Magtago na kayo

4K 157 2
                                    

( A/N: Enjoy Reading :)

Ito po ay kwento samin ni kuya justine. Siya po ay aming kapit-bahay sa manila. Nagkwento kasi ito samin ng nakakatakot. Pagkatapos namin manood ng cartoons.

" Tago-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang kong sampo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima" hindi na natuloy sa pagbibilang si kuya justine ng marinig niyang may sumigaw na " GAME NA "

Humarap si kuya justine para mag-umpisa ng maghanap.

" Boom, luisa. Save" sabi ni kuya justine pagkahanap niya sa kanyang kalaro na si luisa.

" Huhuhu, sana hindi ako ang inuna mo justine. Ayokong maging taya" sabi ni luisa habang nakasimangot na tila pa-iyak na.

" Sorry " sabi ni justine saka ito napakamot sa ulo.

Nagpatuloy si kuya justine sa paghahanap nito.

" Boom, alex. Save"

"Boom, cristina.Save"

Ayan dalawa na lang ang hahanapin ko. Si rose at si renz na lang. Asan na kaya sila" sabi ni kuya justine sa sarili nito.

Hinanap ni kuya justine ang dalawa ngunit hindi niya ito mahanap. Habang hinahanap ni kuya justine ang dalawa nitong kalaro. Nakasalubong nito ang kanyang ina.

" Justine, tumigil na kayo sa paglalaro niyo. Malapit ng lumubog ang araw. Baka mamaya niyan iba na ang kalaro niyo." Sabi ng kanyang ina.

" Mamaya na nay, malapit narin kaming matapos" sagot nito sa kanyang ina.

" Anong mamaya na, umuwi kana. Walang kasama ang kapatid mo." Utos sa kanya ng kanyang ina.

" Sige po nay" sabi ni kuya justine, ngunit imbes na umuwi. Pinagpatuloy nito ang paghahanap sa dalawa nitong kalaro.

" Asan na kaya ang dalawang iyon? Ang galing naman nilang magtago" sabi ni kuya justine sa sarili nito.

Pinagpatuloy ni kuya justine ang paghahanap hanggang sa magdilim na ang paligid.

Asan na kaya ang dalawang iyon" tanong nito sa kanyang sarili.

Halos ikotin na ni kuya justine ang kanilang pinaglalaruan ngunit hindi niya parin sila nakikita.

Napagod ito sa paghahanap kaya naman, na-isipan nito na umuwi na lang.

Habang naglalakad ito pa-uwi ng kanilang bahay. Nakarinig ito ng bulungan mula sa malaking bato.
" Shhhh!"

" Nandiyan na siya hahaha!!"

Rinig nito mula sa malaking bato. Agad naman naglakad ng dahan dahan si kuya justine para hindi siya marinig ng mga ito.

Habang papalapit si kuya justine sa bato.

"Nandiyan na siya"

" Tago tayo"

Rinig niya mula sa malaking bato kaya naman agad itong tumakbo.
Pagkarating niya sa malaking bato.

" Bulag--" napahinto si kuya justine sa sasabihin nito ng wala siyang makitang tao mula sa malaking bato.

" Tago tayo bilis"

Nakarinig daw ng pagtakbo si kuya justine kaya naman agad itong napalingon sa kanyang likod.

" Malapit na siya"

Rinig nito mula naman sa puno ng mangga.

Agad namang pumunta si kuya justine sa puno ng mangga. Binilisan niya ang paglalakad at ng malapit na siya sa puno ng mangga. Nakarinig naman ito ng tawanan mula sa puno ng kawayan.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon