( A/N: Happy 10k po sa ating lahat. Kundi dahil sa inyo hindi iyan aabot sa 10k at lalong hindi ito magnanumber 9 spot. Thank you so much. Sana magtuloy tuloy ang inyong pagboto. Lab u all. )
Bawat tao ay may namamatay. Kapag may namamatay saka naman may isinisilang. Lagi natin tinatanong sa ating sarili, kong bakit kailangan pang may mamatay. Bakit kailangan pang may mawala. Hindi ba pweding mabuhay na lang tayo forever. Pero napapa-isip din tayo. Kung walang namamatay, siguro siksikan na tayo dito sa mundong ating ginagalawan. Siguro para na tayong sardinas. Siguro marami na tayong kamag-anak. Kapag walang namamatay, siguro nagrarambulan na tayo sa dami na ng tao dito sa mundo. Pero alam niyo ba, na kapag may nawawala mayroon namang dumadating. Sa mundong ating ginagalawan kailangan nating sumama sa agos ng buhay. Push lang, kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit. kailangan nating tanggapin. Kaya naman simula ng mamatay ang lolo ko. ( Siya ang father ng lolo ko na tatay ng nanay ko ) Kahit na masakit, kailangan naming tanggapin. Kahit mahirap, kailangan naming kayanin. " Pagsubok lang yan" sabi ng iba. Pagsubok na kailangan mong lagpasan.
"Lusing, tawagin mo yung mga pinsan mo. Tulungan mo kaming ibigay itong sopas at tinapay sa mga tao sa labas." Sabi ng nanay ni lusing na si lola rosa.
"Opo nay, tatawagin ko na po sila sa labas. Nagbibingo nanaman po sila" sabi ni lusing sa kanyang ina na abalang naglalagay ng sopas sa baso.
Tinawag ni lusing ang kanyang mga pinsan na abalang nagbibingo.
Sa mga araw kasing iyon, namatay ang aming lolo na si lolo boy. ( Nangyari ang kababalaghang ito, hindi pa kami nakakauwi sa pangasinan )
Tinulungan ni lusing ang kanyang ina sa pagbibigay ng candy sa mga taong nakikilamay.
Habang nagbibigay sila ng candy, pumunta si lusing sa isang lugar na walang masyadong tao.
" Asawa ko, asan na yung anak mong si lusing? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko parin siya makita" nag-aalalang tanong ni lola rosa.
" hindi ko alam, abala ako sa pagluluto ng sopas. Hindi ba kasama mo siyang namimigay ng candy at sopas kanina" sagot naman ng asawa nito.
" Oo kanina kasama ko siya, pero bigla na lang nawala sa tabi ko" sabi naman ni lola rosa.
" baka naman, nasa labas siya. naglalaro kasama ang mga kaibigan niya" sabi naman ni lolo ben.
" Ganon ba, pupuntahan ko na siya ng mapatulog ko na. Bawal pa naman magpuyat ang batang iyon. Ikaw muna bahala dito" sabi ni lola rosa saka siya pumunta ng labas para tignan ang anak nito.
" Jen, nakita mo ba si lusing." Pagtatanong ni lola rosa sa kaibigan ng anak nito na si jen.
" Hindi po, hinahanap din po namin siya para maglaro kami ng chinese garter. Pero hindi pa po namin siya nakikita simula kanina." sabi jen kay lola rosa.
" Ganon ba,salamat jen. pero may alam kaba na pwedi niyang puntahan" pagtatanong ni lola rosa.
" wala po. Sige po maglalaro na po kami" sabi ni jen saka ito tumakbo papunta sa mga kaibigan nito.
Isang oras ng naghahanap si lola rosa kay lusing pero hindi niya parin ito makita.
" Ano asawa ko, tulog na ba si lusing?" Pagtatanong ni lolo ben habang naka-upo.
" Asawa ko, hindi ko makita si lusing. Asan na kaya ang batang yun" natatarantang sabi ni lola rosa.
" Ano, anong hindi mo siya makita? Nagtanong kana ba sa mga kaibigan nito" sabi ni lolo ben saka ito napatayo.
" Oo, tinanong ko na sila pero hindi daw nila ito nakita simula kanina pa" sabi naman ni lola rosa.
" Tara, hanapin natin siya" nag-aalalang sagot ni lolo ben.
Hahanapin na sana nila si lusing ng makita nila itong nakatayo sa harap ng kabaong ng aming lolo.
Nagulat ang mag-asawa dahil wala naman ito kanina riyan.
Tumakbo ang mag-asawa papunta sa kanilang anak.
" Jusko lusing, saan kaba nagpuntang bata ka" sabi ni lola rosa saka niya niyakap ang kanyang anak.
" Ikaw na bata ka, pinag-alala mo kami ng nanay mo. Saan kaba nagpunta" sabi ni lolo ben.
" Tay, nay" tawag ni luxing sa kanyang ina at ama. pagkatapos ay humarap ito sa kabaong ng aming lolo.
" bakit nak, may problema ba?" Tanong naman ni lola rosa sa kanyang anak.
Napatingin ang mag-asawa sa kanilang anak at saka nila inaantay ang sasabihin nito.
" Nay, tay" ulit na tawag ni lusing sa kanyang magulang.
" Ano ba yun nak, kanina mo pa tinatawag ang pangalan namin." Sabi naman ni lolo ben.
" Nay, tay. Nakita ko po si lolo kanina, nakatayo po siya sa puno ng mangga. " sabi ni lusing habang nakatingin sa kabaong ng aming lolo.
Gulat na gulat ang mag-asawa dahil sa sinabi ng kanilang anak.
Magsasalita na sana si lola rosa ng magsalita ulit si lusing.
" Nay, tay. Ang sabi ni lolo, sumunod na daw tayo" sabi ni lusing saka ito humarap sa kanyang mga magulang na gulat na gulat.
Tumingin kayo sa kaliwa.
Tumingin kayo sa kanan.
Anong nakikita niyo?
Try niyong tumingin sa inyong likod.
Siguraduhin niyo lang na ang makikita niyo sa inyong likod ay buhay na tao at hindi ang mga mahal niyo sa buhay na matagal ng patay.
~~
Kaya ko pa, kaya ko pa. Para sa inyo, kakayanin ko pa.
Anong masasabi niyo sa chapter na ito. Kaya niyo paba?
Sana po ay umabot ng 20 votes ang chapter na ito pati narin ang previous chapter.
Maraming maraming salamat po sa inyong pagbabasa ng aking storya. dito na po nagtatapos ang aking story. I hope nagustuhan niyo ito.
20 votes for the previous chapter.
Maraming maraming salamat po talaga sa inyo. I love you all.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
TerrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.