Kamay

3.5K 213 20
                                    

Ito po ay nangyari sa aking kaibigan na si patrick.

Martes-10:00 pm

Busy si patrick sa pagrereview sa bawat subject nila dahil bukas na ang kanilang first quarter exam.

Review dito review doon.

Kahit na sumasakit ang kanyang ulo at inaantok na ito. Nagreview parin siya dahil ayaw niyang bumaba ang grado nito mula sa line of 9.

11:00 pm

Lumabas si patrick ng kanilang bahay para bumili ng kanyang makakain. Kahit na madilim at tahimik ang kanyang dadaanan. Bumili parin ito para narin mawala ang kanyang antok.

Bumili ito ng greatest saka isang tinapay at dalawang piatos.

Habang ito ay nasa daan. Todo lamon naman siya sa piatos na kanyang binili. Inaaliw ni patrick ang kanyang sarili para hindi ito matakot sa daan.

Habang ito ay naglalakad. Nakapansin siya ng isang matandang babae na naglalakad sa kalsada.

Nakatingin ito sa kanya habang siya ay naglalakad patungo sa kanilang bahay.

Ang akala ni patrick, kaya siya tinitignan nito dahil gusto niyang humingi ng dala niyang pagkain.

Inalok niya ang matanda kong gusto niya ng pagkain na dala nito. Pero hindi naman ito sumagot. Kahit na ang tumango at umiling ay hindi nito ginawa. Nakatitig lang ito sa kanyang na tila kinikilatis siya.

" Ah, lola. Ano pong kailangan niyo" sabi ni patrick sa kanya.

Imbes na sumagot ang matanda. Nagpatuloy ito sa paglalakad at binaliwala ang tanong ni patrick.

" Grabe si lola, pa-famous ang peg niya" bulong ni patrick sa sarili nito.

Naglakad na lang si patrick para maka-uwi agad ito sa kanila.

Pagdating niya sa kanilang bahay. Agad itong tumakbo pagpasok niya ng kanilang gate. Natatakot kasi ito sa puno ng santol. Kung saan may bantay daw doon.

Pagdating niya sa kanyang kwarto. Agad nitong nilapag ang dala niyang pagkain.

Tinimpla nito ang binili niyang greatest saka ito umupo sa kanyang study table.

12:00 pm

" Nakakainis naman, bakit kasi ang hirap ng math. Puro na lang find the x chu-chu na yan. Letcheng x na yan, ako na nga ang sinaktan. Hahanapin ko pa siya" kausap ni patrick sa kanyang sarili.

Gulong gulo na kasi ito sa kakasolve ng reviewer na ibinigay nila sa kanila.

Hayss, inaantok na ako. Wala ng pumapasok sa utak ko. Kailangan ko na atang matulog. Bukas na lang itong math." Sabi nito sa kanyang isip.

Iniligpit na ni patrick lahat ng kanyang mga ginamit.

Habang ito ay nagliligpit ng kanyang mga reviewer, notebook at lapis.

Bigla na lang nahulog ang ballpen nito.

Hayss, inaantok na talaga ako sabi nito saka niya dinampot ang ballpen na nahulog habang nakatingin ito sa itaas.

Nagulat at agad itong napatayo ng may humawak sa kanyang kamay habang kinukuha nito ang kanyang ballpen. Isang napaka-lamig na kamay ang humawak sa kamay nito.

Nanginginig itong napaatras mula sa kanyang study table. Pagkatapos ay napasandal ito sa pader.

Gulat na gulat itong napatingin sa ilalim ng kanyang study table.

Huminga ito ng malalim saka ito nanginginig na lumapit sa study table niya.

Kinuha ni patrick ang kanyang cellphone mula sa kanyang table saka niya tinorn-on ang kanyang flashlight.

Dahan dahan itong umupo saka siya sumilip sa ilalim ng kanyang mesa. Inilawan niya ito ngunit wala naman siyang nakitang tao sa ilalim.

Kinuha nito ang kanyang ballpen saka ito napa-pikit ng mariin. Huminga ito ng malalim bago siya tumayo.

" Guni-guni ko lang ata yun. Itutulog ko na lang ito" sabi nito sa kanyang sarili.

Iniligpit ni patrick lahat ng kanyang gamit.

Habang inililigpit nito ang kanyang pinagkainan. May nakita siyang anino mula sa pader.

Napatigil ito sa paglilinis saka siya lumunok pero wala naman itong mailunok dahil tuyong tuyo na ang kanyang lalamunan.

Kahit na takot na takot ito. Sinubukan niya paring tumingin sa kanyang likod.

Nakapikit itong tumingin sa kanyang likod saka niya dahan dahan na iminulat ang kanyang mga mata.

Pagkamulat nito. Wala naman siyang nakitang kahit ni anino ng tao.

Napahawak sa dibdib si patrick. Parang any moment ay magkakaroon siya ng sakit sa puso dahil sa nangyayari sa kanya.

Huminga ng malalim si patrick saka ito tumingin sa kanyang likod para tapusin ang pagliligpit nito.

Pagtingin niya sa kanyang likod.

Halos lumaki ang mata nito at nanlambot ang kanyang tuhod ng makakita siya ng isang batang lalaki na naka-upo sa kanyang study table. Habang maraming dugo ang kanyang mukha.

Sa sobrang takot ni patrick. Napasigaw ito ng sobrang lakas na siyang dahilan para magising ang mga magulang nito.

~~

Votes and comments.

Kamsa!

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon