May mga kaluluwang kayang pumatay ng tao. Mga kaluluwang
hindi tumatahimik hanggat hindi namamatay at nagsisisi ang mga taong may sala sa kanila. Mga taong may kinalaman sa kanilang pagkamatay.May kaluluwang sinusubukan kong gaano ka katapang. Mga kaluluwang nagpapakita at nagpaparamdam sayo. Sinusubukan nila kung hanggang saan ang kaya mo. Kung ikaw ba ay matatakot o hindi. Mga kaluluwang nagpapakita kapag araw ng kanilang pagkamatay.
May kaluluwang kaya kang iligtas sa kapahamakan. Mga kaluluwang nagpapakita kapag may gustong iparating o ipahiwatig sayo. Madalas magparamdam at magpakita sila sa inyong mga panaginip. Gusto nilang mailigtas ang mga mahal nila sa buhay sa kapahamakan. Lalo na sa kamatayan.
Ito pong chapter na ito ay hango sa totoong buhay. Nangyari ito sa kaibigan ko mismo.
alas syete ng umaga ng mag-empake ang pamilya De Guzman. Sa araw kasing iyon ay maga-outing ang kanilang pamilya.
" Rochelle, paki-lagay nga yung tablet sa bag ko" utos ni mj sa kapatid nito.
"Bakit ako ang maglalagay, ikaw gagamit kaya ikaw maglagay. Busy ako kuya, don't disturb me"sabi ni rochelle habang nag-eempake ng kanyang gagamitin.
" Taray ni ate, umi-english" pambabara naman ng kapatid nito.
" Rochelle!, ilalagay mo ba o isusumbong kita kay nanay" pagbabanta ng kuya nito.
" k fine, ang ganda ng black mail mo kuya. Bentang benta" sabi ni rochelle sabay lagay ng tablet ng kuya nito sa bag.
"Kayo talaga, ke-aga-aga nagtatalo nanaman kayo. Bilisan niyo na ang mag-empake ng makaalis na tayo." Utos ng nanay nila na si tita brenda.
Mabilis na nag-ayos ng gamit ang pamilya nila. Nang makapag-empake ang lahat.
" Daddy aalis na po kami, kayo na bahala dito sa bahay. Kapag may magnanakaw na papasok. Takotin niyo siya daddy" sabi ng bunso nilang kapatid.
Kinakausap nito ang namatay nilang tatay.
" Daddy, aalis na kami ng mga anak mo. Ikaw na muna bahala dito sa bahay. Kung gusto mong sumama. Sumama ka lang. I miss you daddy" nakangiting sabi naman ni tita brenda.
" Nanay naman eh, mamaya magparamdam si daddy satin. Natatakot kaya ako" sabi ni rochelle sa nanay nito.
" Wag kang matakot sa daddy mo, matakot ka kung ibang multo ang magpakita sayo" sabi ni tita brenda sa anak nito.
" Ehhh!" Sabi na lang ni rochelle.
Lumapit sila isa isa sa picture ng kanilang daddy. Isa isa silang humalik sa picture.
Nakasanayan na kasi nila na humalik sa picture ng yumao nilang daddy. kapag papasok ng school o di kaya ay aalis sila.
Namatay ang kanilang daddy dahil sa sakit. Ang sabi ni rochelle sakin namatay ang kanilang daddy sa sakit sa puso.
Kaya naman lumaki sila ng wala ng ama. Hindi naman sila pinapabayaan ng kanilang daddy dahil feeling nila nasa paligid lang ito. Nakamasid at binabantayan sila. Minsan pa nga daw nagpapakita ang kanilang daddy sa kanilang panaginip.
"Sige daddy, aalis na kami ng mga anak mo. Paalam I love you" sabi ni tita brenda sabay halik ulit sa picture ng kanyang asawa.
Lalabas na sana sila ng kanilang bahay ng biglang nahulog ang picture ng kanilang daddy.
Nagkatinginan silang lahat.
" Daddy naman eh, hindi magandang biro yan" sabi ni mj sabay lapit sa nanay nito.
" Daddy galit kaba" natatakot na tanong ni rochelle.
" Daddy parang ayaw mo kaming paalisin ng mga anak mo" sabi naman ni tita brenda.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.