Ito po ay kwento ng aking tito na
si tito ko pong.Alas syete ng gabi ng magpunta sila ng mga kapatid nito sa bukid para manghuli ng isda gamit ang kuryente.
7:20 na ng gabi pero ni isang isda ay wala pa silang nahuhuli.
"Kuya wala atang isda dito, kanina pa tayo nanghuhuli pero kahit isang karag wala tayong mahuli" naiinip na sambit ni tito ko alvin.
( Karag sa tagalog palakang bukid )
"Oo nga kuya lumipat na kaya tayo nag-aaksayang lang tayo ng lakas dito" segunda naman ni tito ko pong.
"Paanong hindi tayo makakahuli kung puro kayo reklamo. Mag-antay pa tayo makakahuli at makakahuli tayo" sagot naman ni tito lito.
Lumipas ang isang oras at nakahuli na sila ng isda hanggang sa--
"KUYA! KUYA NAKAHULI AKO NG ISDA ANG LAKI!" pagsisisigaw ni tito ko Juan habang hawak niya sa kanyang kamay ang napakalaking isda.
Nagulat ang tatlo dahil first time lang nilang makakita ng ganong isda. Pinagmasdan nilang tatlo si tito ko juan na nahihirapang buhatin ang isda.
Sa tingin nila nasa labing anim na dangkal ang laki nito at sobrang bigat nito na mangangawit ang kamay mo kapag binuhat mo ito.
"Saan mo nahuli yan Juan?" Pagtatanong ni tito ko lito.
" Yung lalaki po na naka-upo sa puno ng mangga sabi niya sakin. Akin na lang daw ito." Sagot naman ni tito ko juan.
"Asan siya wala naman ah?" Tanong naman ni tito ko alvin.
Lumingon silang lahat at wala naman silang nakitang tao sa puno ng mangga.
"Baka naman umalis na" sambit naman ni tito ko pong.
"Baka nga" sabi naman ni tito ko Juan.
"Akin na yan juan lagay na natin sa lalagyan baka makawala pa yan wala tayong uulamin" sambit naman ni tito ko lito.
Inilagay nila yung isda sa kanilang lalagyan.
After 5 minutes nagtataka si tito ko lito dahil ang kaninang mabigat na lalagyan na dala nito kung saan nila nilagay ang malaking isda ay bigla na lang gumaan.
"Bakit ka huminto kuya?" Pagtatanong ni tito ko alvin.
"Yung isda na ibinigay kay juan, bakit wala na dito sa lalagyan" nagtatakang sambit ni tito ko lito.
"Ahhhh! Anong wala kuya diba nilagay mo jan sa lalagyanan natin" nagtatakang tanong ni tito ko pong.
Kinuha nila yung lalagyan kay tito ko lito at saka nagtataka silang tatlo kung bakit gumaan yung lalagyan na kanina ay sobrang bigat. Binuksan nila ang lalagyan ng isda at laking gulat nila ng wala nga yung isda na ibinigay kay tito ko juan. Tanging mga isda na maliliit at karag lang ang nandoon.
"Kuya paanong nawala yun. Maliit lang naman ang butas ng lalagyan natin. Posible na tumalon ito sa ating lalagyan at isapa kapag tumalon ito makikita natin ito sa sobrang laki ng isdang yun" Nagtatakang tanong ni tito ko alvin.
"Hindi kaya yung isdang yun ay ban--" hindi na naituloy ni tito ko juan yung sasabihin nito ng bigla na lang tumalikod si tito ko lito.
"Wag niyong takotin ang sarili niyo, baka naman tumalon lang ito na hindi natin namamalayan. Hayaan niyo na makakahuli pa naman tayo" sagot ni tito ko lito at saka ito nagpatuloy sa kanyang panghuhuli.
After 6 minutes nakahuli sila ng mas malaki at mas mabigat na isda kesa sa unang isda na kanilang nakuha.
"Tara na, uwi na tayo siguradong matutuwa si tatay nito" natutuwang sambit ni tito ko juan.
Hinawakan nilang apat ang nahuli nilang isda para hindi na ito makatakas pa.
Papaalis na sana sila ng makakita sila ng usok sa puno ng kamantilis ( o kamatchili- tama ba )
Napatingin silang apat doon at saka inilawan ni tito ko alvin ang puno ng kamantilis, kamatchili or what ever na tawag doon.
Nagulat silang apat ng makita nila kung ano ang nasa puno ng kamantilis or kamatchili.
Isang napakalaking tao na nakaupo sa sanga ng puno habang may hawak daw itong malaking sigarilyo na siyang nakita nilang usok. May mahahabang balbas at may mga buhok ang mukha nito na may mga pulang mga mata at hindi nila madescribe ang mukha nito.
Nakangiti ang nilalang na iyon sa kanila na siyang ikinagulat nila.
Napako ang tingin nila sa nilala na iyon habang ito ay naninigarilyo. Isang nakakatakot na boses na marinig nila ang pagtawa nito.
Nagulat ang apat ng makita nila ito na may hawak na malaking isda. Tulad ng isda na kanilang nahuli.
"K-kuya yung isda" nauutal na sambit ni juan.
Nagulat ang magkakapatid ng bigla na lang tumagos ang isda mula sa kamay nila. kaya naman nakawala ito sa kanila at saka tumalon ito sa tubig.
Agad namang nagtakbuhan ang magkakapatid habang hilang hila nila si tito ko lito na nakatulala.
~~
Votes and comments po.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.