Ang tawag

3.9K 198 12
                                    

May ibat-ibang klase ng tawag.

Ang tawag ng iyong magulang para ikaw ay utusan.

Ang tawag sa cellphone ng mga taong may gustong sabihin sayo.

Ang tawag ng mga taong nasa paligid mo kapag sila ay may kailangan.

O di kaya ay ang tawag ni kamatayan patungo sa iyong libingan.

Alin kaya sa tawag na iyan ang gusto mong marinig. Alin sa mga tawag na iyan ang gusto mong sagutin ng " BAKIT".

Ito po ay kwento sakin ng kaibigan ko na si jhoanna.

" Nak, dito ka muna. Hahanapin ko lang ang kapatid mo para may magbantay sayo. Bibili narin ako ng gamot mo para sayo. Wag kang tatayo, baka mabinat ka" payo ng nanay nito.

Tumango lang si jhoanna sa kanyang ina dahil sa nahihirapan itong magsalita. Nilalagnat kasi ito at saka inuubo kaya naman nahihirapan itong magsalita.

Bago umalis ang kanyang ina. Naglagay muna ito ng itak at saka bigas sa higaan ni jhoanna. Kailangan kasi iyon para hindi siya malapitan ng mga masasamang espirito o di kaya ang mga bantay.

Nakahiga lang si jhoanna habang nagdadasal ito na sana ay gumaling na siya.

After 30 minutes.

Nakakarinig ito ng ingay mula sa kusina nila. Nagkakalampangan ang kanilang kaldero at pinggan.

Nakakarinig din ito ng hakbang na tila papalapit sa kanya.

Iniisip ni jhoanna na nandito na ang kanyang ina at ang kapatid nito.

Huminga ng malalim si jhoanna, dahil nahihirapan daw itong huminga. Tila may katawan na nakadagan sa kanya. Malalalim na pag-hinga ang ginawa nito dahil hindi talaga siya maka-hinga ng normal. Feeling nito pati ang kanyang ilong ay tinatakpan ng kong sino.

Napahawak si jhoanna sa kanyang dibdib dahil parang dinudukot ang puso nito.

Gustuhin man niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil nanghihina ang katawan nito.

Gustuhin man niyang sumigaw pero kahit anong gawin niya hindi siya makasigaw na parang may tumatakip sa bibig nito.

Lumuluhang napatingin si jhoanna sa kisame ng kanilang bahay.

Dumukot ito ng bigas saka niya hinawakan ng mahigpit. Hinahanap ng isa niyang kamay ang itak para hawakan ito. Ngunit di niya makita kung saan nakalagay ang itak.

Tumingin si jhoanna sa kanyang paanan. Nagulat ito ng makakita siya ng isang lalaking nakatayo mula sa paanan nito. Ang sabi niya nakasuot daw ito ng barong. Ngunit malabo naman ang kanyang mukha. Habang nakatayo ang lalaki sa paanan nito, naka-angat naman ang kamay nito. na tila sinusundo o gusto nitong sumama si jhoanna sa kanya. Nanginginig ang bawat katawan ni jhoanna dahil sa sobrang takot nito. Umiiyak ito habang nakahiga.

" Jhoanna" boses na kanyang ina ang siyang tumawag sa pangalan niya.

Lumakas ang kanyang loob, ng marinig niyang bumukas ang pinto at narinig nito ang boses ng kanyang ina.

Nawala ang lalaking nakatayo sa paanan niya at nagkaroon siya ng lakas para makatayo.

" Jhoanna" rinig niyang tawag ulit ng kanyang ina.

Sasagot na sana si jhoanna ng sumagi sa isip nito ang sinabi ng kanyang ina. Kapag may taong tumawag sa pangalan niya. Wag muna siyang sasagot agad. Hintayin siyang tawagin ng tatlong beses bago siya sumagot.

Hindi muna sumagot si jhoanna at hinintay nito na muli siyang tawagin ng kanyang ina. Ilang minuto na siyang naghihintay na tawagin siyang muli ngunit wala parin itong naririnig.

Kahit na nahihirapan na tumayo si jhoanna pinilit niyang tumayo para pumunta ng kusina.

Pagdating niya ng kusina agad itong napa-upo sa upuan dahil nanghihina na ang kanyang mga tuhod.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kanilang kusina. Wala ni bakas na may pumasok sa bahay nila. Kahit na ang mga kaldero at pinggan na kanina ay naglalampangan, ay maayos na nakalagay sa kanilang lagayan. Nang maka-ipon ito ng lakas pumunta siya ng pintuan para lumabas.

Bubuksan na sana niya ang pintuan ng malaman nitong ni-lock ng kanyang ina ang pintuan.

Dito na pumasok sa isip niya na ang ingay at ang boses ng kanyang ina ay kagagawan lang ng bantay. Buti na lang, hindi siya sumagot ng tawagin ang kanyang pangalan sa una at pangalawang beses.

Sa labas na lang hinintay ni jhoanna ang kanyang ina. Dahil natatakot itong pumasok ulit sa kanilang bahay. Pagdating naman ng kanyang ina agad niya itong niyakap habang umiiyak.
~~

Madalas mangyari sa amin ang nangyari kay jhoanna. Sa mga taong may sakit at mahihina ang loob madalas sila magpakita at magparamdam. Sabi ng nanay ni jhoanna buti na lang di siya sumagot ng tawagin siya ng bantay. Dahil kapag sumagot ka raw sa tawag nila ibigsabihin non. Parang gusto mong sumama sa kanila papuntang libingan.

Votes and comments

Alam kong di ito nakakatakot. Gusto ko lang ishare sa inyo ang karanasan ng kaibigan ko.

Thank you sa mga readers ko na walang sawang nagboboto.

Sa mga silent readers, mag-ingay naman kayo. :)

Ang bansot na author.

Jayzkie022

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon