Ito po ay kwento ng aking tito na boyfriend ni tita carms. Hindi na ako bago sa kwentong ito ng tito ko kasi madami na akong naririnig na kwento tungkol sa pugot ulo.
[ A/n: Ang mababasa niyong pangalan dito ay hindi po nila totoong pangalan. Yun lamang po. Salamat ]
Tanghaling tapat ng magyaya ang kaibigan ng tito ko na si tito ko richard.
"Rich, tara samahan mo ako mag-inom pare" malungkot na paanyaya ng kaibigan nito.
" bakit pare broken kaba ngayon" natatawang sagot naman ni tito richard.
"Oo pare, broken na broken. Wasak na wasak na parang gusto ko ng mamatay" malungkot at seryosong sagot ng kaibigan ng tito ko.
Tinapik ni tito richard ang kaibigan nito.
" Ano kaba naman pare, parang babae lang magpapakamatay kana. Marami pa jang iba may babaeng pang magmamahal sayo hindi lang siya" natatawang sagot ni tito richard.
" Oo pare babae lang siya, babaeng mahal na mahal ko. babaeng sumira ng puso ko" naiiyak na sagot ng kaibigan nito.
Binatukan ni tito richard ang kaibigan ngunit ganon na lang ang pagtataka nito ng hindi ito uma-ray man lang.
Sensitive kasi na tao ang kaibigan nito na kahit ata ang mahinang pagkurot mo dito ay mapapaaray ito na may kasamang sigaw pa. Kaya naman nagulat ang tito ko ng hindi ito umaray o sumigaw man lang.
Inisip na lang ng tito ko na baka sa sobrang pagkabroken nito hindi na ito nakakaramdam ng kahit anong sakit.
"Langya ka pare, ganyan pala epekto ng pag-ibig kahit ata saksakin at suntukin kita wala kang mararamdaman" pagbibiro ni tito richard.
Hindi kumibo ang kaibigan nito sa halip ay nakatulala ito sa kawalan.
Wala ng nagawa si tito richard kundi samahan ang kaibigan na uminom. Hinila niya ito at saka sila bumili ng maiinom.
Habang nagiinom silang dalawa panay ang iyak ng kaibigan nito samantalang siya ay panay naman ang tawa.
" Gusto kong makipag-balikan sa kanya ngunit kahit ata lumuhod ako sa harapan nito ay hindi na niya ako babalikan" naiiyak na sambit ng kaibigan nito.
" Baliw kana pare, kung ako sayo hindi ako magaaksayang ng oras sa kanya. Kung ayaw niya sakin edi wag hindi siya kawalan" sagot naman ng tito ko.
" Paano ang gagawin ko, hindi ko siya makalimutan" naiiyak na sagot ng kaibigan nito.
" Tama na nga yan pare, kanina kapa umiiyak eh. Nagmumukha kang bakla gago. Umayos ka nga. Magmove on ka hindi yung panay iyak kana lang jan parang hindi ka lalaki eh" seryosong sambit ng tito ko.
" Anong magagawa ko mahal ko eh. Parang ikaw hindi ka naging ganito" sagot naman ng kaibigan nito.
" Alam mo pare, narealize ko sa mga panahon na iniwan ako ng babaeng mahal ko. na siguro kaya niya ako iniwan kasi may plano ang diyos sakin kaya kong ako sayo. Matulog kana lang" sagot ng tito ko.
" Mabuti pa nga pare, sige matutulog na ako. Salamat sa pakikiramay mo sakin ang bait mong kaibigan" sambit naman ng kaibigan nito sabay tapik sa balikat ng tito ko.
" Ako pa pare " sagot ng tito ko habang tumatawa.
Nahihilong tumayo ang kaibigan nito at saka pasuray suray na naglalakad. Habang naglalakad ang kaibigan nito hindi sinasadyang nasinagan ng araw ang kaibigan nito kaya naman ganon na lang ang pagkagulat ng tito ko at agad itong napatayo. At hinabol ang kaibigan niya.
" Sandali lang lance" sigaw ng tito ko kaya naman napahinto si kuya lance sa kanyang paglalakad at saktong tumapat ang kaibigan nito sa isang lugar na nasisinagan ng araw.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.