Ang chapter na ito ay kwento lamang ng tatay ko 2 years ago ang nakakalipas.
Hindi ko alam kong matatakot ba kayo dito or matatawa.
Pero sana pareho ang maramdaman niyo tulad ng naramdaman ko sa tuwing kini-kwento ito ng tatay at nanay ko.
Alas tres ng madaling araw na, umuuwi ang mga magulang ko galing sa divisoria.
oo, alas tres po ng madaling araw sila umuuwi tuwing mamimili sila ng prutas at gulay sa divisoria.
At dahil sa alas tres na ng gabi halos wala ng tao sa baranggay namin kaya naman nag-mistulang sementeryo ang bawat lugar na dadaanan nila dahil sa sobrang tahimik dito.
Pagkarating nila ng bahay kasama ang tito ko. Hindi muna sila humakyat sa taas dahil sa sobrang pagod nilang mamili sa divisoria, plus yung pagod nila sa pagkarga sa bawat prutas at gulay na kanilang pinamimili.
Asawa, penge ako ng bente pesos bibili ako ng kape" sambit ng tatay ko.
Bakit kapa bibili ng kape, wag mong sabihin na di kana matutulog. baka hindi ka makapag-tinda niyan bukas" sambit ng nanay ko.
Hindi na ako matutulog, mag-aalas kwatro na ng madaling araw. Hintayin ko na lang mag-umaga" sambit ng tatay ko.
Buti kuya hindi ka natatakot mag-isa dito sa baba. Alam mo naman na hanggang ngayon may nagpaparamdam parin dito" medyo natatakot na tanong ng tito ko.
Bakit naman ako matatakot, ang sabihin mo baka sila ang matakot sa akin. at isa pa wag kayong matakot dahil bahay natin ito at saka hindi ako naniniwala sa multo. I-sus ginoo sa tagal ko ng nabubuhay sa mundo kahit isang multo wala akong nakita. Try lang nilang magpakita sa akin ng masubukan nila ang bagsik ko" pagmamayabang ng tatay ko.
I-sus nagmamayabang nanaman ang asawa ko. Kapag sila nagpakita sayo wag kang tatakbo sa itaas para gisingin kami, oh sige matutulog na kami ikaw na ang bahalang mag-ayos ng prutas . at saka pagkatapos mong uminom ng kape patayin muna itong ilaw sa baba" sambit ng nanay ko sabay abot ng bente pesos kay tatay.
Pagkatapos nilang magpahinga ay humakyat na sila sa taas para matulog saglit para kahit papaano ay hindi sila aantokin sa pagtitinda. maliban sa tatay ko na nakaupo sa mesa habang umiinom ng kape.
Saktong alas kwatro ng umaga ng humakyat sa taas ang tatay ko para kumuha ng damit at short para maligo na ito.
Alas sais kase sila pumupunta ng palengke para iayos lahat ng kanilang paninda kaya naman 4:30 na natapos ang tatay ko sa kanyang pagligo.
Pagkalabas na pagkalabas ng tatay ko sa C.R ay agad siyang pumunta ng kusina para patayin ang ilaw.
Kaso lang, ng malapit na siya sa kusina ay agad siyang napatigil ng makita niya sa bintana na may nakahigang babae sa stretch chair kung saan siya humiga kanina.
Nakasuot ito ng puting damit habang nakalaylay ang buhok nito na sobrang haba na umabot hanggang lupa.
Nagtataka naman ang tatay ko dahil wala pa namang gising sa amin at sa kapit bahay namin. At isa pang pinagtataka nito nakasuot ito ng malaking damit at kulay puti pa ito. habang natatakpan ang mukha nito ng kanyang buhok.
Tinawag ng tatay ko ang babae ngunit di ito sumasagot.
Nanatili parin itong nakahiga na parang wala itong naririnig.
Lumapit ang tatay ko sa bintana at saka niya ito tinawag ulit. At halos hindi makahinga at muntik ng mahimatay ang tatay ko ng lumingon ang babae.
Nakangiti ito sa kanya habang inuuod ang mukha nito kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ng tatay ko.
Hindi makagalaw ang tatay ko sa sobrang takot nito.
Umalis ang babae sa stretch chair at bigla itong naglaho na parang bula. na siyang ikinagulat naman ng tatay ko.
Wala pang isang segundo ng maramdaman ng tatay ko na may tao sa likod nito.
Paglingon niya ay agad siyang napasigaw at halos higitan niya si flash sa sobrang bilis ng pagtakbo nito.
nasa likod niya na daw kase ang babaeng nakita niya kaninang nakaupo sa stretch chair at hindi lang ito nag-iisa. nakakita kase ito ng lalaking walang ulo at matandang walang mukha.
Sa pagtakbo ng tatay ko ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan dahil sa sobrang takot nito.
Pumunta siya sa kwarto nila nanay at saka niya ito ginising.
A-asawa, b-bumangon k-ka m-may multo sa baba" nangangatal sa sambit ng tatay ko.
Multo, akala ko ba walang multo. Ano kaba asawa mag-aala sais na ng umaga kaya wala ng magpapakita sayo ng ganitong oras" sambit ni nanay habang hinihikab ito dahil kulang pa ang tulog nito.
M-mukha ba akong nagbibiro, tatakbo ba ako dito sa itaas at gigisingin pa kita kung wala" sambit ni tatay.
Ayan kase masyado kang mayabang, nagpakita tuloy sila sayo"sambit ng nanay ko.
Bumaba silang dalawa kasama ang tito ko at halos magtulakan sila kung sino nga ba ang mauuna.
Pagbaba nila sa kusina wala silang nakitang kahit anong tao at pagtingin nila sa stretch chair nakasara na ito habang maayos na nakasandal sa pader.
Agad naman silang nagtakbuhan sa itaas dahil sa nakita nila.
Note: Ang nagparamdam sa tatay ko ay isang white lady na siya rin ang nagparamdam sa panaginip ko.
-Jay
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY ( Kilabot )
HorrorWarning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basahin niyo muna hanggang dulo. Kapag pangit parin hanggang dulo. Then free po ang manlait. Tatanggapin ko kasi totoo.