APPLICANT #31: THE GREAT PRINCESS
"Ba't nandito ka pa sa labas, Yana?" Narinig kong sabi ni Harold.
"Nagpapahangin lang ako Harold."
Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin.
"Napakaganda mo pa rin, Prinsesa Alyanna." Sabi nito.
"Hindi ka pa rin nagbabago Prinsipe Harold, magaling ka pa ring mambola." Naiiling na sambit ko.
"Hindi kita binobola. Totoong maganda ka. Kung nakikita mo lang sana." Sabi pa nito.
Humarap ako sa kaniya at pinikit ang aking mga mata saka dahan-dahang hinawakan ang kaniyang mukha.
"At ang gwapo mo pa rin Harold. Mula noong mga bata pa lamang tayo hanggang ngayon, walang pinagbago." Nakangiting sabi ko saka nagdilat ulit ng mga mata. "Hali ka na. Pumasok na tayo, lumalamig na lalo ang gabi." Dagdag ko pa saka tumayo.
Naramdaman ko namang hinawakan niya ako sa braso at inalalayan.
"Ihahatid muna kita sa iyong silid." Sabi nito.
"Kaya ko namang pumunta roon Harold. Bulag lamang ako ngunit hindi ako paralisado."
"Alam ko 'yon ngunit hayaan mo 'kong alalayan kita, aking Prinsesa." Sinserong sagot nito.
Ngumiti na lamang ako at hinayaan siyang alayan ako.
Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang mabulag ako. World War Z noon. Kabutihan laban sa kasamaan. Isang Black Wizard ang aking nakalaban. Napatay ko siya sa pamamagitan ng espada ko ngunit sinabuyan niya ako ng lason sa mata bago siya malagutan ng hininga. Lason na kailanman ay walang gamot. Natapos ang digmaan na ang kabutihan pa rin ang nanalo.
Biglang huminto si Harold kaya huminto rin ako. Marahil ay nasa harap na kami ng aking silid. Naramdaman kong binuksan niya 'yong pinto.
"Pasok ka na Yana. Aalis na rin ako." Paalam nito.
Nagpaalam na rin ako sa kaniya saka ako pumasok sa aking silid.
Kinabukasan ay ginising ako ng isa sa tagapagsilbi ng kaharian. Sinabi niyang may pagpupulong na magaganap at kailangan kong dumalo. Nagmadali akong maligo at nag-ayos saka ako pumunta sa meeting room. Halos kabisado ko na ang kaharian kaya hindi ako naliligaw kahit walang umaalalay sa akin. Ayoko rin ng gano'n, mas mukhang nagiging kawawa ako kapag inaalalayan ako.
Nang nasa loob na ako ng meeting room ay agad sinimulan ang pagppupulong. Naroon ang Hari at Reyna- na aking mga magulang, ang Hari at Reyna ng Bianoa- ang bayan ng mga Light Wizards, si Prinsipe Harold at ang kaniyang nakakatandang babaeng kapatid na si Prinsesa Luna at ang mga Elites- mga matatandang naging Councils.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Hindi pwedeng maging Reyna si Prinsesa Alyanna dahil sa kalagayan niya kaya napagdesisyunan naming mga Elites na maghanap ng magiging bagong kapalit ng Prinsesa."
Nagulat ang lahat dahil sa sinabi nito. Hindi pwede iyon!
"Hindi pwede! Wala ba kayong tiwala sa anak namin?!" Galit na sabi ni ina.
Walang sumagot na mga Elites. Napailing ako. Hindi nila puwedeng kunin sa akin ang pagiging susunod na Reyna. Tumayo ako at hinarap sila.
"Bigyan niyo ako ng pagkakataon para patunayan ang aking sarili sa inyo!" May hinanakit na sabi ko saka lumabas ng silid.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw ang isa sa tagapagsilbi ng kaharian.
"Sumasalakay ang Black Wizards!" Sigaw nito kaya nagsilabasan ang mga tao sa loob ng meeting room.
"Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ng aking ama.
"Sumasalakay po ang Black Wizard at pinamumunuan ito ng kanilang Hari! Nagsisimula sila ng World War Z ll !" Sagot ng isa sa hukbo na punong-puno ng mga armas.
Agad na nagpatawag ang aking ama ng mga dragons, fairies at wizards. Mabilis namang dumating ang mga ito at sinimulan ang labanan.
Kasama ko si ina at ama sa loob ng kaharian. Wala kaming ginawa kung hindi mag-utos ng mag-utos lamang.
"Kailangan kong tumulong ama." Sabi ko sa Hari.
"Hindi puwede anak. Mapapahamak ka roon." Sabi nito.
"Wala ba kayong tiwala sa akin?" Naiiyak na tanong ko.
"Meron anak ngu-.." Sagot ni ina.
"Magtiwala kayo sa akin, magtatagumpay tayo." Putol ko saka tumalikod sa kanila.
"Anak saan ka pupunta?!" Sigaw ni ama pero hindi ko iyon pinansin.
Lumabas ako sa kaharian at pinakiramdaman ang pinakamalakas na itim na enerhiya. Napakunot noo ako at lumingon sa aking likod.
"Ang lakas ng pakiramdam ng magiging susunod na Reyna ah? Alam kong isa 'yon sa kakayahan mo bilang isang Prinsesa. Narinig kong sabi ng Dark King.
Pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw nito. Narinig ko pa ang sigaw sa akin ni Harold na pumasok ulit ako sa kaharian pero hindi ko 'yon sinunod.
"Tigilan mo na 'to, hindi rin naman kayo mananalo."
Naramdaman kong mas lumakas ang enerhiya na nagmumula sa kaniya, marahil ay galit na ito pero hindi ako nagpadala sa takot.
"Malakas ang pandama mo Prinsesa. Makakatulong 'yan sa paglakas ng aming hukbo. Sumanib ka sa amin at gagawin kitang Reyna ng walang pag-aalinlangan." Sabi nito.
"Hindi ko gagawin 'yon!"
"Pwes, mamamatay ka!" Galit na sigaw nito.
Iniwas-iwas ko lang ang aking sarili sa kaniyang espada gamit ang akin at nang mapansin kong medyo pagod na siya ay ako naman ang lumaban. May mga sugat na kaming dalawa sa katawan. Napakunot noo ako nang maramdaman ko na biglang nawala ang kaniyang presensya. Pinakiramdaman ko ulit ang paligid at nang mapagtanto ko kung nasaan siya ay mabilis akong lumingon dito ngunit naging mas mabilis siya. Sinipa niya ang kamay ko kaya bigla kong nabitawan ang aking espada saka niya ako hinila at pinulupot ang kaniyang braso sa aking leeg.
"Any last words Princess Alyanna?"
Pinakiramdaman ko ang paligid. Mabibilang na lang yata ang mga Black Wizards na nakikipaglaban.
"Matatalo kayo, Dark King." Sagot ko saka tinulak ang kaniyang kamay na may hawak na espada na nakatutok sa aking leeg.
Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa aking likod at itinarak sa kaniyang dibdib.
"Bulag ako ngunit hindi ako duwag. Tandaan mo 'yan."
Kasabay ng pagkamatay ng Dark King ay ang pagtatapos ng laban.
"Naging Reyna ba ang Prinsesa ina? Ba't pareho kayo ng pangalan, pati na rin si ama?" Tanong ng aking anak na babae pagkatapos kong magkwento.
"Oo anak, naging Reyna siya. At magkapareho kami ng pangalan dahil siya ay ako."

BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions