Ang dalawang batang babae

5.2K 153 4
                                    

Ito po ay kwento lamang ng aking tito. Hindi ito masyadong detalyado.

Tanghali tapat ng pumunta daw ang isa sa mga kaibigan ng tito ko para manghuli ng isda kasama ang anak nito.

Sabi ng tito ko sakin nakakuryente daw ito ng isang malaking isda kaya naman agad niya itong dinakma. Hindi naman ito nabigo dahil nadakma niya ang sinasabing isda.

" Halika dito nak, bigay mo sakin iyang lalagyan" sabi nong lalaki sa anak nito.

Agad namang inabot nong bata ang lalagyan. Nang hihilahin na nong lalaki ang isda nagtataka naman ito dahil ang isda na kaninang hawak nito ay naging kahoy.

Hinanap ng lalaki ang isda at sa muling paglubog ng kamay nito. Nagulat ang lalaki ng biglang may mga kamay na humawak sa kamay nito. Hinihila siya nito palubog ng tubig. Nagsisisigaw ang lalaki at pilit na binabawi ang kamay nito.

" Nak, tulungan mo ko" sabi nong lalaki sa anak nito ngunit ng tingnan niya ang kanyang anak.

Nakatayo lang ito habang nanonood sa kanya habang sa likod nito ay mga dalawang batang babae na nakasuot ng uniforme.

Nagulat ang lalaki sa nakita nito lalo nat nakalutang ang dalawang batang babae habang nakatingin ito sa kanya.

Ipinikit ng lalaki kanyang mata nagbabakasakaling imahinasyon na lang niya ang lahat ng ito.

Sa muling pagdilat ng lalaki ay nagulat ito ng nandoon pa ang dalawang batang babae at katabi na sila ng anak nito.

Sigaw ng sigaw ang lalaki at tinatawag nito ang kanyang anak. Ngunit kahit anong gawin nito ay parang walang naririnig ang bata.

Mas lalong nabigla ang lalaki ng hindi na kamay nito ang hinihila pati narin ang kanyang mga paa.

Sigaw ng sigaw ang lalaki para humingi ng tulong sa iba.

Pagkakita niya sa kanyang anak.

Hinihila na siya ng isang batang babae papunta sa isang bangin kong saan sobrang lalim nito.

Umiiyak at nagmamakaawa ang lalaki at pilit na kumakawala sa mga kamay na humihila sa kanya papalubog.

Sigaw siya ng sigaw at nagbabakasakaling magising ang anak nito.

Pumikit daw ang lalaki at saka niya sinabi na " Jesus tulungan niyo kami " after non ay bigla na lang nakawala ang lalaki at agad nitong pinuntahan ang anak na malapit ng mahulog sa bangin.

Hindi lang iyan ang kwento na narinig ko mula sa dalawang batang babae.

Ito po ay nangyari sa tito ko na asawa ng tita ko. ( tita ko siya sa side ng lolo ko )

Tanghaling tapat din ng pumunta ito sa bukid para tignan ang alaga nitong baka.

Palinga linga ang tito ko sa paligid dahil hindi nito mahanap ang alaga nitong baka.

Ang akala ng tito ko ay nakawala ito. Kaya naman agad niya itong hinanap hanggang sa makarating siya sa isang bangin kong saan may namatay na dalawang batang babae.

Habang naghahanap ang tito ko may nakita siyang dalawang batang babae na nakatayo malapit sa nasabing bangin.

Lumapit ito sa dalawa at saka niya tinanong kong may nakita silang baka na may tali na pula.

Hindi sumagot ang dalawang batang babae sa halip ay tumalon silang dalawa sa  bangin.

nagulat ang tito ko ng tumalon ang dalawa sa bangin na sobrang lalim na kahit na ang taong marunong lumangoy ay hindi makakaligtas dito.

Nagaalinlangan pa ang tito ko kung tatalon ba siya or hindi.

Kahit na walang posibilidad na mailigtas nito ang dalawang batang babae ay sinubukan parin niyang tulungan ang dalawa.

Tatalon na sana ang tito ko para tulungan ang dalawang bata kaso lang bigla na lang niyang naalala ang sinabi ng kanyang asawa. na sa bangin daw na ito ay may namatay na dalawang batang babae. Ayon sa balita hindi daw alam ng dalawa na malalim daw ang bangin na ito kaya naman agad silang tumalon na dalawa para maligo.

Tinignan ng tito ko ang dalawang batang tumalon kanina ngunit hindi na niya makita ang katawan ng dalawang bata.

Nagulat ang tito ko at agad itong tumakbo ng makita niya ang isang kamay na biglang na lang lumutang sa tubig.

Hindi alam ng tito ko kung nagpaparamdam pa ang dalawang bata sa bangin. Hanggang ngayon ay wala ni sino man ang nagbalak na manghuli ng isda sa naturing bangin.

~~
Votes and comments

Thank you

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon