Natanggalan na ba kayo ng ngipin habang kayo ay natutulog?
Eh ang matanggalan kayo ng ngipin sa inyong panaginip. Nangyari naba sa inyo?
Ito po ay kwento lamang ng classmate ko. Dalawang beses siyang natanggalan ng ngipin. Sa kanyang panaginip at pagkagising niya ng umaga.
Monday 7:00 a.m ng magising si shaira para pumasok sa school.
Napag-usapan kasi namin na 8:00 a.m dapat nasa school na kami. Kapag lumagpas ng one minutes ibigsabihin non ay late na kami. Kailangan na naming magbayad ng 5 pesos. Dahil sa mahirap lang ang buhay dito samin. masakit na sa bulsa ang limang piso dahil karamihan sa estudyante sa pinag-aaralan ko. One pesos to five pesos ang kanilang baon. Maswerte na lang yung mga estudyanteng may baon na 20 pesos pa-taas.
Kaya naman ganon na lang ang pagmamadali nito na bumangon. Dahil sa ayaw niyang magbayad ng 5 pesos plus maglilinis kapa ng C.R.
Habang nagliligpit ito ng pinaghigaan niya. May naramdaman siya sa kanyang unan, isang matigas na bagay. Kaya naman ipinagpag niya ito. Ganon na lamang ang kanyang pagkagulat ng may mahulog na ngipin mula sa unan nito.
Nagtataka naman si shaira kung saan nanggaling yung ngipin na iyon. Pumunta sa salamin si shaira para tignan ang kanyang ngipin kung may natanggal ba o wala.
" Wala namang natanggal sa ngipin ko? Saan kaya galing yun?" Tanong nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin.
Ipinagsawalang bahala ni shaira ang ngipin na kanyang nakita. Mabilis niyang iniligpit ang kanyang pinaghigaan saka na siya naligo para pumasok.
9:00 a.m niyaya kami ni shaira na bumili ng clover. 5 pesos lang ang clover dito samin habang 3 pesos naman ang choco na palamig.
"shai, mauna na kayo sa classroom may bibilhin pa kami" sabi ko kila shaira.
"Sige, libre mo ko ah" sabi nito sakin.
"Luh! mahawa ka naman sakin. 10 pesos lang baon ko. 5 pesos para sa recess, 5 pesos para sa ulam ko mamaya. Anong matitira sakin, saka na lang kapag mayaman na ako" sabi ko sa kanya.
" Hahaha! sige baka naman pumuti na ang buhok mo niyan hindi mo pa ako nalilibre" sabi niya sakin.
" Hindi yan, ililibre kita kapag kulay dilaw na ang ulap" sabi ko sa kanya sabay takbo.
" Loko ka, kuripot ka lang. Che!" sigaw nito sakin.
Natawa naman ako sa inasal nito.
Sabi nila shaira sakin, habang pabalik na sila ng classroom. Napansin daw nito na kulang ang kanyang ngipin sa ibaba.
"Ohhh! shaira bakit natahimik ka ata. Anong problema mo?" Tanong ng classmate ko sa kanya.
" Kase kaninang umaga habang nag-liligpit ako ng pinaghigaan ko. Nakakita ako ng ngipin sa unan ko, hindi ko alam kong paano nagkaroon ng ngipin doon" sabi daw nito sa mga classmate ko.
" Baka naman ngipin ng kapatid mo iyon. Natanggal tapos inilagay niya sa unan mo" sabi ng isa kong classmate.
"Oo nga baka sa kapatid mo iyon" segunda naman nong isa.
" Ahh? Wala nga akong katabi kapag natutulog kaya namang imposible sa kapatid ko" sagot naman nito.
" Ohh! anong ginawa mo sa ngipin mo" tanong ng classmate kong lalaki.
" Wala tinapon ko, alangan naman itatago ko pa." Pambabara nito.
" Kung hindi sa kapatid mo kanino?" Tanong naman nong isa.
"Sakin ata bhest, para kasing kulang yung ngipin ko sa baba. Kaninang umaga tinignan ko, kung may natanggal sa ngipin ko o wala. Wala naman akong napansin. Ngayon ko lang napansin na natanggal yung ngipin ko sa bandang dulo sa baba. Hindi ko alam kong papaano?" Nagtatakang sabi nito.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.