Applicant #13: Araw at Buwan

221 6 3
                                    

APPLICANT #13: ARAW AT BUWAN


Nakatayo ako ngayon dito sa tabing dagat, ang madalas naming tagpuan.

Ilang oras na rin ang nakalipas simula nang mapagpasyahan kong lumayas sa palasyo namin. Medyo naging mahirap ang pagtakas na ginawa ko pero alang-alalang sa lalakeng pinakamamahal ko, handa kong gawin ang lahat.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pamilyar na kaluskos mula sa likuran ko.

Hindi ko na kailangan pang lumingon o manghula kung kanino galing ang ingay na iyon, dahil sigurado ako na siya iyon.

"Kanina ka pa ba?" malambing na tanong niya sa may tenga ko na siyang nagpatinding ng mga balihibo ko.

Ramdam ko ang bigat at init ng paghinga niya na tumatagos sa kaibuturan ng buto ko.

Unti-unti, hinawi niya ang mahaba kong buhok. Bawat dampi ng mga daliri niya sa batok ko, katumbas ng sanlaksapang kuryente sa buong katawan ko. Lubos iyong nakakapaso, pero masarap ang init na hatid noon.

Gamit ang kanyang bibig, niluslos niya pababa ang lahat ng kasuotan ko. Noong hindi na ako nakatiis, hinarap ko siya upang salubungin ng mainit na halik ang mga labi niya.

Dahan-dahan niyang pinagapang ang mga daliri niya sa dibdib ko, pababa sa perlas na aking pinakaiingatan. Bawat haplos niya ay nakakakiliti, nakakahumaling, nakakabaliw.

"Ugh..." Impit na ungol ko dahil sa nakakabaliw na sensasyong ibinibigay niya sa akin.

Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko habang pinaglalaruan ng dila niya ang perlas ko. Nakaluhod siya habang ang dalawang paa ko ay nakapatong sa balikat niya.

Hindi ko na naiwasang mapasigaw noong marakaramdam ako nang panginginig, kasabay ng paglabas nang katas sa aking perlas. Para siyang uhaw na uhaw na sanggol habang sinisipsip ang katas ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" seryosong tanong niya habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko.

Isang banayad na ngiti ang itinugon ko sa kanya, bago ko siya biglang itinulak pahiga.

Pinangibabawan ko siya at ako na ang nag-alis ng lahat nang saplot niya. Sinimulan kong halikan ang labi niya, pababa ng pababa, pero bigla niya akong pinigalan noong akmang itutusok ko na ang espada niya sa perlas ko.

"Pwede mo itong ikamatay," paalala niya sa akin.

Sandali akong natahimik sa mga sinabi niya.

"Kapag hindi natin ito ginawa, ikaw ang mamamatay at alam mong hindi ko kakayanin iyon," lumuluhang sabi ko.

"Mas hindi ko kakayanin kapag ikaw ang namatay," sabi niya sa basag na tinig.

Napasalpak ako sa isang tabi at tahimik na umiyak.

Napakadaya kasi ng mundong ginagalawan namin. Nagmamahalan lang naman kami, pero bakit ang daming gustong tumutol?

Ako si Araw, ang prinsesa ng Umaga. Siya naman si Buwan, ang prinsepe ng Gabi.

Lubos na ipanagbabawal ang kahit na anong ugnayan sa pagitan ng mga kaharian namin.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang pinagtagpo ang landas naming dalawa. Sa unang pagtingin ay nahulog agad ang loob namin sa isa't isa.

Itinago namin sa lahat ang aming relasyon pero gaya nga ng kasabihan, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Nalaman ng mga magulang namin ang relasyon namin at sa sobrang galit nila, binigyan nila kami ng isang sumpa.

Kailangang makipagtalik si Buwan bago muling lumiwanag kinabukasan dahil kung hindi, buhay niya ang magiging kapalit.

Pinakiusapan ko siyang, pakasalan na ang babaeng nirereto sa kanya ng mga magulang niya. Pero ang sabi niya, mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ang ipagpalit ako sa iba.

Kagaya niya, isang sumpa rin ang ipinataw sa akin. Buhay ko ang magiging kapalit kapag nakipagtalik ako sa kahit na sinong nagmula sa kaharian nang Gabi.

"Tahan na. Pangako kahit nasa kabilang buhay na ako, ikaw pa rin ang iibigin ko," pag-aalo niya sa akin habang niyayakap ako ng mahigpit.

Pareho kaming walang saplot, kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Rinig na rinig ko rin ang malakas na tibok ng dibdib niya.

Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko pababa sa aking mga labi, habang pumapatak ang kanyang mga luha.

"Pakiusap, ituloy natin ito. Makipagtalik ka sa akin," humihingal na sabi ko sa pagitan ng paghahalikan namin.

"Pero---"

"Mahal mo ako 'di ba?"

Sunod-sunod na tango ang isinagot niya sa akin.

"Pwes, sundin mo ang gusto ko," buo ang loob na sabi ko.

Itinulak ko siya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Nagniig ang katawan namin at hindi ko na mabilang kung ilang beses namin iyon inulit-ulit. Isa lang ang nasisiguro ko, masaya at masarap.

Kung mamamatay man ako ngayon, wala akong pagsisisihan, kasi mamamatay ako kasama ang lalakeng pinakamamahal ko. Mamamatay ako na naranasan ang sarap sa piling niya.

Nagsisimula ng kumalat ang liwanag, kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa nalalapit kong kamatayan.

"Araw, pakatandaan mo kahit na anong mangyari ikaw at tanging ikaw lang ang babaeng mahal ko, minamahal ko, at patuloy na mamahalin ko saan man ako magpunta," lumuluhang bulong niya sa akin habang unti-unti naglalaho ang bawat parte ng katawan niya.

"T--teka, anong nangyayari? Bakit ikaw ang naglalaho? Hindi ba't ako ang dapat na mamatay?" nalilito habang umiiyak na tanong ko.

"Patawad dahil nagsinungaling kami sa'yo. Hindi totoo ang sumpang ipinataw sa atin, sinabi lang nila iyon upang paghiwalayin tayo. Kagabi bago ka makipagkita sa akin, nakiusap ako sa mga magulang natin na hayaan nila tayong magsama kahit isang gabi lang, pero kapalit noon ay ang sarili kong buhay."

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" umiiyak na tanong ko habang pilit ko siyang niyayakap pero tumagos lang ang kamay ko sa katawan niya.

"Dahil gusto ko, ikaw lang ang tanging babaeng kapiling ko bago ako mawala sa mundong ito," pilit ang ngiting sabi niya bago siya tuluyang naglaho.

Napahagulhol ako ng malakas dahil sa nasaksihan ko. Akala ko dati masakit na kapag namatayan ka ng mahal sa buhay, pero mas masakit pala kapag ikaw ang dahilan nang pagkamatay nila. Sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung kakyanin ko pa bang mabuhay.

"Pangako Buwan, susunod agad ako sa'yo..." turan ko sa isip ko habang nilalandas ang malalim na dagat.

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon