Ang sabi nila ang pagkamatay daw ang pinaka-masaklap na pangyayari sa ating buhay.
Hindi natin alam kung kailan, anong oras, saan, tayo mamamatay.
Lagi natin sinisisi ang panginoon, kung bakit niya kinukuha ang mga taong mahahalaga sa atin. Kadalasan ang panginoon pa mismo ang sinisisi natin kung bakit nagkanda-letche-letche ang buhay natin. Pero ang hindi mo alam, kaya niya ginagawa ang lahat ng ito para subukan tayo. Kung hanggang saan ang kaya natin. Kung gaano tayo katatag sa buhay. Lahat ng nangyayari sa atin ay ginagawa niya ng may dahilan. May plano ang diyos kung bakit niya ito ginagawa sa atin. Siguro hindi mo pa ito makita sa mga panahon na binigyan ka niya ng problema. Pero isang araw magpapasalamat kana lang sa kanya ng marealize mo kung anong blessing ang ibinigay niya sa buhay mo.
Ang kamatayan ay hindi magandang solusyon sa iyong problema sa buhay. Harapin mo ang iyong problema, wag mo itong takasan sa pamamagitan ng pagkitil ng iyong buhay.
Dahil may mga tao na kahit hindi pa nila oras. Kinikitil nila ang kanilang buhay dahil lang sa isang problemang hindi nila kayang lutasin.
May mga tao naman na kumukuha o kumikitil ng kapwa nila tao dahil lang sa maliit na bagay.
Ang kamatayan ng isang tao ay hindi natin kayang pigilan. Kung oras muna, oras muna talaga kaya naman dapat mo itong tanggapin ng bukal sa iyong puso. kaya habang ikaw ay nabuhuhay pa sa mundo. Kailangan munang i-tama ang mga pagkakamali mo. Kailangan munang pagsisihan ang mga kasalanang ginawa mo. Kaya habang maaga pa, kailangan mo ng magbago. Sabi nga nila " CHANGE IS COMING" kaya naman magbago kana rin. Tigilan muna ang mga nakasanayan mong gawin dahil sa huli ikaw rin ang magsisisi. ayon nga sa kasabihan " Nasa Huli Ang Pagsisisi.
Ito po ay kwento ng aking tito na kakamatay pa lang niya nitong 2015. Namatay siya, dahil sa tumalon daw ito mula sa bintana ng bus. Saan ba ito nag-umpisa? Anong dahilan nito kung bakit siya tumalon sa bus? Kung bakit niya kinitil ang sarili niyang buhay.
( Ang pangalan na nakalagay dito ay hindi po nila totoong pangalan )
Rico Dela Cruz
Siya ang aking tito. Isang napakabait, masiyahin, mapagmahal, at palabiro kong tito. May asawa at dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. May gwapong mukha at sobrang tangkad nito.
Kahit na hindi ko siya gaano ka-close at hindi ko siya gaano nakikita. Kahit sa huling sandali nito ay nakasama at nakita ko siya. Hindi sapat ang perpektong anak para ilarawan siya. Kaya naman ganon na lamang ang aming gulat ng pumunta ang aking lola linda sa bahay ni lolo felip.
( Si lola linda ay kapatid ng aking lolo felip )
Madaling araw ng pumunta si lola linda sa bahay kasama ang isa kong tito na si tito mark. Umiiyak itong pumasok ng bahay habang inaalalayan siya ni tito mark. Kahit na hindi masyadong dilat ang mga mata ko. Gising naman ako ng mga araw na iyon. Rinig na rinig ko ang bawat iyak at ang pinag-uusapan nila.
" kuya, jusko ang anak ko. Nadisgrasya ang anak ko" iyak na iyak na sabi ni lola linda.
" Huminahon ka linda, baka atakihin ka ng sakit mo. Umupo ka riyan at pakalmahin mo ang iyong sarili. " sabi ni lolo felip sa kanya.
" Ano ba ang nangyari linda. Bakit siya na-hospital" pagtatanong ni lola aida saka ito kumuha ng tubig para kay lola linda.
" Ang sabi ng anak ko. Tumalon daw ito sa bintana ng bus habang umaandar ang sasakyan." Sabi ni lola linda habang napahawak ito sa kanyang dibdib.
Hinagod naman ni tito mark ang dibdib ng kanyang ina saka ito nagpaalam na kukunin niya ang gamot nito.
" Jusko panginoon, bakit siya tumalon ng bus. Anong sumagi sa isip ng batang iyon" sabi naman ni lola aida. Gulat na gulat ito sa kanyang narinig.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
Kinh dịWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.