Ulam ( Baboy )

5.1K 219 16
                                    

Ito po ay kwento sakin ni tito ko pong kasama ang tito ko na itago na lang natin sa pangalan na mikoy.

( A/N: Hindi po ito nakakatakot na inaakala niyo. Gusto ko lang ishare sa inyo, baka naman may isa sa inyo na nangyari narin ang nangyari sa dalawa kong tito )

Alas dose ng hapon ng umuwi sina tito pong at tito mikoy mula sa paghahanap nila ng bote, lata at mga plastik.

Mga bata palang sila ng mga araw na iyon kaya naman naghahanap sila ng mga plastik at lata para may pambili daw sila ng tinapay at candy. Mahirap lang kasi ang buhay noon, sabi nila kapag may pera ka daw na piso marami kanang mabibili.

" Pong kapag ako lumaki at nagkaroon ng trabaho, lahat ng gusto kong bilhin mabibili ko" sabi ni tito makoy.

" Ako din, kapag ako lumaki magaasawa agad ako" sabi naman ni tito ko pong.

" Asawa agad? maghanap ka muna ng trabaho bago ka mag-asawa. Wag kang excited pinsan" sabi ni tito makoy.

" Hindi naman ako excited, eh sa gusto ko agad mag-asawa. Anong magagawa mo pinsan" sabi ni tito pong habang nilalagay niya ang mga nakuha nilang mga lata at plastik.

" Sige pinsan, ikaw ang bahala buhay mo yan. Basta ako ang ninong ah" sabi ni tito makoy.

" Oo pinsan, ikaw pa malakas ka sakin eh" sabi ni tito pong.

" Sige pinsan, tara na uwi na tayo nagugutom ako sa sinabi mong kasal" sabi ni tito makoy sabay hawak sa tiyan nito.

" Tara na nga pinsan, sa inyo na lang ako kakain. Baka pag-uwi ko samin sermon ang aabutin ko imbes na kanin at ulam" sabi ni tito pong.

" Sige pinsan, pero hindi ko din alam kong may ulam din kami o wala " sabi ni tito makoy.

" Kung wala, bili na lang tayo ng pakatsat ayon na lang ulamin natin" sabi ni tito pong.

( A/N: Pakatsat- hindi ko alam kung tama ang spelling at hindi ko din alam kong ano sa tagalog niyan. Basta kulay brown siya tapos malaki ng konti sa limang piso. Matamis siya basta masarap siyang ulamin sa kanin. )

" Sige pinsan" sabi ni tito makoy sabay buhat sa sako.

Umuwi na ang dalawa sa bahay nila tito makoy. Pagdating nila may nakita sina tito makoy at tito pong na ulo na baboy. Nakasabit ito sa pader habang may dugo pa daw ito.

" Ang sarap ng ulam niyo pinsan, baboy" sabi ni tito pong.

" Oo nga pinsan, binili kaya nila tatay yan?" Tanong ni tito makoy.

" Baka nga pinsan, tara hanapin natin sila. " sabi ni tito pong.

Hinanap nila si lolo at nakita nila ito sa puno ng mangga nagpapahinga si lolo habang nakahiga sa duyan.

" Tay, iluto niyo na yung ulam nating baboy. Gutom na ako" sabi ni tito makoy.

" Oo nga uncle adobo niyo na kumukulo na mga bulate namin sa tiyan" sabi ni tito pong sabay himas sa tiyan nito.

" Ano bang pinagsasabi niyong mga bata kayo, ni isda nga wala tayong ulam. Baboy pa kaya" sabi ni lolo sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at nagtatakang nakatitig kay lolo.

" Po, pero uncle may nakita kami sa kusina niyo. Ulo ng baboy, nakasabit pa nga eh." Pagpapaliwanag ni tito ko pong.

" Oo nga tay, may mga dugo pa ngang tumutulo sa mesa natin. Akala ko nga bagong katay lang" sabi naman ni tito makoy.

"Baboy? baka naman sa sobrang gutom niyo akala niyo may baboy ngang nakasabit doon." Sabi naman ni lolo.

" Meron nga kasi tay, kitang kita pa nga ng dalawa kong mata" pagpupumilit ni tito makoy.

" Ako din tito nakita ko din" segunda naman ni tito pong.

" Sige halika kayong dalawa at ituro niyo sakin iyang baboy na nakita niyo. Kung meron, may uulamin tayo. Kapag wala, baka imahinasyon niyo lang" sabi ni lolo sabay hila sa dalawa.

Pagkarating nilang tatlo sa kusina. Nagulat ang dalawa ng walang nakasabit na baboy sa pader.

" Oh! Asan yung baboy na sinasabi niyo" sabi ni lolo sa kanila.

Hindi makapagsalita ang dalawa lalo na ng makita nilang walang bakas na dugo, ang mesa kong saan may dugo ito kanina. dahil sa may tumutulong dugo mula sa ulo ng baboy.

" Pero nakita ko talaga ito, hindi kami pweding magkamali diba pinsan" sabi ni tito makoy.

" Oo uncle kitang kita ko din, may mga dugo pa nga riyan sa ibabaw ng mesa" sabi naman ni tito ko pong.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakita at pilit na ipinaglalaban kay lolo na may nakita talaga silang ulo ng baboy.

" Mukhang pinaglaruan kayong dalawa ng bantay ng bahay natin. Mga anak ang nakita niyong baboy ay bantay iyon ng bahay na ito. Ang nakita niyo ay multo." Sabi ni lolo sa dalawa.

Agad namang yumakap ang dalawa kay lolo at umiiyak silang dalawa. Hindi makapaniwala ang dalawa sa nakita nila.

Ang sabi ng tito ko mas maswerte sila kasi ang nakita nila ay ulo ng baboy. Pangalawang beses daw kasi ito nagparamdam hindi na ulo ng hayop ang nakita nila kundi ulo daw ng tao o ulo ng malapit na kamag anak nila.

~~
Alam ko pong hindi nakakatakot ang chapter na ito gusto ko lang naman ito ishare sa inyo.

About pala sa mga wrong spelling at mga mali ko sa ibang chapter. Paki intindi na lang po wala po kasi akong oras na eedit ito.

Thank you po sa isa kong reader na nakapansin sa mali ko.

Sa may gusto ng dedication, comments lang kayo ( kung may gusto ) samahan niyo narin ng pagvote para mas masaya.

Hello pala sa mga silent readers ko :)

Jayzkie022 :)

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon