Ang babaeng Pinatay II

5.4K 190 10
                                    

Part II

Hindi lang yun ang pangyayari na nagparamdam ang babae.

Tanghaling tapat ng dumating ang tito ko sa side ng tatay ko galing sa novaliches.

" Oh! rence nandito ka pala, bakit hindi mo sinabi samin na darating ka. Edi sana naghanda kami ng maraming pagkain" sambit ni tatay ng makita niya si kuya rence na kakarating palang.

" Salamat oh tito, hindi na ako nagpasabi sa inyo kasi ayoko namang maging istorbo pa ako sa inyo" sagot ni kuya rence.

" Ano kaba, hindi ka naman nakakaistorbo samin" sambit naman ni nanay habang nagluluto ng makakain ni kuya rence.

" Oo nga kuya, nga pala pasalubong ko hehehe" nahihiyang tanong ko kay kuya rence sabay kamot sa ulo.

" hahaha! Bago ko ibigay yung pasalubong mo. Turo mo muna kong saan ang C.R. gusto ko ng magjingle." Natatawang sambit ni kuya rence.

"May naliligo sa C.R. kuya doon na lang kayo umihi sa gilid ng gate" sabi ko sa kanya.

After 5 minutes bumalik si kuya rence.

" Oi Jay hindi mo sinabi sakin na may babae pala doon" sabi ni kuya rence.

Nagtataka naman ako sa sinabi nito.

" Babae? Anong babae?" Tanong ko kay kuya rence.

" langya ka pamangkin, anong klasing tanong yan. " sagot ni kuya rence sabay kamot sa batok.

" I mean may babae kayong nakita, Anong itchura" tanong ko kay kuya rence.

" hindi ko makita ang mukha nito pero nakasuot ito ng blouse at may maikling short. Nakatayo ito sa gilid ko kung saan ako umiihi. Nagulat nga ako kasi hindi siya tumalikod man lang kaya naman ako na yung lumihis" Sabi ni kuya rence habang namumula ang mukha nito.

Pagkarinig ko ng sinabi ni kuya rence bigla akong kinilabutan at nagtaasan lahat ng balahibo ko.

" oh bakit ka tumahimik" tanong ni kuya rence.

" kuya, yung nakita mong babae kanina siya yung babaeng pinatay nitong nakaraang araw lang" sagot ko kay kuya rence.

Natahimik si kuya rence sa sinabi ko at makikita mo ang takot mula sa kanyang mukha.

Isa pang pangyayari ~~

Habang naglalakad kami ni nanay pauwi ng bahay narinig namin ang isang trycle driver na takot na takot na dumaan samin dahil habang nagpapasada daw ito.

Nakakita daw ito ng babaeng nakatayo sa gate namin. Akala nong trycle driver ay pasahero daw ito kaya naman tumigil ito sa harap ng gate namin.

Sumakay naman daw ang babae at saka niya tinanong kong saan daw ito bababa. Hindi sumagot ang babae kaya naman naisip ng driver na baka sa kanto ito bababa dahil doon naman ang babaan ng mga pasahero.

Pinaandar na ng driver ang motor nito. Kinakausap ng driver ang babae ngunit ni 'Ah' ay hindi ito sumagot. Inakala ng driver na pipi ang kanyang pasahero kaya naman hindi na ito nagsalita pa.

" Ateng maganda nandito na po tayo" sambit nong driver at saka sumilip sa loob ng motor.

Nagulat ito ng wala ng pasahero sa kanyang motor. Nagtataka ang driver kung paano nawala ang kanyang pasahero ng hindi niya napapansin.

Pinaandar ng trycle driver ang kanyang motor ng makita niya ang babae sa kalayuan habang nakatakip ang mukha nito. Nagulat pa ito ng makita niyang bigla na lang naglaho ang babae na parang bula. Kaya naman pinaandar nito ng mabilis ang kanyang motor.

Habang dumadaan ang araw natatakot ng dumaan ang mga motor sa bahay namin dahil kusa na daw itong sumasakay sa iyong motor. Bumababa rin ito kapag nasa kanto na at kusa itong nawawala.

May isa pang single na motor ang muntik ng madisgrasya ng sumakay ang babae sa likod nito.

Nagtataka daw ang driver ng motor kung bakit bigla na lang bumigat ang motor na kanyang minamaneho samantalang wala naman itong angkas na tao.

Tumingin ang lalaki sa salamin ng kanyang motor at laking gulat nito na may babaeng naka-angkas na sa motor nito habang hindi nito makita ang kanyang mukha.

Sumalpok ang motor sa pader at buti na lang hindi masyadong nakatamo ng matinding sugat ang lalaki.

After ng mga nangyari. Nagpasyahan ng lolo ko na sa araw ng kanyang kamatayan ay nagtitirik sila ng ilang kandila at saka sila nag-aalay ng makakain. After nilang mag-alay ng pagkain pumatay sila ng manok at saka nila pinapaikot ang dugo nito sa buong bahay at sa mismong gate.

After non hindi na nagpaparamdam samin ang babae. Kapag araw ng mga patay nagtitirik na lang kami ng kandila sa gate namin.

~~

Votes and comments.

Thank you

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon