Boses

3.8K 211 23
                                    

( A/N: Huhu! Ilang chapters na lang ang natitira matatapos na ito. Mamimiss ko kayo, sana basahin niyo ang next story ko. Enjoy reading  )

Ito po ay nangyari sa aking tita sa side ng tatay ko.

Huwebes- 11:00 pm ng bumiyahe sila ng kanyang boyfriend para pumunta sa tagaytay para e-celebrate ang 3 years anniversary ng kanyang boyfriend.

Silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan ng kanyang boyfriend.

" hoy, ikaw lalaki. Iyang kamay, paki-lagay sa manibela baka mabangga tayo. Mamaya muna hawakan ang kamay ko." Sermon ni tita sa kanyang bf dahil nagda-drive ito gamit ang isa nitong kamay. Samantalang yung isa nitong kamay ay naka-hawak sa kamay ng aking tita.

" hindi yan, para namang wala kang tiwala sa gwapo mong boyfriend" sabi nito sa aking tita sabay kindat dito.

" Aysus, iyang mga matatamis mong salita ah. Hindi ako madadala niyan. Sige na, ituon mo muna ang iyong atensyon sa daan. Magsasawa karin sa kamay ko mamaya pagdating natin sa tagaytay." Sabi naman ng aking tita sabay kurot sa tagiliran ng boyfriend nito.

" Aray ko, honey. Namimihasa kana sa kakakurot ah. Baka naman naglilihi kana. Wala pa nga akong ginagawa sayo buntis kana" pagbibiro ng boyfriend nito.

" sapakin kita riyan. Sa daan ang atensyon mister" panenermon naman ni tita sa kanyang boyfriend.

" Yes, sir este yes boss" sagot ng boyfriend nito habang natatawa pa.

Kinurot lang ni tita ang kanyang boyfriend.

" Mas mabuti kong matulog ka muna honey. Gigisingin na lang kita kapag nasa tagaytay na tayo." Sabi ng boyfriend nito.

Sumandal si tita sa upuan ng kotse saka ito nagsalita.

" Good night honey, I love you. Ingat ka po sa pagda-drive" naka-ngiting sabi ng tita ko habang nakasandal sa kotse.

" I love you too honey. Opo mag-iingat po ako,kasi papakasalan pa kita" sagot naman ng bf nito sabay kindat sa tita ko.

" Letche, magdrive kana lang. Matutulog na ako" sabi ng tita ko habang pulang pula ang mukha nito.

" kiss ko po" naka-ngiting sabi ng bf niya habang nakatingin sa tita ko.

" Mamaya na, drive ka muna" sabi ng tita ko sabay pikit ng kanyang mga mata.

" Humanda ka sakin mamaya" bulong ng bf nito pero narinig naman ng tita ko.

" Kung ano man iyang binabalak mo. Wag muna ituloy kung ayaw mong maputulan" nakangiting sagot ng tita ko habang nakapikit.

" narinig mo pa iyon" gulat na gulat na tanong ng bf nito.

Tumawa lang ang tita ko dahil sa isinagot ng boyfriend nito.

12:00 am

Nagising ang tita ko dahil naramdaman nitong huminto ang sasakyan nila.

Iminulat nito ang kanyang mga mata at nakita nito sa labas ng bintana ang Mcdonald.

" Gising kana pala honey. Huminto lang ako saglit para bumili ng makakain natin. Ito oh, kumain kana baka gutom narin si baby" nakangiting sabi ng kanyang bf sabay abot sa dala nitong pagkain kay tita.

" tigil-tigilan mo ako mister sa baby na sinasabi mo." Sabi ng tita ko sabay kuha sa pagkain na inaabot ng bf nito.

Natatawang pumasok sa loob ng kotse ang bf nito.

" Trip mo talaga akong asarin" sabi ng tita ko sabay kain sa french fries na binili ng bf nito.

" Cute mo kase kapag nagagalit" sagot ng bf niya saka ito tumawa.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon