The Story Behind His Deaths

4.7K 253 26
                                    

( Related ang storyang ito, sa Pugot ulo sa precious chapter. Kung nanood man kayo ng magpakailan man. Kung nakita niyo man yung lalaking walang ulo. Parehas sila ng tita ko ng ikinamatay. Kaso lang yung anino ng tita ko, ang walang ulo at hindi mismo ang katawan nito. Paano nangyari? Read this chapter while playing a music title " Who am I". This chapter is not a horror. I want to share with you what happens to my anti. Play the music when you are in the middle of the story. I hope you like it. )

Nong bata ako, wala akong iniintindi sa mundo. Puro na lang paglalaro ang ginagawa ko. Akala ko nga dati walang taong namamatay. Akala ko forever tayong nabubuhay sa mundo. Sabi ko sa sarili ko. Grabe ang talino ni papa god. Akalain mo yun nagkasya lahat ng tao sa isang lugar lang. Manghang mangha ako sa mga nilikha ng panginoon. Mula sa magagandang bulaklak mga hayop at iba pa.

Pero lahat ng iyan ay nagbago ng mamatay ang tita ko. Akala ko walang taong namamatay at forever tayong nabubuhay. pero mali pala ako. Lahat ng nilikha ng diyos ay may hangganan. dito ko lang napatunayan na wala talagang forever. Ang sabi ni father. Ang buhay ng isang tao ay parang kandila. Kung sinong unang maubos siya ang una ring mamamatay.

Hindi ito masyadong nakakatakot kaya ko itong kwenikwento sa inyo para malaman niyo na ang mga engkanto ay nag-eexist dito sa mundo. Hindi man nating sila nakikita, pero tayo kitang kita nila. ang bawat ginagawa natin sa pang araw-araw nating pamumuhay.

( Ang pangalan na nakasaad dito ay hindi nila totoong pangalan. )

Ito ay kwento ng aking tita na si tita Jane May Beltran. Siya ang panganay na anak ng aking lolo at lola. Ang napaka-bait at ubod ng sipag na ate ng aking ina.

Siya rin ang nag-alaga samin ng mga kapatid ko ng kami ay musmos pa lamang.

Mapagmahal ito sa kanyang mga kapatid at huwarang anak. Kaya naman nong mamatay si tita jane. Labis ang aming hinagpis. Anim na taong gulang palang ako ng mamatay ito pero sariwa parin sa aking alaala ang bawat pangyayari sa buhay nito.

Saan ba nagsimula ang lahat ng ito? Paano siya namatay?

Nagsimula ang lahat ng ito ng pumunta ang aking lola sa bukid ng mga alas dose ng hapon. Pumunta ito sa bukid para tignan at kumuha ng kamatis na siyang uulamin nila.

Tahimik ang buong paligid at tanging simoy lang ng hangin ang iyong maririnig. Malamig ang simoy ng hangin kahit na tirik na tirik ang araw. Napapaligiran kasi ng puno ng mangga at ibat ibang puno ang pinagtaniman nila ng kamatis.

Tahimik na kumukuha ng kamatis ang aking lola habang kumakanta pa ito ng mga medley na kanta.

Habang ito ay namimitas ng kamatis. Tila natigilan ito ng makakita ito ng maliwanag na bagay na di kalayuan sa kinaroroonan nila. Dahil sa curious ang lola ko kung ano ang kumikinang na bagay na iyon. Agad itong naglakad papunta sa kinaroroonan ng bagay na sinasabi nilang kumikinang.

Pagdating nila sa dulo ng taniman ng kamatis. Agad na napatakip ng mata ang aking lola dahil tumatama ang sinag ng araw mula sa kinaroroonan nito.

Iminulat ng aking lola ang kanyang mga mata saka ito napatingin sa bagay na nasa ibaba.

Nagulat ang lola ko at hindi ito makapaniwala sa kanyang nakikita sa harapan nito. Sinampal nito ang kanyang mukha para makasigurado ito na hindi siya nanaginip o di lang guni-guni ang nakikita nito.

Lumapit siya sa bagay na kanina pa kumikinang saka ito umupo para kunin ito.

Namangha ang lola ko dahil sa gintong hawak nito. Kakaiba ang gintong hawak niya sa lahat ng gintong nakikita niya sa t.v. o kahit saan. May dyamante daw ito sa loob ng ginto na hugis puso. Tuwang tuwa ang lola ko dahil sa nakita nito. Iniisip nito na ang gintong hawak nila. Ang susi para maka-ahon sila sa kahirapan.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon