Pare, tagay tayo

3.6K 167 10
                                    

Ito po ay kwento sakin ng tito ko sa side ng aking nanay.

Biyernes- 6:00 p.m

Niyaya ni tito paul ang aking ninong na si ninong vincent para sila ay mag-inuman.

" kuya, tara shot tayo. Sakto malamig ang panahon ngayon" paanyaya ni tito ko paul kay ninong ko vincent.

" Tara, para makatulog ako ng maaga" sabi naman ni ninong ko vincent saka niya binitawan ang kalapati na kanina pa niya hinihimas.

Bumili silang dalawa ng limang red horse samantalang dalawa lang silang iinom.

6:40 p.m

" Alam mo ba vincent, kapag ako nagkaroon ng maraming pera. Magpapatayo ako ng mansion dito sa ating baryo. Hindi na kami makikitira kila nanay. Bubukod na kami ng ate mo" sabi ni ninong vincent saka ito uminom ng alak.

" Alam mo kuya, ayos lang naman kahit doon na kayo tumira. Mas masaya nga kapag marami tayo sa bahay" sabi naman ni tito paul saka ito uminom ng alak.

" Ayoko namang habang buhay, kela nanay kami titira. Gusto ko namang magkaroon kami ng sariling bahay" sabi naman ni ninong ko vincent.

" Kung gusto niyong gumawa ng bahay. Ayos lang kahit yung simple. Basta't sama sama kayong titira sa bahay na ipapatayo niyo" sabi naman ni tito ko paul.

" kapag naka-ipon kami ng ate mo. Papagawa ako ng bahay kahit na kubo lang. Saka na iyong mansion kapag nanalo na ako sa lotto" sagot naman ni ninong ko vincent.

" Oo kuya saka na yung mansion kapag may magandang trabaho na ang mga pamangkin ko" sabi naman ni tito ko paul.

7:00 pm

Umulan ang mga araw na iyon kaya lumipat sila ng pwesto. Pumunta sila sa bahay ng aking tito lito para doon nila ituloy ang kanilang inuman. Medyo madilim ang bahay dahil wala naman itong ilaw. Matagal na kasing walang tumitira sa bahay. Nasa manila kasi sila tito lito kaya walang nakatira sa bahay.

Ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag nila.

Nag-uusap lang ang dalawa tungkol sa mga nangyari sa kanilang buhay. Lasing na lasing na ang dalawa dahil apat na bote na ng red horse ang kanilang na-inom.

" shaglit lang kuya, naiihi na ako" sabi ni tito ko paul saka ito tumayo.

Pasuray suray itong tumayo sa kanyang upuan saka ito pumunta sa likod ng bahay para umihi.

Pagbalik ni tito ko paul. Nagtatakang nakatingin ito sa aking ninong na nagsasalita ito mag-isa.

Umupo ito sa kanyang upuan.

" Kuya, sinong kausap mo" pagtatanong ni tito ko paul.

" Ahh, iyan kasing katabi mo paul. Kanina ko pa inaabot itong baso na may lamang alak. Ayaw naman niyang kunin. Hindi bayan umiinom" sabi ni ninong ko vincent saka siya uminom ng alak.

Napatingin si tito ko paul sa kanyang tabi pero wala naman itong katabi. Tumingin siya sa paligid pero wala namang tao.

Napapikit ng mariin si tito ko paul dahil inaantok na ito saka nahihilo.

" Kuya, lasing na tayo. tama na yan. nahihilo na ako" sabi ni tito ko vincent.

" Lashing kana, ang hina mo naman paul. Kung nahihilo kana, matulog kana. Kami na lang ang uubos nitong tira ng katabi mo" sagot naman ni ninong ko vincent saka ito nagsalin ng alak sa baso.

Pumikit ng mariin si tito ko paul saka ito tumingin sa kanyang tabi. Ngunit tulad kanina. Wala itong nakikitang tao sa tabi niya. Iniisip na lang nito na lasing na ang kanyang kuya kaya kung ano ano na lang ang kanyang sinasabi at nakikita.

" Kuya, sino ba yung tinutukoy mong katabi ko?" Tanong ni tito ko paul saka ito tumingin sa paligid.

" Ayan oh, hindi mo ba siya nakikita. Ako nga kahit madilim nakikita ko siya." Sagot ni ninong ko vincent saka niya tinuro ang sinasabi niyang katabi ni tito ko paul.

Tinignan naman ni tito ko paul ang isang upuan pero wala namang naka-upo.

" tara na kuya, lasing na tayo. Wala naman akong nakikitang katabi ko. Dalawa tayong nandito kuya, kaya naman imposibleng may katabi ako" sabi naman ni tito ko paul.

Natigilan sa pagsasalin ng alak si ninong ko vincent saka ito napatingin kay tito ko paul.

" Sigurado ka ba riyan" pagtatanong ni ninong ko vincent na tila nahimasmasan ito.

" Oo kuya, wala naman akong nakikita sa paligid. Tayong dalawa lang kaya ang nandito" sagot naman ni tito ko paul.

" Kung g-ganon s-sino iyang nasa likod mo" nauutal na sabi ni ninong ko vincent.

Nagulat si tito ko paul dahil sa sinabi ni ninong ko vincent.

Dahan dahan itong tumingin sa kanyang likod.

Ganon na lang ang gulat niya ng makakita siya ng isang matandang lalaki na nakatayo mula sa likod niya.

Napasigaw at saka tumakbo si tito ko paul dahil sa nakita nito. Kahit na si ninong ko vincent ay napatakbo at nawala ang kalasingan nito dahil sa nakita niya.

~~

Votes and comments po.

Dalawang chapter na lang ang mai-update ko at matatapos na po ito.

5 votes naman po riyan. Thank you po. Sana supportahan niyo ang susunod na story ko.

Sana ay nagustuhan niyo ang chapter na ito.

Wait for my updates.

Nagmamahal ( Nagmamahal na po ang bigas )

JAY

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon