November 1 2014
Ala syete nang gabi ng umuwi ang mga magulang ko dito sa probinsya dahil sa fiesta ng patay.
Umuulan ng malakas dahil sa may bagyo sa araw na iyon. Samantalang kami ay nag-aantay sa kanilang pag-uwi. Sabik na sabik kaming makita sina nanay at tatay dahil matagal na silang hindi nakakauwi.
Alas onse ng gabi ng dumating sila nanay at tatay pati ang tita at tito ko.
Pagdating nila isa isa kaming napabangon sa higaan at sinalubong sila ng mahigpit na yakap.
Madami silang dalang gamit pati narin ang mga groceries at mga prutas.
"Oh, bakit ang tagal niyo ata. kanina pa kayong alas kwatro bumiyahe pero ngayong lang kayo nakarating" pagtatanong ng lolo ko habang nagtitimpla ng kape.
"Traffic kasi tay kaya natagalan kami sa pag-uwi" sagot naman ni tatay saka ito nagmano kay lolo.
"Umuulan kasi kaya traffic sa daan tay, tapos naghintay pa kami ng matagal sa sakayan ng bus ang dami kasing umuuwi sa kanya kanya nilang probinsya" sambit naman ni nanay habang nagpapalit ito ng damit.
Samantalang ako ay nakikinig sa pinag-uusapan nila.
"Kumain naba kayo? Gusto niyo magluto ako" tanong ng lola ko kila nanay.
"Sige nay, gutom narin kami" sagot ni nanay.
"Bakit hindi kayo bumili ng tinapay man lang ate? Namimiss na namin kumain ng tinapay" natatawang komento ng tita ko.
Nagtawanan naman sila sa tanong ng tita ko kasi totoo naman matagal na kaming hindi nakakatikim ng tinapay dahil salat sa pera ang mga tao dito sa probinsya. May mga tinapay naman dito na mabibili sa tindahan pero hindi tulad ng tinapay sa manila.
"Pasensya na kayo nagmamadali kasi kami dahil ang lakas ng ulan. muntik na nga kaming makabangga ng tao" sagot naman ni nanay.
"Nako, buti naman at walang nangyaring masama sa inyo" sabi naman ni lolo.
"Bakit kasi alas nuwebe ng gabi may taong nakatambay pa sa kalsada. Doon sa mahugani, mga babae pa naman ito" sabi naman ng aking tito.
"Ah? Alas nuwebe ng gabi may taong nakatambay pa sa kalsada tas babae pa sila. Ano sila nakadrugs. Samantalang ang lakas ng ulan at saka alas syete palang tulog na ang mga tao sa baranggay natin" Lintanya naman ng aking tita habang kumakain ito.
"Oo muntik na nga silang masagasaan kasi humarang sila sa dinadaanan namin habang naghihilahan silang tatlo" tuloy na pagkwekwento ng nanay ko.
"Tatlong babae? Naghihilahan? Sa mahugani?" Nagtatakang tanong ng lola ko sabay tingin nito saking lolo.
"Opo nay, bakit oh" pagtatanong ni tatay.
" Kuya hindi ba kayo nagtataka kasi malalim na ang gabi may tao parin sa kalsada at mga babae pa talaga ito. Ang lakas kaya ng ulan kanina tapos sa mahugani pa sila tumambay kong saan inilibing ang tatlong babae na nalunod sa balon" sambit ng tita ko.
"Alam niyo naman na kapag ganito ang panahon alas singko or alas sais palang tulog na ang mga tao pero silang tatlo nasa kalsada habang malakas ang ulan. Ano yun nakasinghot lang" natatawang sambit ni tita carmina.
"Hindi tita baka nakakatol" singit ko naman sa usapan nila pero sa totoo lang nagkakaroon ako ng idea kung ano ang nakita nila.
"Anong ginawa niyo?" Tanong ng lola ko habang naghahanda na ito ng makakain namin.
"Sinigawan sila ni lito na kung gusto nilang magpakamatay wag na silang magdamay ng iba tao. Bababa na sana si lito kaso pinigilan na lang namin siya" sagot naman ni nanay.
"Anong sabi nila?" pagtatanong ng dalaga kong tita na si tita ko arlene.
"Wala silang sinabi, hindi namin maaninag ang mga mukha nila. Nakatayo lang sila sa harapan ng motor" sagot ni tito ko lito.
"Umalis ba sila sa dinadaanan niyo ate" tanong naman ng tito ko alvin.
"Oo tumabi sila at saka sila umupo sa kalsada doon sa puno ng mahugani" sagot ni nanay.
"Saan banda sila naghihilahan?"tanong ni lolo
" Gilid ng kalsada" Sagot ni nanay.
Nabigla sila lolo at lola pati narin ang iba ko pang tito na tila nakarinig ng nakakatakot na salita.
"Jusko, buti na lang at sinaway niyo sila. Kung hindi siguradong sasakay sila sa motor na sinasakyan niyo" sambit ng lola ko.
"Ano pong sinasabi niyo nay" tanong ni tito ko lito.
"Ang tatlong babae na nakita niyo ay ang tatlong babae na nalunod sa balon. Ayon sa kwento sila daw ay nalunod dahil sa dumaan sila ng bukid hindi nila nakita na sa dinadaanan nila may malalim palang balon. Nahulog ang isang babae kaya naman tinulungan siya ng kasamahan nito pero sa sawing palad. Nahila sila nito at tatlo na silang nalunod. Ang isang kasamahan nila ay tumakbo para humingi ng tulong pero pagdating niya. Malamig na bangkay ang kanyang naabutan. Ayon sa sabi sabi, magpipinsan daw ang tatlong nalunod sa balon at ang isa sa kanila ay kaibigan nila. Kakagaling lang daw nila sa manila. Nagpasama daw ang isa sa kanila na magpaload dahil sa malayo ang loadan at nakita nilang may mga lalaking nagiinuman sa kalsada. Sinabi nong isa na sa bukid na sila dumaan. Tapos ayon nalunod ang tatlong magpipinsan at yung isa nakaligtas" kwento ni tita Carmina.
"At sa gilid ng kalsada malapit sa mahugani sila inihiga ng mga pulis" sambit ng lola ko.
" kasama ako sa mga nagbuhat sa mga bangkay nilang tatlo at sa mga puno ng mahugani namin nilibing ang mga bangkay nila." Sabi ni lolo ko.
Nagulat sila nanay at tatay pati ang tito ko lito.
"Buti na lang mga anak at sinaway niyo sila kasi kung hindi siguradong sasakay sila sa sasakyan niyo at baka madisgrasya kayo" nagaalalang sambit ni lolo.
Hindi makapaniwala ang tito ko lito sa kanyang naririnig.
" buti na lang hindi ka bumaba sa motor baka kung ano pang mangyari sayo" sabi naman ng asawa nito.
"Nagparamdam ulit ang tatlong dalaga. Siguro dahil araw ng patay ngayon at saka umulan pa ng malakas. kung saan umuulan din sa araw na kanilang kamatayan. " sabi naman ni tatay.
Nakatulala akong nakikinig sa kanila at iniisip ang nangyari. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan kaya naman nahiga ako agad sa kama.
" kaya pala sila naghihilahan kasi ayon ang nangyari sa kanila na para silang nalulunod" sabi ni nanay.
"Pasalamat na lang tayo kasi nagawa niyo silang kontrahin. Paano kong hindi niyo sila sinaway baka may mangyaring hindi maganda sa inyo " sabi ni lola.
"Tama na yan, pasalamat tayo kasi walang nangyaring masama sa inyo. Maganda ang ginawa mo lito. Sige na kumain na kayo" sabi ni lolo.
Pero sa totoo lang nangangatog si tito ko lito at mahahalata mo na nagsitayuan ang mga balahibo nito.
Hindi tuloy ako makatulog nong gabing yun.
~~
Ang susunod na chapter ay related dito kung saan unang nagparamdam ang tatlong babae.
Lahat ng chapter na natapos ko ng i-type ay sinusulat o tina-type ko tuwing umaga. Nakakatakot kayang i-type to sa gabi. Baka hindi ako makatulog.
Vote and comments po.
Kung may katanungan kayo, comments lang at ako ay sasagot.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.