A picture

27.6K 639 160
                                    

(N/A: Nako, masyado kayong mapumilit baka di kayo makatulog tuwing gabi)

Nangyari po ang kababalaghang ito sa classmate ng tita ko.

Biyernes ng umaga ng manyari po ito sa loob mismo ng classroom nila.

"Jasmine pumunta kayo sa library after recess. May ipapagawa ako sa inyo"Utos ng teacher nila kila tita.

"Opo ma'am" sagot naman nilang tatlo.

After lumabas ng teacher nila, isa isa na silang lumabas para lumipat ng classroom para sa susunod na subject.

"Bhest, wait lang picture mo na tayong tatlo. Isesend ko lang ngayon sa boyfriend ko para naman makilala niya rin kayo" sambit ng isa sa mga classmate ng tita ko.

"Mamaya na yan bhest, lumipat na tayo math na ang susunod na klase natin" sagot naman ng tita ko na si tita carmina.

"Duga tan bhest, naani agda tila palooben ni ma'am" segunda naman ni ate jasmine.

( tama yan bhest, baka mamaya di na tayo papasukin ni ma'am )

" hindi yan, Tara na isang shot lang bilis" masayang sambit ng classmate ng tita ko sabay hila niya sa kanilang dalawa.

Picture dito, picture doon.

"Tama na yan, akala ko ba isang shot lang. Tara na late na tayo" sambit ni tita carmina sabay hila sa dalawa.

Pumunta na sila sa susunod nilang klase.

After ng kanilang klase pumunta na sila sa library dahil iyon ang utos ng kanilang teacher.

( A/N: hindi ko po kilala yung isang classmate nilang babae. sinabi ng tita ko yung name niya kaso nakalimutan ko. Kaya naman lalagyan ko na lang siya ng name. )

"Grace ano na, patingin nga yung picture natin. Baka mamaya ang panget namin jan, ano na lang sasabihin ng boyfriend mo" sambit ng tita ko.

"Talanti met pa, naani lupa kami aso andi alugi kami" natatawang sambit ni ate jasmine.

( Oo nga baka mamaya mukha pala kaming aso jan, edi lugi kami )

Nagtawanan naman sila sa sinabi ni ate jasmine.

Tinignan nila ang picture isa isa at sa bawat pagtingin nila. Tawang tawa sila sa kanilang mukha kasi hagard daw ito at yung iba naman ay malabo dahil sa nagmamadali silang kumuha ng litrato. Hanggang sa

"Jas, Car tignan niyo ito" nauutal na sambit ni grace sabay abot ng cellphone nito sa kanila.

"Oh, anong meron dito bukod sa ang ganda ng ngiti nating tatlo" nakangiting sagot ng tita ko.

"Paningning pa" sambit ni ate jasmine sabay hablot sa cellphone ni ate grace.

( patingin nga )

"Agilay gana tayo ja bhest, sarag to tilang mangartista" natatawang sagot ni ate jasmine.

( Ang ganda natin dito bhest pwede na tayong mag-artista )

"Tignan niyo mabuti yung picture" Namumutla at nauutal na sambit ni ate grace.

Tinignan mabuti nila tita carmina at ate jasmine ang picture.

nabitawan nilang dalawa ang cellphone ni ate grace ng makita nila ang nasa picture.

Sa picture nilang tatlo, may mga kamay na nakaabay sa likod ni ate jasmine.

Sa picture nasa gitna si ate jasmine habang nasa kanan naman si tita ko carmina at sa kaliwa si ate grace.

Makikita mo sa picture ang mga kamay na nakaabay sa kanila. at dahil sa whole body ang picture nila makikita mo sa baba na may paa sa pagitan nilang tatlo. Makikita mo din na nakasuot ito ng barong tagalog. Ngunit wala itong ulo. Mahahalata mo daw sa picture na parang nakalagay ang mga ulo nito sa balikat ni ate jasmine. Sabi pa ng tita ko tila nakangiti daw ito kahit na wala daw itong ulo dahil sa malabo.

Agad na nagsisigawan ang tatlong magbabarkada at saka nagtakbuhan palabas ng library. 
Iyak ng iyak si ate jasmine habang nakatulala ito. Samantalang si tita carmina at ate grace ay hindi makausap at saka sila nakatulala.

Kinuha ng mga teacher ang cellphone ni ate grace at saka tinignan ang litratong sinasabi nila.

Nabigla ang mga teacher dahil meron ngang multo sa likod ng tatlong dalaga. Kuha ang litrato sa silid ni Ma'am Garcia ang science teacher nila. Nagpapicture ang tatlo malapit sa C.R kung saan may bantay. Ayon sa mga teacher matagal na daw na hindi nagpaparamdam ang bantay ng c.r. siguro nagustuhan lang silang tatlo kaya ito nagpakita sa kanila.

Agad naman nilang binura ang picture at saka sila nagpapunta ng pari para ito ay bindisyunan ( tama ba )

Ilang araw na balisa ang tita ko at ang dalawa nitong classmate. Si ate jasmine naman ay laging umiiyak at hindi ito makatulog.

Isang buwan ang lumipas ng mangyari ang kababalaghang iyon at pinagbawalan munang magklase sa silid na iyon.

~~

Huhuhu! Buti nakayanan ko itong isulat. Huwebes ng gabi ng ikwento ito samin ng tita ko. Hindi tuloy ako makatulog kasi madalas doon kami nagpipicture ng classmate ko. Doon din kami nagc-c.r.

After namin marinig ang kwento ng tita ko hindi na ako nagc-c.r. doon at hindi narin ako umuupo sa likod kung saan nandoon yung c.r.

VOTE AND COMMENTS PO.

Love you all

-JAY

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon