TRUE HORROR STORY.
Written by: Jayzkie002
Cover made by: My sister @kitty-STThank you for the cover sister.
( Hindi po ito nakakatakot na inaasahan niyo. Kaya naman no need to worry. HAPPY 100+K sa inyo )
Enjoy~
7 WAYS TO SEE, WHO IS MY SOULMATES USING MIRROR IN THE WALL.
Ilan beses naba kayo nasaktan, isa dalawa, tatlo, sampo or what?
Sa daming beses niyo ng nasugatan, hindi paba kayo nagsasawang magmahal. Hindi paba kayo nagsasawang hanapin ang taong mamahalin kayo pang-habang-buhay.
Marami sa atin ang nakakaranas ng friendzone at kung ano-anong klaseng zone. Tanong ko lang, hindi ba kayo nagsasawang ipagtulakan ang sarili mo sa taong hindi naman pala ikaw ang gusto. Hindi kapa ba nagsasawang sabihan siya ng gusto kita pero ang sagot niya mahal ko siya. Ganyan ba kamanhid iyang puso mo na, kahit ibuhos mo pa ang buhay mo sa taong gusto mo. Hindi nito kayang suklian ang pagmamahal na hinahangad mo. Bakit hindi ka magising sa kakatohanang hindi ikaw ang gusto niya. HINDI ikaw ang gusto niyang makasama, dahil para sa kanya. ISA KA LANG NIYANG KAIBIGAN NA HANDA MO SIYANG DAMAYAN SA ORAS NG GIPITAN. Masakit bang ma-friendzone? Lalo nat gustong gusto mo ang taong iyon. Kung nagsasawa kanang makaranas ng friendzone. Kung gusto munang makita at makasama ang lalaking para sayo. Bakit hindi mo i-try ang 7 ways to see my soulmates using mirror in the wall.
Para naman sa mga taong ilang beses ng nakaranas ng heart break. Mga taong kahit ilang beses na silang nasaktan, luma-love life parin sila. Tapos kapag nasaktan ulit kayo sasabihin niyo. AYAW niyo ng magmahal pero kapag tumibok ulit si heart niyo. Ayon, nagpakatanga ka nanaman. Sinundan si puso iniwan si isip kaya ang resulta ginawa ka nanamang tanga. Ang mahirap kase sa mga taong ilang beses ng nasaktan. Wala sa vocabulary nila ang salitang Pagod. Basta tumibok ulit si puso. Then, boom! another love life and another heart break. Tapos sisihin mo si god, si tadhana si cupid at kung sino sino pang dapat mong sisihin kung kaya't iniwan ka ng taong mahal mo. Anong kinalaman nila cupid, tadhana at ni god sa love life mo. Kung bakit nasaktan kang muli at iniwan ng taong pinakamamahal mo. Ikaw ang may desisyon niyan, kung si isip sana ang pinaandar mo. Edi sana hindi kana ulit nasaktan. Ang kaso lang si puso ang sinundan mo kaya naman iyang luha mo walang tigil sa pagtulo. Hindi lahat ng oras, panahon at araw si puso lagi ang tama. Try mong gamitin ang utak mo, baka marealize mo ang panloloko at pang-gagago ng taong mahal mo. Payo ko lang sa mga taong ilang ulit ng nasaktan, pero sige parin sila sa kaka-love life. Ate, kuya, Hindi naman po masama ang magmahal. Ang masama eh yung nagmamahal ka ng taong Hindi naman dapat minamahal. Mga kapatid, hindi po tayo robot at hindi po bakal ang puso natin. Na kapag nasaktan ka, maghahanap ka ulit ng iba. Aba! kalandian na iyan. If nagsawa kanang kakahanap sa taong mahahalin mo. Try mo siyang silipin sa salamin. PAANO MO SIYA MASISILIP. simple lang. Bakit hindi mo subukan ang MIRROR IN THE WALL. sa pamamagitan nito, hindi kana masasaktan. Makikita mo pa ang lalaking nakatadhana sayo.
Ang last na pinakamalala sa lahat ay ang taong martyr. Sila yung mga taong kahit ipasagasa mo sila sa truck, train at kahit pokpokin mo ng martilyo ang kanilang ulo. hindi parin sila magigising sa katotohanang pinagloloko at pinaglalaruan lang sila ng taong mahal nila. Ang mga taong martyr sila yung mga taong may matitigas na puso. Kahit na harap-harapan na silang niloloko at ginagawang tanga, hindi parin nila kayang bitawan ang taong minamahal nila. Martyr nga diba?, kapag martyr ka, handa kang magpakatanga para lang sa kanya. Handa mong tanggapin ang lahat para lang sa kanya. OK lang na lumuha ka, na masaktan ka, na magmukha kang engot at pagtawanan ka ng iba. Dahil para naman iyon sa kanya. Lahat na lang ng bagay sinasakripisyo mo para lang sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi naman masama ang maging martyr mga kapatid. Ang masama, yung nagmahal ka ng taong hindi naman dapat mahalin. Kung harap-harapan kana niyang niloloko at ginagawang tanga. Iwanan muna, sumuko kana. Tanggapin mo ang katotohanang, ginagawa ka lang
niyang laruan. Isang laruan na kanyang itinapon, sapagkat kanyang pinagsawaan at pinaglumaan. Hindi naman porket mahal na mahal mo yung tao. Handa munang tanggapin ang lahat. Lahat ng sakit, hirap, at pagdurusa. Minsan, ang akala natin. Once na tumibok ang puso natin, ang akala mo siya na. Kaya naman kahit na nahihirapan kana, hindi kapa rin sumusuko dahil ang gusto mo siya na talaga yung taong gusto mong makasama pang-habang buhay. If nagsasawa kanang magpaka-martyr. Gusto munang makita ang taong magpapadanas sayo ng saya na dulot ng pag-ibig. What are you waiting for. Nandito naman ako [ charot ]!. Sa lahat ng taong martyr, Isa lang ang masasabi ko. Hindi lahat ng oras, araw at panahon nagpapaka-martyr kayo. Minsan kailangan niyo buksan, ang inyong mga mata ng makita naman ng inyong puso na hindi lang siya ang taong dapat niyong mahalin. Marami pa naman riyang iba. naghihintay lang silang muli mong buksan iyang puso mo, na ikinulong mo sa taong hindi naman karapat dapat ikulong.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.