Ito po ay kwento lamang ng aking lolo sa side ng mother ko.
Actually hindi naman ito masyadong nakakatakot, gusto ko lang itong ishare sa inyo.
Maniwala ang dapat maniwala kung hindi naman ok lang atleast na ishare ko.
Alas tres ng hating gabi ng magising ang lolo ko dahil may boses daw itong naririnig habang nakahiga ito.
Tinatakpan ng lolo ko ang kanyang tenga pero kahit anong gawa nito ay naririnig niya parin to. Kaya naman imbes na makatulog ulit ito agad na bumangon ang lolo ko para sundan ang boses na nagsasalita sa tenga nito.
Lakad ng lakad ang lolo ko hanggang sa makarating ito sa puno ng sampalok.
Kahit ang lolo ko ay nagtataka sa kinikilos nito na parang may sariling buhay ang katawan nito na kusa na lamang itong gumagalaw.
Napatingala ang lolo ko sa taas ng puno at nagulat ito sa kanyang nakita.
Isang matangkad na tao ang nakatayo sa puno na may maitim na mga balat mahabang balbas pulang mga mata habang may hawak na malaking tabacco sa kanyang mga kamay. Sa madaling salita kapre ang nakita ng lolo ko.
Ang mga pula at nakakatakot nitong mga mata ay nakatitig sa lolo ko.
Nanginginig ang mga tuhod ng lolo habang nakatitig ito sa kanyang mga mata.
Hindi daw ito makapagsalita dahil sa sobrang takot. First time kasi makakita ng lolo ko ng isang engkanto o multo. Hindi kasi ito naniniwala sa mga multo or engkanto. Kaya naman nabigla ito kasi nakakita siya ng ganong nilalang na hindi niya nakita simula ng bata palang si lolo hanggang sa kanyang pagtanda.
"Wag kang matakot sakin, wala akong balak na saktan ka. Gusto ko lang na kausapin ka"sabi sa kanya ng kapre.
Hindi makapagsalita ang lolo ko dahil sa takot nito na tila tinanggalan daw ito ng dila. Kaya naman imbes na magsalita ang aking lolo tanging pagtango na lamang ang kanyang naisagot.
"Alam kong gusto mong magkaroon ng isang marangyang buhay. Gusto kitang tulungan upang ikaw ay maging isang pinakamayaman sa lugar ninyo" sambit ng kapre sa lolo ko at ang boses daw nito ay sobang nakakatakot na para bang isang higanting tao ang kaharap mo.
Kahit na hirap magsalita ang lolo ko pinilit niya paring magsalita kahit na nanunuyo ang lalamunan nito.
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin sakin" nauutal na sagot ng lolo ko habang nakatingala parin ito sa puno.
"Alam kong salat kayo sa pera at nasa hospital pa ang iyong anak. Kung gusto mong humahon sa hirap, tutulungan kita" sabi ng kapre sa lolo ko.
"Paano ako makakasigurado na tutulungan mo talaga" sabi ng lolo ko na medyo nawawala ang takot nito.
"Pumikit ka at dadalhin kita sa aking tahanan" sambit ng kapre.
Nagaalinlangan na pumikit ang lolo ko at sa pagpikit nito tila may nararamdaman ito sa kanyang katawan.
"Imulat mo ang iyong mga mata" utos ng kapre sa kanya.
At sa pagmulat ng lolo ko tila naging bituin ang mga mata nito dahil sa kanyang nakikita sa paligid. Manghang mangha ang lolo ko dahil sa ganda ng lugar.
"Ang lahat ng iyan ay mapapasayo kong gugustuhin mo" sambit ng kapre sa kanya.
"Talaga ang lahat ng ito ay mapapasakin" sambit ng lolo ko at manghang mangha parin ito sa kanyang nakita.
"Oo lahat ng nandito ay mapapasayo" sambit ng kapre.
Sabi ng lolo ko nasa isang magandang bahay na gawa sa ginto ang kinaroroonan nito. Kahit ang mga gamit nito ay purong ginto mula sa kutsara pinggan mga baso kahit ang kandila ay ginto din. Kaya naman halos lumuha ang mata ng lolo ko dahil sa nakikita nito.
"Totoo ba ang lahat ng ito hindi ba ako nanaginip lang" tanong ng lolo ko.
"Oo lahat ng ito ay totoo at lahat din iyan ay mapapasayo" sabi ng kapre.
Hinawakan ng lolo ko ang isang malaking palakol na gawa sa ginto at sobra ang paghanga ng lolo ko sa kanyang nakikita. Nakakakita din ito ng isang malaking painting na gawa sa ginto at dyamante.
Tuwang tuwa ang lolo ko sa kanyang nakikita lalo nat mapapasakanya ang lahat ng iyan.
"Wala bang kapalit ang lahat ng ito" pagtatanong ng lolo ko.
"Meron, mapapasayo ang lahat ng iyan at matatamasa mo ang yaman na matagal munang hinahangad kong ibibigay mo sakin ang bunso mong anak" sabi ng kapre.
Natigilan ang lolo ko sa kanyang ginagawa at saka ito napatingin sa harap.
"Sino ang kapalit ng kayamanan na ito" pagtatanong ulit ng lolo.
"Ang bunso mong anak, gusto ko itong dalhin sa aking mundo para bantayan ang aking kaharian" sambit ng kapre.
"Paano kong hindi ako pumayag" pagtatanong ng lolo ko.
"Hindi ko rin ibibigay ang lahat ng ito sayo"Sagot ng kapre
Nawala ang saya sa mukha ng lolo ko at napalitan ito ng paghihinayang
" kung tatanggapin ko ang gintong ito at kapalit ang anak ko. Mas mabuti pang mag-ulam na lang kami ng asin kesa isasakripisyo ko ang anak ko para lang sa karangyaan na sinasabi mo. Madaling mawala ang perang iyan kahit na ganito ang buhay namin mas gugustuhin ko pa ang maghirap atleast kasama ko ang aking pamilya" wika ng lolo ko.
"Kung ganon mas pinili mo ang iyong anak kesa sa gintong matatanggap mo" tanong nito sa lolo ko
" Hindi ako kasing sama ng ibang ama na kayang ibigay ang kanilang anak para lang sa pera o ginto. Patawad pero hindi ko kayang tanggpin yan" sabi ng lolo ko.
"Tinatanggap ko ang iyong desisyon at ako ay nanghihinayang sa iyong isinagot sakin" sabi ng kapre at agad itong nawala katulad ng paglubog ng bawat gintong kanyang nakikita sa paligid.
Lumulubog ito sa lupa at yung iba ay nagiging buhangin.
Napamulat ang lolo ko at saka ito tumingala ulit ngunit wala na ang kapreng kanyang kausap kanina.
Tumakbo ang lolo ko na walang pagsisisi sa kanyang damdamin. pagkatapos ng nangyari hindi na ito pumupunta sa puno ng sampalok. Sa dahilang natatakot na ito.
~~
Ang dami ko ng naririnig na kwento about sa mga maligno na nangaalok ng ginto ngunit hindi mo ito makukuha ng basta basta dahil may kapalit daw ang gintong ibibigay nila.Totoo po iyan sa maniwala kayo sa hindi.
Vote and comments.
Thank u sa mga readers ko na laging nagvovote sa aking story.
Kung gusto niyo ng dedication comments lang kayo. Thank u talaga.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.