Sabado ng umaga ng mangyari ang kababalaghang ito.
Habang ako ay busy sa paggawa ng script sa gagawin naming role play sa mapeh ay busy rin ang dalawa kong kapatid sa paglalaro ng kanilang cellphone.
Para mas maganda ang takbo ng storya lalagyan ko ng pangalan sa bawat story na magaganap.
Kuya jeff, ano nakahanap kana ba?" Pagtatanong ng aking kapatid na si jimmy.
Oo, malapit na siya pumunta dito ikaw" pagtatanong naman ni jeffrey.
Talaga, patingin nga. " sambit ni jimmy at saka tumingin sa screen ng cellphone ni jeffrey.
Habang busy silang dalawa sa paglalaro kung anuman ang kanilang nilalaro busy naman ako sa pag-iisip ng bawat script namin sa gagawin naming role play.
Ayan na, malapit na siya. Bilis sabay nating buksan yung ghost sound para madetect din natin yung sound ng multo" sambit ni jeffrey sa akin.
Samantalang busy parin ako sa aking ginagawa at the same time nahihirapan akong makaisip ng linya dahil sa kaingayan nilang dalawa.
Ayan na, malapit na siya. Konti na lang" sambit nilang dalawa.
Ayon kuya, nandito na siya. Patay, red yung dot ibigsabihin niyan strong spirit ang paparating" sambit ni jimmy.
Talaga, red dot patingin nga" sambit ni jeffrey at saka tinignan ang cellphone ni jimmy.
Habang ako naman ay halos sumabog ang ulo ko sa kakaisip kung anong sunod na linya ang gagawin ko .
Eh! bakit sa akin black dot lang." Sambit ni jeffrey.
Aba, ewan ko. Ayan na kuya malapit na siya at papunta siya kay kuya jhay." Sambit ni jimmy.
Sandali lang jimmy, umalis na yung black dot. May paparating na red. Ito na malapit narin siya dito" sambit ni jeffrey.
Ayan na, malapit na papunta na siya" medyo malakas na sambit ni jimmy.
Ayan na yung akin, n-nasa tabi na siya ni kuya Jhay" natatakot na sambit ni jeffrey.
Talaga, bakit ayaw mo pa ito kuhanan ng picture. Bilis" sambit ni jimmy.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.