Ang Babae sa Salamin

4.5K 150 18
                                    

( A/N: Dedicated to VanessaRebullo. Thank you sa pagkomento sa aking story. )

Alas tres ng madaling araw ng gisingin ni tito bert. Si tito richard para mag-ayos na siya ng kanilang paninda.

Kahit na inaantok ito, pinilit niya parin ang bumangon dahil walang mag-aayos ng kanilang paninda.

Bumaba na ito para magkape. Habang siya ay nagkakape. Ramdam nito ang panlalamig ng kanyang katawan. Pumunta ito sa taas para kumuha ng jacket dahil sa malamig rin ang simoy ng hangin.

Habang papaakyat ito sa taas. May nararamdaman ito na parang may nakasunod sa kanya. Lumingon ito sa kanyang likod ngunit wala namang tao. Silang dalawa lang naman ni tito bert ang gising ng mga araw na iyon.

Tumalikod agad si tito richard, para ipagpatuloy nito ang kanyang pag-akyat sa taas. hindi pa man ito nakakahakbang, naramdaman nito na tila may dumaan mula sa likod nito.

Agad naman itong napalingon ngunit tulad ng nangyari. Walang tao sa likod nito. Nagtaasan naman ang kanyang balahibo sa katawan kaya nagmadali itong humakyat sa taas.

Hinahanap ni tito richard ang kanyang jacket ngunit hindi niya ito mahanap. Kinalkal na nito ang lalagyan ng kanyang damit ngunit wala parin itong nahanap na jacket.

Kaya naman sumuko na ito sa paghahanap ng kanyang jacket. Habang ibinabalik niya lahat ng damit na ikinalkal niya. Tumingin ito sa harap ng salamin, saka niya napansin sa kanyang likod ang kulay itim na jacket.

Nagtataka naman ito kung bakit naroon ang kanyang jacket na kanina pa niya hinahanap. Samantalang wala naman ito kanina.

Pinulot ni tito richard ang kanyang jacket saka ito bumaba.

Pagbaba niya, nakita niya si tito bert na nag-aayos ng kanilang paninda.

" Tito bert, ako na po mag-aayos niyan" sabi ni tito richard.

" Hindi na, ako na bahala dito. maligo kana para makapagtinda na tayo" sabi ni tito bert habang abala sa pag-aayos ng kanilang paninda.

" Sigurado po kayo" sagot naman ni tito richard.

" Oo, bilisan mo ang maligo ng makaligo narin ako" sabi ni tito bert.

Inubos muna ni tito richard ang kanyang kape saka ito pumunta ng c.r.

" shiit! ang lamig ng tubig" giniginaw na sambit nito pagkatapos niyang isaw-isaw ang kanyang daliri sa tubig.

" Maghihilamos na lang ako, ang lamig ng tubig. Siguro naman hindi ako lalayuan ng chix nito" kausap nito sa kanyang sarili

Pumunta sa lababo si tito richard saka niya binuksan ang gripo.

Pagkatapos nitong maghilamos ng kanyang mukha. Tumingin ito sa salamin para punasan ang basa nitong mukha.

Nagulat ito ng makita niya ang kanyang sarili sa salamin. Maraming dugo ang kanyang mukha. Habang umaagos ito papunta sa kanyang katawan.

Nanginginig na kinuha ni tito richard ang towel mula sa kanyang gilid.

Pinunasan nito ang kanyang mukha pero marami paring dugo ang dumadaloy.

Tinignan nito kung may sugat ba siya sa ulo. Pero wala naman itong nakitang sugat sa kanyang mukha o kahit sa kanyang katawan.

Hindi na nito alam ang kanyang gagawin. natatakot ito, na baka mamatay siya.kapag patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang mukha at katawan.

Binuksan nito ang gripo para hugasan ang dugo mula sa kanyang mukha. Ngunit napaatras ito ng makita niyang dugo ang umaagos sa gripo imbes na tubig.

Agad na kinuha ni tito richard ang towel na puno ng dugo saka ito lalabas sana ng c.r. pero hindi niya ito mabuksan.

Nagsisisigaw ito habang pilit niyang binubuksan ang pintuan ng c.r.

Patuloy parin na nakabukas ang gripo samantalang dugo parin ang nilalabas nito.

Nanginginig ang mga tuhod ni tito richard ng lumapit ito sa lababo para patayin ang gripo.

Nakahinga ito ng maluwag ng mamatay ang gripo.

Nakapikit na binuksan ni tito richard ang gripo mula sa right side nito. Nang mabuksan niya ang gripo, dahan dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Pagkamulat niya ng kanyang mata, nakita niyang hindi na dugo ang lumalabas mula sa gripo.

Agad namang hinugasan ni tito richard ang mukha nito saka ito tumingin sa salamin para punasan ang kanyang mukha.

Napatigil ito sa pagpupunas ng maramdaman nito na tila may tao sa kanyang likod.

Dahan dahan siyang tumingin sa salamin. Pagtingin niya, wala namang tao mula sa kanyang likod. Binilisan ni tito richard ang pagpupunas dahil natatakot na ito sa mga nangyayari sa kanya.

After niyang magpunas ng mukha. Muli itong napatingin sa salamin. Nagulat at napasigaw ito ng makita niyang may babaeng nakasuot ng puting bestida mula sa kanyang likuran.

Dahil sa takot ni tito richard. Dali dali itong pumunta sa pintuan ng c.r. para buksan ito.

Kahit anong gawin ni tito richard. Hindi talaga niya mabuksan ang pintuan ng c.r.

Nanlalamig ang buong nitong katawan habang nagtataasan ang mga balahibo nito.

Sumuko sa pagbukas ng pintuan si tito richard at napasandal ito sa harap ng pintuan.

Ipinikit nito ang kanyang mga mata habang yakap nito ang kanyang sarili.

Sa tagal niyang nabubuhay sa mundo. ngayon lang ito nangyari sa kanya.

Umiiyak itong napasandal sa pintuan ng c.r.

( Dito ko napatunayan, na kahit pala ang mga lalaking siga. Kapag nakakita ng multo nagiging malambot )

Natumba si tito richard dahil bumukas ang pintuan ng c.r. Pag-angat nito ng kanyang mukha. Nakita nito si tito bert na nakatayo sa harapan niya.

" Anong nangyari sayo, bakit kanina kapa sumisigaw" tanong ni tito bert kay tito richard.

Hindi makapagsalita si tito richard. Nakatingin lang ito sa kanya habang namumutla ang kanyang mga mata.

" Bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni tito bert.

Hindi makapagsalita si tito richard. Nakatingin lamang ito kay tito bert.

Tinulungan makatayo ni tito bert si tito richard.

Nang makatayo si tito richard. Agad itong nagtatatakbo ng makita niya daw ulit ang babaeng nakasuot ng bestida sa likod ni tito bert.

~~

Votes and comments po kayo :)

Please votes sa precious chapter.

Thank u :)

Lab u all.

Ang cute na author ( Cute kapag may black eye ang mukha )

Jayzkie022

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon