Anino

8.6K 204 11
                                    

Nangyari ang kababalaghang ito sa aking tito. Four years na ang nakakalipas at nangyari ito sa loob ng kwarto ko.

Opo sa loob mismo ng kwarto ko.

Alas singko ng hapon ng dumating ang tito ko mula sa kanyang trabaho, at dahil sa pagod na pagod ito imbes na sa kwarto niya dediretso sa kwarto ko muna siya pumunta hindi para matulog kundi para manood ng basketball.

Presko kase sa kwarto ko bukod sa napapaligiran ito ng puno ng mangga at santol, meron pa itong maliit na bintana kung saan pwedi kang magpahinga.

Doon pumuwesto ang tito dahil malakas ang hangin na nagmumula sa labas. After niyang umupo sa bintana saka niya binuksan ang t.v . kung saan saktong ang palabas ay horror, kaya naman muntik na itong mahulog mula sa pagkakaupo niya..

Matatakotin kase itong tao kaya hindi siya nanonood ng mga horror movies dahil hindi ito makatulog sa gabi.

Nilipat agad ng tito ko ang channel kung saan ang palabas ay basketball.

Habang abala ang tito ko sa kakanood nasa baba naman ang tita ko kung saan abala sa paglalaba.

Dalawa lang sila sa loob ng bahay dahil nagtitinda sila nanay at tatay samantalang kami naman magkakapatid ay nagcocomputer.

Six thirty pm ng patayin ng tito ko ang t.v. dahil medyo inaantok na ito.

Pagkapatay na pagkapatay ng tito ko sa t.v. ay agad siyang bumaba ng bintana kong saan naroon din ang isang napakalaking salamin.

Magkatapat ang napalaking bintana sa napalaking salamin, kaya naman habang naka-upo ka makikita mo ang mukha mo dito.

Hindi alam ng tito ko kung bakit bigla na lang siyang napatingin sa salamin. Lumapit ito mula dito sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kamay nito.

Habang abala ang tito ko sa pagsusuklay at paglalagay ng polbo ay bigla na lang niyang napansin na may itim na anino mula sa likod nito.

Hindi na pinansin ng tito ko dahil baka ito yung anino nito kaya naman nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa, at ng malapit ng matapos ang tito ko sa kanyang ginagawa ay bigla na lang itong kinilabutan at pagtingin niya sa salamin ay agad siyang nagulat ng makita niyang may malaking anino sa likod nito.

Hindi lang ito simpleng anino ng tao dahil napakalaki nito, at may mga pula itong mata.

Hindi makagalaw ang tito ko dahil sa nakita nito nanginginig ang buo nitong katawan at namumula ang mga mata nito.

After 2 to 6 minutes na pagkakashock ay agad na napagalaw ang tito ko dahil parang lumalapit sa kanya ang nasabing malaking anino.

Tumakbo ang tito ko at hindi niya dinama ang pilay niya sa kanyang mga bingti at saka siya bumababa ng hagdanan na may malalaking hakbang.

Pagkababa nito ay agad siyang pumunta sa tita ko kung saan nasa harap ito ng C.R. at namamaga ang mga labi nito.

Anong nangyari sayo? Bakit ka namumula? Tanong ng tita ko sa Tito

Hindi makapagsalita ang Tito ko kaya naman kumuha muna ng tubig ang tita ko saka niya ito pinainom sa Tito ko na hindi makapagsalita at titig na titig ito sa kanya.

Ano ba, magsalita ka naman anong nangyari sayo? Anong nakita mo?

A-ate m-may n-nakita a-akong m-multo sa t-taas" Hinihingal at utal na utal na pagsasalita ng tito ko.

Hindi nakakibo ang tita ko at agad na napatingin sa C.R na nakabukas habang nakasara na yung tubig na kanina pa nakabukas.

Noted: Ang nakita daw ng tito ko ay ang napakalaking anino kung saan ito raw ang bantay sa kwarto ko.

Author Noted: Next Chapter ay kwento ng tita ko dito niyo malalaman kong bakit namamaga ang mga labi nito.

-Jay

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon