Ang Pari sa kalsada

4.9K 183 13
                                    

Alas kwatro ng madaling araw ng magising ang lola ng pinsan ko para ito ay magsimula ng maglinis ng kanilang bahay.

Nagkape muna si lola yayao o yayaw. Bago siya magsimulang maglinis ng kanilang bahay.

After niyang uminom ng kape nagwalis muna ito saka siya pumunta ng likod ng kanilang bahay para walisin ang mga nagkalat na dahon.

Linis dito, linis doon.

4:30 a.m na daw ito natapos sa paglilinis ng kanilang bahay. Wala namang masyadong kalat dahil araw-araw naman ito naglilinis at saka anim lang silang nakatira sa kanilang bahay. Siya at ang anim nilang apo na pinsan ko.

Inilabas ni lola yayao ang mga damit na kanilang lalabahan. Pumunta ito sa kwarto ng kanyang apo para gisingin ito para linisin niya ang mga nagkalat na tae ng baka.

" Apo, gising kana riyan. Mag-aalas singko na ng umaga tulog kapa. Gumising kana riyan ng mai-pastol muna ang mga alaga nating baka." Sabi ni lola yayao sa kanyang apo na si tyron.

" Mamaya pa lola, inaantok pa ako. Maaga pa, gisingin niyo na ako kapag tumilaok na yung mga manok" sabi naman ni tyron.

Piningot ni lola yayao ang kanyang apo dahil sa sinabi nito.

" Ikaw na bata ka, wala ng titilaok na manok natin. Dahil kinatay na natin silang lahat" sabi ni lola yayao.

" Aray lola, ito na nga oh. Babangon na" sabi ni tyron.

Humikab pa ito habang nakatingin siya sa kanyang lola.

" Sige na lola, susunod na ako" sabi nito habang sumusuntok sa ere na tila may kalaban.

" Sige, bilisan mo riyan. Walang mag-papastol ng baka natin. " sabi ng kanyang lola saka ito umalis.

Pagka-alis na pagka-alis ng kanyang lola. Agad namang pumunta sa pintuan si tyron para silipin kong nasa labas na nga ang kanyang lola.

Nang makumpirma nito na nasa labas na ang kanyang lola para maghigib ng tubig. Agad naman niyang isinarado ang kanyang kwarto saka ito ulit naghikab saka ito natulog.

Sa labas naman ng kanilang bahay. Habang naghihigib si lola yayao ng tubig na kanyang gagamitin sa paglalaba. Pansin nito na tila wala pang gising sa baryo nila. Malapit ng mag-alas singko ng umaga pero wala parin siya nakikitang tao sa kalsada. Kahit na mismo ang kapit-bahay nila ay tulog pa.

Muling pumasok si lola yayao sa kanilang bahay para kumuha ng sabon na kanyang gagamitin sa paglalaba.

Habang kumukuha ito ng powder na sabon. Nakarinig naman ito ng kanta. Isang kanta na naririnig natin sa simbahan kapag may misa.

Nagtataka naman si lola yayao dahil alas singko ng umaga may ganong kanta siyang naririnig. Hindi daw masyadong malakas ang kanta lalong hindi naman ito mahina. Saktong lang daw ito na maririnig mo kahit na nasa loob ka ng iyong bahay.

" Sino kaya ang nagpapatugtog ng ganong kanta. Ke-aga-aga nagpapatugtog siya ng ganong kanta." sabi ni lola yayao.

Pumunta ito sa harap ng pintuan nila saka niya ito binuksan. Sumilip si lola yayao para tignan kong ano ang nasa labas at kung sino yung taong nagpapatugtog ng kanta ng ganong kaaga.

Pagsilip niya. ganon na lamang ang pagkagulat niya ng makakita siya ng isang lalaking naglalakad sa kalsada habang may suot na kulay puting damit. Ayon kay lola yayao ang suot daw nitong damit ay ang isinusuot ng isang pari sa simbahan.

May hawak daw itong kandila sa kaliwa nitong kamay at sa kanan naman may hawak itong libro.

Sa likod naman nito ay may mga batang lalaki at babaeng nakasunod sa kanya. Nakasuot ang mga ito ng puti at itim na damit. Habang may hawak silang itim at puti din na kandila.

Tila napako ang mga paa ni lola yayao sa kanyang nakita. Lalo siyang nagulat ng hindi niya mawari ang mukha ng pari lalo na ang mga batang nakasunod sa kanya.

Napahawak ito sa kanyang dibdib na tila aatakihin ito sa puso kaya naman napa-upo ito sa sahig.

Agad naman niyang isinarado ang kanilang pinto ng maramdaman nito na parang titingin ang pari sa kanyang direksyon.

Habang nakasara ang pinto, agad namang kinuha ni lola yayao ang kanyang rosaryo. Nagdasal ito ng ilang beses bago siya tumayo para gisingin ang kanyang mga apo.

Aalis na sana si lola yayao ng makarinig ito ng katok mula sa kanilang pintuan.

Agad naman itong napaharap sa pintuan. Mahigpit na hinawakan ni lola yayao ang rosaryo saka ito nagtungo sa pintuan habang nanginginig ang mga tuhod nito.

Nag-aalinlangan ito kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi.

Tuloy tuloy ang pagkatok mula sa labas ng pinto. Palakas din ito ng palakas na tila masisira na ang pintuan na gawa sa kahoy.

Wala ng magawa si lola yayao. Kaya naman binuksan na lang niya ang pintuan.

Nanginginig na binuksan ni lola yayao ang pintuan. Pagbukas niya ng pinto.

" Good morning lola yayao. Pwede ba akong makahingi ng mainit na tubig at saka asukal" sigaw ng isang batang lalaki na siyang ikinagulat nila.

Nakataas pa ang mga kamay nito habang may hawak na baso.

Ang batang ito ay ang anak ng kanyang kumare.

" Jusko, ikaw na bata. Muntik na akong mahimatay sayo. Akala ko kung sino na. Ikaw lang pala." Sabi ni lola yayao habang nakahawak sa kanyang dibdib at hingal na hingal.

" Nagulat po ba kita lola yayao. Patawad po, hindi na mauulit. Pwedi po ba akong makahingi ng asukal at mainit na tubig." Sabi ng batang lalaki sa kanya.

" Sige pumasok ka sa loob" sabi ni lola yayao.

Pumasok ang bata sa loob ng kanilang bahay. Bago bigyan ng asukal at mainit na tubig ang bata. Nagtanong muna ito kung may nakita ba siyang pari at mga bata. Bago siya pumunta sa bahay nila.

Hindi tumango ang bata sa tanong ni lola yayao. Mas nagulat ito sa isinagot sa kanya ng batang lalaki.

" Wala po akong nakitang pari at mga batang naglalakad sa kalsada. Pero bago po ako kumatok sa bahay niyo nakakita po ako ng isang lalaking nakaputi at tatlong batang lalaki na nakatayo sa harapan ng pintuan niyo "

~~

Shocks malapit na akong mawalan ng buhay. Buti na lang kinakaya ko pang magsulat.

Votes and comments for this chapter. Thank you very much

Lab u all. Muah!

Ang cute na author. ( Cute kapag binabatukan )

Jayzkie022

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon