Ang Bisita

5.3K 170 24
                                    

Ito po ay kwento sakin ni kuya dave, hindi niya totoong pangalan. Siya po ang bisita ng aming kapit-bahay kweninto niya sakin kung ano ang nakita niya sa kwarto nila tito greg.

Friday ng hapon ng dumating daw ito sa bahay nila tito greg para magpahinga. Kakatapos niya lang kasi ito magpasada ng taxi.

" Dave, kamusta ang pasada?" Tanong ni tito greg sa kanya.

" OK lang naman ang kita medyo madami dami rin." Sabi nito habang naka-upo sa sofa.

" Magpahinga ka muna, pagod na pagod ka sa pagpapasada" sabi ni tito greg at saka ito kumuha ng juice.

" Salamat greg, buti pa nga para may lakas ulit akong magpasada mamaya" sabi ni kuya dave .

After inumin ni kuya dave ang juice inilagay niya ito sa mesa kung saan may nakasabit na bulaklak.

" Greg, bakit may bulaklak dito?" Pagtatanong ni kuya dave.

" Ah! iyan ba, naglalagay kami ni misis ng bulaklak araw araw riyan para ipan-alay sa hari ng mga dwende" sabi ni tito greg.

" Hari ng mga dwende? Asaan pare?" Pagtatanong ni kuya dave.

" Nariyan sa pader pare, tanggalin mo iyang bulaklak na nakasabit" sabi ni tito greg.

Pumunta si kuya dave sa pader kung saan may nakasabit na bulaklak. Tinanggal niya ito at laking gulat niya ng makakita siya ng isang imahe sa pader. Naka-ulma dito ang isang maliit na tao na may malaking sumbrero. Makikita mo din na may hawak itong maliit na bagay.

" Pare, paano nangyari ito. Sinadya ba ito or kusa" pagtatanong ni kuya dave.

" Kusa yan pare, paglipat namin dito sa kwarto napansin ng anak kong babae na may naka-ulma daw sa pader na iyan" sabi ni tito greg at saka ito lumapit kay kuya dave.

" Talaga pare" sabi na lang nito at saka niya hinawakan ang nasabing pader.

Nagtaasan ang mga balahibo ni kuya dave ng hawakan nito ang pader kung saan may naka-ulma na dwende.

" Paano mo nasabing ang naka-ulma dito ay ang hari ng mga dwende" pagtatanong ni kuya dave.

" May nakita akong isang matandang babae na lumuluhod riyan sa gate. lumuluhod ito ng paulit ulit na tila may sinasamba. Tinanong ko siya kung bakit siya lumuluhod tas ang sabi niya " Nasa bahay na ito ang hari ng mga dwende " pagkatapos non ay umalis na ang matanda. Kaya nong nakita yan ng anak ko. Sa tingin ko iyan yung tinutukoy ng matandang babae." Sabi ni tito greg habang naghihiwa ng gulay.

" ahhhh! Sige pare magpapahinga muna ako sa kwarto ng anak mo" sabi na lang ni kuya dave.

" Sige pare, gisingin na lang kita kapag luto na itong niluluto ko." Sabi ni tito greg.

" Sige pare, salamat" sabi ni kuya dave.

Pagpasok ni kuya dave sa kwarto ni patrick ( Previous chapter" Anino" ) nakaramdam agad ito ng kakaibang pakiramdam na tila may mabigat sa katawan nito.

Hindi na pinansin ni kuya dave ang nararamdaman niya. Humiga na lang ito at saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Habang nakapikit ang mga mata ni kuya dave hindi ito makapakali. Nilalamig ito habang pinagpapawisan. Ang kaninang mabigat nitong katawan ay mas lalong nadagdagan. May nararamdaman ito mula sa paligid niya, gusto niyang tumayo pero hindi niya magawa.
Nahihirapan na binuksan ni kuya dave ang kanyang mga mata at laking gulat nito ng may nakadagan sa kanyang tiyan. Isang maliit na tao, maitim ang mga balat nito. May magarang damit at mahaba ang mga balbas nito samantalang pulang pula ang mga mata nito.

Nakatitig ito kay kuya dave habang nasa ibabaw ito ng kanyang tiyan. Napatingala si kuya dave sa itaas ng maramdaman niyang may tumutulong tubig mula sa itaas. Nanlaki ang mga mata nito habang nanginginig ang kanyang mga labi ng makita niya kong ano ang nasa kesame. Isang babaeng nakaputing damit na may mahabang buhok, nasa dibdib na ni kuya dave ang buhok ng babae. Nakatayo ito sa kesame habang may mga tubig na pumapatak mula sa kanyang katawan na siyang pumapatak sa mukha at dibdib ni kuya dave.

Hindi daw makagalaw si kuya dave kahit na ang sumigaw ay hindi niya magawa dahil sa sobrang takot nito.

Nanigas ang buong katawan ni kuya dave ng maramdaman niyang may humahaplos sa mga binte at mga kamay nito. Pumikit ng mariin si kuya dave at saka pilit niyang pinapagalaw ang buo nitong katawan.

After 2 minutes medyo gumaan na daw ang katawan nito. Kaya naman iminulat na nito ang kanyang mga mata. Nakahinga ng maluwag si kuya dave ng makita niyang wala na ang babae sa kesame kahit na ang dwende na nakatayo sa tiyan nito. dali dali itong tumayo mula sa kama. Pagharap niya sa pinto, nawalan ito ng malay ng makita niya kung ano ang nasa harap ng pinto.

Nandoon ang isang batang babae na may hawak na manika, isang batang lalaki na may duguang mukha, isang matandang babae na hindi niya daw makita ang mukha nito.

Hindi lang kay kuya dave nagpaparamdam ang mga bantay sa bahay namin. Nagpaparamdam din sila sa mga bisita namin sa bahay. Tulad na lang ng lola ko, pang anim na kapatid ng lolo ko.

Habang nagc-cr daw ito ay bigla na lang daw siyang nahulog sa toilet na tila may tumulak daw sa kanila. Hindi naman daw sila nadulas or ano kasi ang higpit daw ng kapit nila. Sabi naman ng tatay ko pinaglaruan daw sila ng bantay sa c.r.

Meron pa nga bigla kana lang makakarinig ng pag-iyak sa tuwing sasapit ang alas dose ng gabi. May mga nahulog narin sa hagdan namin sinasabi nila na may tumulak daw sa kanila pero ang totoo ay wala. Basta kapag bago ka sa bahay namin hindi maiiwasan ang mga bagay na iyan. Magpaparamdam sila sayo o di kaya ay magpapakita.

~~
Votes and Comments :)

Jayzkie022 :)

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon