Ang kabaong

6K 190 13
                                    

October 2012

Four years from now ng mangyari ang kababalaghang ito samin ng tita ko kasama ang mga kaibigan nito.

"Carms tara samahan niyo ko magpaload. Punta tayo sa dike doon tayo magpaload. Sama ko iyang pinsan mo para may kasama kang umuwi" sabi ng kaibigan ng tita ko.

( I don't know kung ano yung dike sa tagalog pero samin kasi dike ito yung sementadong lugar kung saan mataas ito )

" Sige may bibilhin din ako don. Sumama kana jay" sambit ng tita ko.

"Sige po" sagot ko naman sa kanila.

"Ano pang hinihintay niyo, tara na" sambit ng isa sa mga kaibigan nitong lalaki at saka niya hinila ang dalawang kaibigan nila.

Habang naglalakad kaming walo isang malakas na tawanan ang maririnig mo dahil panay ang kwentuhan nila ng mga nakakatuwang pangyayari sa buhay nila.

Kaya naman habang naglalakad kami ay panay tinginan ng mga tao samin. Minsan pa nga pinapagalitan na kami ng mga taong nadadaanan namin kasi alas otso na ng gabi. Ang ingay ingay pa namin, hindi lang tuloy kami nakakaistorbo ng mga tulog na tao pati mga matatandang nagiinuman ay pinapagalitan din kami kasi mas malakas pa yung pagtawa namin kesa don sa kanta na pinapatugtog nila.

Tapos panay takbuhan namin kapag may asong tumatahol samin. Takbuhan doon takbuhan dito. muntik pa ngang makagat yung isang kaibigan ng tita ko.

Nang malapit na kami sa waiting shed. Bigla na lang napunta sa nakakatakot na kwentuhan ang kaninang nakakatuwang kwento nila.

"Tama na nga iyang pagkwekwento niyo ng nakakatakot baka mamaya may hindi makauwi satin" saway samin ng kaibigan na lalaki ng tita ko.

"Mabuti pa nga tinatakot niyo lang ang sarili niyo" segunda naman ng tita ko.

Habang naglalakad kaming walo bigla na lang kaming nakaamoy ng kandila.

"Bakit amoy kandila ata dito" sambit ng kaibigan ng tita ko.

"Oo nga wala namang kandila na nakatirik dito" nagtatakang tanong ni kuya josh.

Hindi na namin pinansin ang naamoy naming lahat at nagpatuloy parin kami sa paglalakad.

Napahinto kaming lahat ng makarinig kami ng pag-iyak ng isang babae.

"Naririnig niyo ba ang naririnig ko" pagtatanong ni ate stephanie.

Tumango kaming lahat bilang sagot kay ate step.

"Umuwi na kaya tayo, bukas na tayo magpaload natatakot na ako" sambit ni ate jasmine.

"Ngayon pa talaga kayo natakot, nandito na tayo. Tara na baka naman tinatakot lang tayo" sambit naman ni kuya paul.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ng makalapit na kami sa waiting shed.

Bigla na lang lumakas ang pag-iyak ng isang babae at saka ulit kami nakaamoy ng kandila. Isang amoy kung saan may patay.

Napaatras kaming walo ng makakita kami ng tatlong kandila sa dinadaanan namin.

Ito yung kandila kapag may patay.

Nanginginig kaming walo at patuloy kami sa pag-atras. At sa pag-atras namin saka kami nakaramdam na parang may tao mula sa likod namin.

Napahinto kaming walo sa pag-atras at saka kami nagtinginan.

Pagharap naming walo sa likod. Nagulat kami sa nakita namin.

Isang kabaong na lumulutang habang may tatlong kandila sa ibabaw nito. at saka sa gilid naman nito ay isang babaeng nakaputi na may mahabang buhok na siyang tumatakpan sa kanyang mukha. Nakalutang itong sa ere habang umiiyak ito ng dugo na siyang tumutulo sa kanyang paanan.

Hindi kami makakilos na walo dahil sa nakita namin. At agad kaming nagtakbuhan ng i-angat ng babae ang kamay nito.

Nagsisisigaw kaming walo at saka kami naghilahan kasabay ng pagtakbo namin ng mabilis.

Yung isa sa mga kaibigan ng tita ko ay nadapa ngunit agad itong tumayo at tumakbo ulit ng mabilis.

Habang tumatakbo kaming walo panay naman ang sigawan namin na parang lalabas na yung ngala-ngala namin sa kakasigaw.

After ng nangyari saming walo hindi na ako lumalabas ng bahay kapag walang kasama. Kapag pagsapit naman ng gabi. Sumisiksik ako kila nanay para makatulog. Pinagalitan naman sina tita sa nangyari samin.

~~
Vote and comments po.

Thank you.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon