw ko talaga,gusto ko na ako lang muna mag-isa dahil hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa puso't isipan ko.Tho hindi naman ako sanay sa mga ganitong pakiramdam.



Kinabukan e naisipan ko ng lumabas ng kwarto at sumabay sakanila sa almusal,wala parin talaga akong sa mood na ngumiti at sumabay sa mga trip nila.Nabibingi na nga ako sa kakatanong nila ng 'okay ka lang ba?' May problema ba?' Ang hirap nga nilang kumbinsihin kapag sinasabi kong okay lang ako.




At 'yung taong dahilan naman kung bakit ako nagkakaganito e,parang wala lang nangyari.Ganun parin siya,'yung James na dati ganun na ganun parin,ano ka ba naman Madison? Umaasa ka ba na apektado rin siya sa nangyari? Imposible naman diba? E ikaw nga itong todo kung makapag mukmok e.



Nung kinagabihan na e naisipan nilang mag camping kami sa tabing dagat,wala naman na akong choice kundi ang sumama sakanila.Andito lang kaming anim at nakapalibot sa bonfire na ginawa nila,sila sila lang ang nag kekwentuhan ng kung anu ano pero hindi ako nakikisali sa usapan nila,nakatulala lang ako sa dagat at pinagmamasdan ang bawat hampas ng alon.



Iniwan ko muna sila duong nagkekwentuhan at ako naman e naupo malapit sa dagat,nararamdaman ko ang paghampas ng tubig sa mga paa ko.Naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko kaya napa angat ako ng tingin.



"I don't want to ask you again if you're okay,because i know that you're not"nakatingin lang ako sakanya pero siya e deretsong nakatingin sa dagat,i sigh a fake one



"You really know me"this time siya naman ang napatingin saakin"Yes Russel,I'm not okay"i said with no emotions,agad naman niyang pinulupot ang braso niya sa balikat ko at inilapit ako sa dibdib niya kaya napasandal ako.



"If you're ready to tell me what's your problem, i will wait"he is still my Russel,my bestfriend,my best body,my Father, my kuya and everthing"By the way,i am really really sorry about the last time,i didn't meant to do it to you.Sorry talaga Mads"napaangat ako ng tingin sakanya,at tama nga ang hinala ko at naka pout nga siya.



Mabilis kong pinitik 'yung nguso niya"Don't pout nga! You look like a duck!"sinamaan niya naman ako ng tingin,pero niyakap ko siya ng mahigpit"It's okay Rus,kalimutan nalang natin"niyakap niya rin ako ng mahigpit



"Ikaw Madison ah,natututo ka nang ma-nantsing"mabilis akong kumalas sa akap ko sakanya at kinurot siya sa tagiliran



"Baliw ka! Diyan ka na nga!"tatayo na sana ako pero hinila niya ulit ako pabalik sakanya,kaya ayun natumba ako sakanya buti nalang at nasalo niya ako



"Ang pikon mo talaga Mads,naglalambing lang naman ako sayo e.Alam mo ba na miss na miss kita,hindi pa kasi kita nasosolo ng matagal"umayos ako ng upo at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya,he's so serious i don't want to interrupt him.



Mr.Famous Meets Ms.SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon