Ang Mambabarang

4.5K 130 22
                                    

( Last Chapter na po ito, sorry kong naghintay kayo tapos ito lang pala ang update ko. Gusto ko mang mag-update ng marami ngunit wala akong cellphone na magagamit. Sira na po talaga kase yung cellphone ko tapos yung cellphone ng kapatid ko. Pasensya na talaga kayo. Kung makakahiram man akong cellphone, i dont know kung may update pa ito. Kung meron man siguro isa lang o dalawa. May story din akong naiisip kaso lang hindi ko naman maisulat kase nga wala akong magamit. Kung may mayaman man na magdodonate ng cellphone sa akin. nako malaking blessing iyon hahahah! kung meron man. Hanggang dito na lang po tayo, wait for my incoming stories. 30 votes naman po riyan, last po ito kaya naman ibigay niyo na hahaha!. Yun lang naman, Enjoy reading na lang. Thank you sa pagbabasa ng aking story. God bless ")

Siguro naman, marami sa inyo ang nakakaalam kong ano ang mambabarang.Kung anong klase silang nilalang.

Kung sila ba ay tao o isang demonyong nagbabalat kayo.

Pero ang tanong, alam niyo na ba ang mga kaya nilang gawin.

Ang sabi ng tito ko na siyang nagkwento din nito sa akin. Ang mga mambabarang daw ay mas grabe pa ang kanilang kayang gawin kesa sa mangkukulam. Kaya nilang gawin ang isang bagay na posibleng gawin ng isang tao o ng isang mangkukulam.

Pero ang tanong, ano kaya ang  pinagkaiba ng dalawa?. Meron kaya o wala.

Ating alamin at tuklasin ang mga bagay na kayang gawin ng isang--

MAMBABARANG!

Siya si Rosenda Bartolo, siya ang kaibigan ng tito ko na biniyayaan ng angking ganda.

( Yung tito ng tinutukoy ko ay ang asawa ng tita ko. Actually lesbian po yung asawa ng tita ko na siyang nagkwento nito sakin. )

Hindi naman sa pinagyayabang ng tito ko ang kaibigan nito. Maganda naman daw talaga ito, na pwede siyang mag-artista at sumali sa mga beauty contest. Ang kaso lang wala siyang hilig sa pagsali sa mga beauty contest at ayaw niyang mag-artista dahil sa mahiyain itong tao.

Ayaw niya kasing pinagtitinginan siya ng ibang tao. Feeling niya kase tinititigan siya mula ulo hanggang paa especially yung mga lalaki kapag dumadaan siya sa kalsada.

Kaya naman minsan lang siyang lumabas ng kanilang bahay. lagi itong nasa tahanan nila, nag-aalaga ng bata at naglilinis ng kanilang bahay.

Ngunit kahit na madalas lang ito lumabas, hindi mo maipagkakaila na maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya.

Bukod kase sa maganda itong babae, mahinhin at napaka-bait. may itinatago din itong talento na sila tito lang ang nakakaalam. kaya naman hindi mo siya masisisi kung pila pila, ang mga lalaking pumupunta ng kanilang tahanan para siya ay ligawan.

Ngunit

Kahit na madaming lalaki ang nagkakagusto sa kanya, wala sa isip niya ang magkaroon ng asawa o kahit na bf man lang.

Gusto niya kasing mag-aral muna, para matulungan nito ang kanyang mga magulang at para makapag-tapos ng kanyang pag-aaral. Kaya naman lahat ng lalaking pumupunta ng kanilang bahay para siya ay ligawan. Binubusted niya ang lahat ng ito, dahil bukod sa ayaw niyang magkaroon ng bf. Ayaw niya ring umasa at masaktan lahat ng lalaking nanliligaw sa kanya.

Kaya naman habang maaga pa, sinasabi niya na ito sa kanila.

Hanggang sa isang araw, may isang lalaki ang pumunta sa kanilang tahanan para daw siya ay makita.

" Nay naman eh, ayoko pang mag-asawa o magkaroon ng boyfriend. Ang gusto ko, sa inyo lang nakalaan lahat ng oras at atensyon ko" malambing na sabi ni ate rosenda sabay yakap sa kanyang ina.

Nasa kusina ang mag-ina para mag-luto ng kanilang tanghalian. Pinag-uusapan nilang dalawa ang tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ni ate rosenda.

" Anak, hindi naman buong buhay sa amin mo parin ibubuhos ang atensyon at oras mo. Kailangan mo rin magkaroon ng asawa't anak. Nako, sino na lang mag-aalaga sayo kapag matanda kana." Sabi ng kanyang ina habang hinuhugasan nito ang manok na kanilang iluluto.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon