Crying White Lady

11.6K 337 71
                                    

Note: Pray before you read. Thank you!

Nangyari ang kababalaghang ito ng ako ay 14 years old pa lamang.

3 years na ang nakakalipas ng mangyari ito at sa lahat ng kababalaghang nangyari sa akin ito ang pinakamatindi.

Nangyari ito sa loob ng kwarto ko.

Jhay bumaba kana riyan at kakain na tayo" tawag sa akin ni nanay.

Mamaya na po ako kakain, busog pa po ako" pasigaw na sagot ko dahil kapag hindi ako sisigaw malamang di nila maririnig ito.

Sige anak, tirahan ka na lang namin ng ulam" pasigaw na sagot ng nanay ko.

Hindi na ako sumagot pa dahil busy ako sa paglalaro ng temple run sa tablet ko. na halos maibato ko na ito dahil sa sobrang inis ko, dahil hindi ko maabutan ang high score ng tito ko. 1500000M kase ang high score nito kaya naman kahit kumukulo na ang tiyan ko sa gutom ay hindi parin ako bumaba para kumain.

Hanggang sa umabot ako ng alas dose ng gabi at hindi parin ako tumitigil sa paglalaro ng temple run.

Hanggang sa naabutan ko ang high score ng tito ko. kaya naman abot hanggang ngala-ngala ang ngiti ko dahil sa wakas naabutan ko na ang high score nito.

At dahil sa gutom na ako at nanginginig na ang mga kamay ko sa gutom, bumaba na ako sa baba para kumain.

Naka-ilang sandok ako ng kanin dahil sa gutom na gutom na talaga ako .

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang mga pinggan at baso na ginamit ko para hindi ako mapagalitan ng nanay ko.

Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin ay humakyat na ako sa taas para ipagpatuloy ulit ang nahudlot kong paglalaro ng temple run.

Ala una ng gabi bago ako makaramdam ng antok dahil sa paglalaro ng temple run.

Hindi naman nalow bat ang tablet ko dahil habang naglalaro ako ay naka charge ito.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at saka naglaro ulit ako sa tablet ko pero hindi na ito temple run kundi zombie tsunami. at dahil sa nasarapan ako sa paglalaro ay hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa nakatulog na ako.

Wala pang isang oras ang aking pagtulog ng magising ako dahil sa sobrang lamig, na kahit nakakumot at nakapadjama na ako ay ramdam ko parin ang lamig sa balat ko.

Nagising ako sa pagkakatulog at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

Pilit kong iginagalaw ang aking mga paa at kamay ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko parin ito maigalaw.

Pilit ko ring sumisigaw pero sa bawat sigaw ko parang ako lang ang nakakarinig nito.

Umiiyak akong sumisigaw pero hindi ata nila marinig ang bawat pagsigaw ko hanggang sa makarinig ako ng isang boses na nagmula sa gilid ko.

Kinilabutan ako sa narinig ko dahil ang lamig ng boses nito na tila umiiyak.

At dahil sa di ko maigalaw ang katawan ko ay pilit kong naigalaw ang ulo ko.

At sa pagtingin ko sa tabi ay halos lahat ng dugo ko sa katawan ay pumunta sa mukha ko at ramdam ko ang panginginig ng labi ko.

Isang babaeng nakaputi mahaba ang buhok nito at maraming sugat ang mukha nito.

T-tulungan mo ako" sambit nito sa mga tenga ko na siyang pagtayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

Umiiyak ito ng dugo at sa pag-iyak nito sa mga braso ko ito tumutulo.

At dahil sa takot ko agad akong napalingon sa harap at halos pagsisihan ko ang pagharap ko sa harap dahil lahat ng laruan ko sa gilid ay tumatawa at lahat sila ay nakatingin sa akin.

Napaluha ako dahil sa isip ko. Ito na ba ang katapusan ko.

Pumikit ako dahil nakakaramdam ako ng kamay na humahawak sa pisngi ko.

Nagdasal ako ng Ama namin ng sampung beses at saka ko hiniling sa diyos na sana ay makagalaw na ako.

At hindi ako binigo ng panginoon dahil pagkatapos kong magdasal ay naigalaw ko na ang mga katawan ko.

Wala akong sinayang na oras at agad akong tumakbo sa kwarto ng nanay ko na siyang ikinagulat nila.

Anong nangyari sa iyo, bakit ang puti ng labi mo" pagtatanong ng tatay ko.

Hindi ako makasagot sa kanila dahil ramdam ko parin ang takot.

Tumingin ako sa braso ko at wala akong makitang dugo mula dito.

Mukhang binangongot ata ang anak natin" sambit ng nanay ko.

Magdasal kase kayo kapag matutulog" sambit ng tatay ko.

Pinainom nila ako ng tubig at saka ko isiniksik ang sarili ko sa kanila.

~~

Note: Ang nangyari daw sa akin ay bangungot daw ayon sa lola ko, nabangungot ako dahil sa sobrang pagkapatay gutom ko.paano ba naman kase inubos ko lahat ng kanin sa kaldero namin.

Votes and comments po :)

Thank you :)

Lab you all

-JAY

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon