Engkanto

4.7K 129 33
                                    

Ang sabi nila ang mga engkanto daw ay masasamang nilalang.

Kaya ka nilang paglaruan sa pamamagitan ng kanilang mahika.

Ang mga engkanto daw ay ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga tao ngunit nakikita nila tayo.

Ang madalas nating makita o marinig sa mga matatanda ay tungkol sa mga dwende.

May dalawang klase ng dwende, ito ay ang itim at puting dwende.

Ang mga itim na dwende, sila yung mga dwende na kayang manakit ng tao. Sila yung mga dwende, na gumagamit ng itim na mahika para paglaruan ang mga bagay bagay.

Ang mga itim na dwende ay mabagsik, walang kinatatakotan at higit sa lahat nakakatakot ang kanilang anyo at aura.

Ang mga puting dwende naman ay kabaliktaran ng itim na dwende.

Sila yung mga dwende na friendly, mabait sa mga tao at hindi nila tayo kayang saktan. Depende na lang iyon kapag may ginawa kayong kasalanan sa kanila.

Sabi DAW nila ang mga puting dwende daw ay mga isip bata. Kaya naman madalas silang magpakita sa mga bata para makipaglaro. Sila yung mga dwende na kayang tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong nila. Pero ang mga puting dwende ay masyadong mailap, once na naging kaibigan mo siya. Una niyang ibibigay sayo ay ang tiwala, kapag ang tiwala nila ay nasira mo. Kahit kailan ay hindi muna ito maibabalik pa, kaya naman mas ginugusto na lang nila ang lumayo sayo kesa naman masaktan pa sila sa mga kamay mo.

( Ang mga pangalan na mababasa niyo dito ay hindi nila totoong pangalan. Yun lang, enjoy reading )

Ating kilalanin si ma'am grace. Ang aking pilipino teacher at the same time ay ang aking class advicer nong ako ay grade 7 pa lamang.

Kweninto niya sa amin ang tungkol sa kaibigan nitong dwende na si dende.

Si dende ay puting dwende na tinulungan ni ma'am grace mula sa pagkakadagan nito sa puno. Habang naglalaba si ma'am, nakarinig siya ng ingay mula sa naputol na puno ng bayabas.

Nang mga panahon daw na iyon, hindi pa ganap na guro si ma'am grace dahil fourth year high school pa lamang siya noon.

Ang akala ni ma'am, ang ingay na kanyang narinig kanina ay guni-guni lang nila. kaya naman, hindi na nila ito pinansin pa at nagpatuloy lang sila sa paglalaba ng damit ng kanilang kakilala.

Kailangan maglaba ni ma'am para may pambayad at pambili sila ng kanilang project sa school.

Mahirap lang kase ang buhay nila, tricycle driver ang tatay nila at house wife naman ang kanilang ina. Lima silang magkakapatid, at panganay si ma'am grace. Kailangan nilang kumayod, para may gastusin sila sa kanilang pagpasok.

Maghapon ng naglalaba si ma'am grace ng mga damit ng kapit-bahay nila, kahit na ang mga assignments at project ng mga classmate niyo ay kanilang kinuha sa halagang 20 pesos.

Todo kayod naman ang tatay ni ma'am grace, para maitaguyod at makapagtapos niya ang mga anak nito.

Pagod na pagod na si ma'am grace sa kanyang paglalaba, ngunit hindi parin sila tumitigil sa paglalaba dahil wala silang kakainin kapag hindi siya naglaba at hindi siya nakakita ng pera.

Kulang kase ang kinikita ng kanilang ama mula sa pagtra-tricycle driver nila. Gusto man magtrahaho ng kanilang ina, ngunit hindi ito pwede dahil walang mag-aasikaso sa kambal nilang kapatid.

Habang naglalaba si ma'am grace, iniimagine nila na nakatira sila sa isang magandang bahay na may labing walong kwarto. Ini-imagine din nila na may sasakyan silang magara na siyang naghahatid sundo sa kanila sa school. Ini-imagine nila na mayroon silang tatlong refrigerator na ang puro laman ay makakain. Ini-imagine nila na nasa isang bansa sila kasama ang kanilang pamilya habang naka-check in sa isang mamahaling hotel.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon