Sino dito ang pupunta ng sementeryo sa Nov. 1?
RAISE YOUR HAND AND SAY Me! Hahaha!
Pero seryoso, sino sa inyo ang pupunta ng sementeryo para dalawin ang mga mahal nila sa buhay na matagal ng yumao.
Alam niyo ba na kapag sasapit ang fiesta ng patay. Marami ng gumagalang kaluluwa sa paligid. Mga kaluluwang hinihintay ang pagdalaw ng kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang puntod. Ang sabi ni lola, kapag nasa Oct. 20 at malapit na ang kaaarawan ng mga patay. Dito na madalas magpakita ang mga kaluluwa. Hindi man natin sila nakikita, pero nararamdaman ng karamihan sa atin ang kanilang presensya. Wala ba kayong napapansin na sa tuwing pinag-uusapan natin sila. Nagtataasan na ang bawat balahibo natin sa katawan. Ang ibigsabihin non nasa tabi lang nila tayo, nakikinig sa bawat kwentong kababalaghan na ibinabahagi ng bawat isa sa atin.
Heto pa, sa tuwing nag-iisip tayo ng nakakatakot na pangyayari. Hindi rin natin naiiwasan ang taasan ng balahibo. Feeling mo, may katabi ka. Feeling mo any moment may yayakap sayo. Kaya naman hindi natin maiwasan na magtakip ng kumot sa atin katawan. Pero, ang hindi niyo alam. kapag nagtatakip tayo ng kumot sa ating katawan, nasa tabi na natin sila. Nakahiga at nakikitulog din. Hindi po ako nagbibiro, kung mapapansin niyo sa tuwing alas dose ng gabi. May mga puting ilaw na umiikot sa inyong tahanan. Puting ilaw na akala niyo kapag nakita niyo wala lang. Isa lang itong ordinaryong ilaw kaya hindi niyo pinapansin. Pero ang hindi niyo alam, ANG PUTING ILAW NA NAKITA NIYO AY ISA PALANG KALULUWA NA GUMAGALA SA INYONG TAHANAN.
Sa mga readers ko na excited na sa fiesta ng patay. Magiging excited paba kayong pumunta ng sementeryo, pagkatapos niyong basahin ang chapter na ito.
Pupunta parin ba kayo sa sementeryo kapag nabasa niyo na ang mga nakasulat dito.
Hindi naman sa tinatakot ko kayong lahat, pero alam niyo ba na kapag pumupunta kami ng sementeryo ng aking mga magulang. Marami akong napapansin, ngunit hindi ko na lang ito pinapaalam kila nanay at tatay dahil ayokong matakot sila.
Nov.1 2013
That time I was 14 years old.
Hindi pa ako nakakakita ng multo o kaluluwa ng mga panahon na iyon. Takot na takot din akong nakakarinig ng mga horror story, dahil hindi ako nakakatulog tuwing gabi.
Nov.1 2013 ng pumunta kami nila nanay tatay lolo at lola para dalawin ang yumaong kong tita na si tita vilma. ( Prev. chapter in title Remote and The story Behind His Death " )
Syempre kapag fiesta ng patay, hindi maiiwasan ang siksikan. Kaya naman kapag dadalaw kami sa sementeryo. Todo kapit ako kila nanay dahil sa ayokong mawala.
Hindi maiiwasan kapag fiesta ng patay, ang siksikan, tulakan at nakawan.
Pero doon ko lang napansin, na hindi lahat ng tao na nasa sementeryo ay buhay. Yung iba, mga kaluluwa na nakikipagsiksikan at palakad lakad sa loob at labas ng sementeryo.
Habang naglalakad kami ng aking nanay at tatay papunta sa libingan ng aking yumaong lolo at lola. May nakita akong isang lalaki na tila may gagawin itong masama.
Dahil sa siksikan sa labas ng sementeryo, napahinto kami nila nanay. Iyon din yung time na, pinanood ko lang ang lalaki kung anong gagawin nito.
Pinanood ko lang ang bawat kilos niya dahil nararamdaman kong may mali itong gagawin.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaki na tumabi sa isang babaeng nakadress ng puti. Sisigaw na sana ako ng magnanakaw, dahil nakita ng dalawang mata ko na pinapasok nong lalaki ang kanyang kamay sa bulsa ng dress ng babae.
Sa gilid kase ng dress na suot ng babae may bulsa ito. I think doon nakalagay yung pera niya.
Pero!
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
KorkuWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.