Ang Girlfriend ko

7.4K 227 19
                                    

Ito po ay kwento lamang ng lolo ko sa amin nong gabi na umuwi sila nanay dahil sa fiesta ng patay.

Lunes ng gabi ng umuwi si kuya abner galing sa birthday ng pinsan nito. At dahil sa alas nuwebe na ito umuwi wala ng masyadong tao sa lugar namin dahil sa malalim narin ang gabi at umulan pa sa mga araw na iyon.

Medyo mabagal ang pagtakbo ng motor ni kuya abner dahil sa madulas ang daan kahit na may takot sa dibdib nito lalo nat dadaan ito sa lugar kong saan inilibing ang namatay nitong girlfriend ( ito po yung sa previous chapter ).

Habang palapit na palapit si kuya abner sa lugar ng mahugani medyo bumibilis narin ang pagtakbo nito. kahit na lasing ito dama parin niya ang takot sa kanyang dibdib.

Pinapatulog na siya sa bahay ng kanyang tito kong saan naganap ang birthday pero hindi ito pumayag sa halip nagpumilit itong umuwi sa bahay nila.

" Abner text mo kami ng tita mo kapag naka-uwi kana. Bakit kasi di kana lang matulog dito baka mamaya may masama pang mangyari sayo. Baka pagalitan kami ng tatay mo" sabi ng tita ni kuya abner.

" Salamat na lang po pero kailangan ko talagang umuwi" sagot nito.

"Sige, mag-ingat ka ah. Wag kang mabilis magpatakbo tandaan mo madulas ang kalsada" paalala ng tita nito.

Tumango lang ito at saka ito nagpaalam sa kanila.

Nagsisisi tuloy ito na sana bukas na lang siya umuwi ng bahay nila at dahil sa malayo narin siya pinagpatuloy na niya ang kanyang pagmomotor.

Habang palapit na palapit ito sa mahugani bigla na lang bumibilis ang pintig ng kanyang puso at nagsisitayuan ang mga balahibo nito.

Binilisan pa ni kuya Abner ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa makarating ito sa lugar na kinatatakotan niya.

Napapikit ito ng mata at saka nagdasal. Binilisan ni kuya Abner ang pagpapatakbo hanggang sa mangalahati na ito sa lugar na kinatatakotan niya.

Medyo nawala ang takot nito kaya naman bumagal ang takbo ng kanyang sinasakyan.

Habang malapit na niyang malagpasan ang mahugani. Bigla na lang bumigat ang motor na kanyang dina-drive na parang may sumakay sa likod ng kanyang motor.

Nagtaasan ang kanyang balahibo at saka bumilis ang pintig ng kanyang puso. Tumingin ito sa salamin ng kanyang motor at nabigla ito ng may nakasakay sa kanyang likod na tatlong babae na nakaputi habang hindi nito makita ang kanilang mukha. Samantalang sa likod nito ay may nakayakap sa bewang nito para itong nakangiti sa kanya. kahit na hindi nito mawari ang mukha ng babae.

Binilisan ni kuya abner ang kanyang pagmamaneho at saka ito pumikit pero bigla na lang itong tumilapon dahil sa narinig nito mula sa kanyang likod.

"Mahal ko" sambit ng babae sa likod nito na nakayakap sa kanya.

Alam ni kuya abner na ang yumao nitong girlfriend ang nasa likod nito.

Bumangga ang motor nito sa mahugani at tumilapon si kuya abner. Kahit na masakit ang sugat nito dulot ng pagkabangga niya. Tumayo parin ito at saka tumakbo ng mabilis. Kahit na ang kalasingan nito ay nawala dahil sa nakita niya. Takbo ng takbo si kuya abner at hindi na nito nararamdaman ang pagod sa kanyang katawan kahit na mismo ang sugat nito sa kanyang ulo.

Lalo pang binilisan ni kuya abner ang pagtakbo ng malapit na ito sa waiting shed kung saan may binaril. Kaya naman diretso lang ang tingin nito sa daan at saka ito tumakbo ng matulin.

Pagdating ni kuya abner sa kanilang bahay. Halos hindi na ito makahinga sa pagod at napaupo na lang ito sa tapat ng kanilang pinto. Nanginignig ang buo nitong katawan habang nanlalabo ang paningin nito. Hanggang sa nawalan ito ng malay sa tapat ng kanilang pinto.

Sabi ng lolo ko kweninto daw ni kuya abner ang lahat ng nangyari sa kanya.

Sinabi ng tatay nito na balikan nila ang motor pero hindi ito sumama at isapa pang pinagtataka nila bakit maliit lang ang tama nito sa katawan. May mga galos ito sa katawan pero hindi naman kalakihan at gasgas lamang ang sugat nito sa ulo. ayon kay kuya abner malakas daw ang pagkabangga nito sa puno ng mahugani kaya ito tumilapon pero bakit gasgas lamang ang natamo nito.

Binalikan nila kung saan bumangga ang motor at nagtataka ang mga magulang ni kuya abner dahil walang masyadong gasgas o sira ang motor.

Simula non hindi na dumadaan si kuya abner doon. Na-trauma ata ito sa nangyari sa kanya.

~~
Vote and comments.

Kahit kami hindi kami dumadaan doon sa mahugani lalo nat pagsapit ng gabi. Nakakatakot kasi doon walang masyadong nakatayong bahay kahit na mismong ilaw wala.

Kaya naman nakakatakot talaga ito.

Jayzkie022

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon