APPLICANT #50: APPLElonio
Sa isang magulong baranggay ipinanganak, lumaki, at nagka-isip ang binatang si Apolonio Magdiwang Jr., na kilala din bilang Apple sa tuwing nagiging dalaga siya sa gabi. Ulila na siya sa ina kaya naman ay naiwan siya sa mala-kamay na bakal na pangangalaga ng kanyang ama. Nang malaman nito ang tunay na nilalaman ng puso ay naging malupit ito sa kanya. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay walang tigil ito kung siya'y pagmalupitan. Suntok dito, tadyak doon, hindi tumitigil hangga't hindi napupuno ng mga sugat at pasa ang buong katawan.
"APOLONIO!" Tawag nito isang gabi sa kanya. "BUMABA KA RITO! MADALI!"
Halos mahulog siya sa kanilang hagdan sa pagmamadali niyang madulugan agad ang ama. Sinalubong siya nito ng isang malutong na sampal, na ikinatalsik niya at ikinaputok ng kagagaling lang na labi.
"Hinayupak ka!" Nanggagalaiting sigaw nito. "Bakit pinintahan mo na naman 'yang mukha mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tigilan mo na 'yang kabaklaan mong 'yan! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Letsugas ka!"
At sinundan iyon ng mabigat na batok, iilang tadyak, at 'di na mabilang na suntok. Tahimik na lamang siyang napaluha sa sobrang awa sa sarili.
Nang tumigil sa pananakit ang ama ay ibinato nito sa kanyang ang dalawang ubeng salapi at nag-utos na bilhan niya ito ng maiinom at pulutan. Dali-dali naman siyang tumayo at tumakbo palabas, para sundin ang sinabi nito.
Habang naglalakad papunta sa pinakamalapit na tindahan, hindi sinasadyang makita ng kanyang mga mata ang dalawang tao na nagtaksil sa kanya. Ang dalawang nanakit sa kanya ng sobra. Si Gary, na una niyang naging boyfriend at nagpadama sa kanya ng matamis na pag-ibig na isang kasinungalingan lang pala sa umpisa pa lang, at Si Karla, na simula bata ay lagi niyang nakakasama, na inakala niyang mabuting kaibigan ngunit may lahi pa lang sawa.
Nagngitngit ang loob niya habang nakamasid sa mga ito.
Balang araw, makagaganti rin ako.
Sa hindi inaasahang kamalasan, habang pauwi na, nakasalubong niya sa may eskinita ang naghahari-hariang adik ng baranggay nila. Kasama ang dalawang alipores nito at mukhang mga tigre na nag-aabang ng biktimahin.
"Oh Apolo! Sarap naman niyang dala natin ah." Pinagkiskis ni Ambo ang mga kamay niya habang malalim ang tingin ng mapupula nitong mga mata sa kanya. "Amin nilang!"
"H-Hindi pwede. Kay Tatay kasi 'to. Iniutos lang sa'kin," Nanginginig niyang sagot.
Tumawa ng nakakikilabot na tawa ang tatlo.
"Eh 'di sabihin mo, hiningi namin kaya binigay mo!"
Umiling siya sa sinabi nito at niyakap ang mga dala-dala sa mga bisig upang protektahan ito sa tatlo. Tatalikuran na sana niya ang mga ito nang buong pwersa siyang pinaharap ni Ambo at inagaw ang dala niya. Pagkatapos ay sinimulan siyang patikimin nito, at ng mga kasama nito, ng hagupit na natikman niya sa ama kanina.
Napahiga siya sa malamig na aspalto, hinang-hina at halos hindi na maidilat ang mga mata dahil sa mga bugbog na natamo.
Ayoko na. Hirap na hirap na ako. Napapagod na ako.
"Uy, mga sistereth! May utaw!"
"Ang dami niyang mga sugat! Tulungan natin!"
Pilit niyang binuksan ang namumugtong mga mata at nang magtagumpay ay nasilaw siya sa nakita. May anim na babae na nakatayo palibot sa kanya. Kakaiba ang mga ito dahil iba't-ibang kulay ang suot na mga damit, kumikinang ang mga katawan base sa kulay ng suot, at may pares ng pakpak sa likod!
"Tulungan kaya natin!" Nagsalita ang naka-dilaw na babae.
"Shunga 'te? Hindi natin siya pwedeng tulungan. Kailangan malaman muna natin ang wish niya bago tayo gumawa ng legal action!" Bulalas ng babaeng naka-berde.
"Korak! Ikaw, Rosas. Ikaw magtanong! Ikaw unang nakakita!" Utos ng babaeng naka-bughaw.
Nakita niyang inirapan ng babaeng naka-pula ang naka-bughaw. Matapos nito ay bumaling ito sa kanya, nakangiti. "Sistereth para matulungan ka namin, kailangan mo kaming hilingan. Kaya namin tuparin kung anong klaseng hiling 'yan! Kaya sige, gora sis. What's your wish?"
Napangiti siya kahit ramdam niya ang pagkirot ng mga labi. Wish? Kahit hindi niya alam kung ginogood time siya ng mga ito, ay sumakay na lang siya sa trip. "G-Gusto kong maging babae. M-Maganda, maputi, makinis, at sexy na babae..."
"Demanding! May description talaga!" Maarteng wika ng babaeng naka-lila. "Well, if it is your wish, then we will grant it!"
At sa panggigilas niya ay umilaw ang kamay ng bawat isang babae, at sa isang kisap-mata ay umangat siya sa ere at pinalibutan ng nagsama-samang liwanag. Mabilis ang mga pangyayari, naramdaman niya ang pagbabago sa katawan, mula sa kanyang ulo hanggang paa.
"Ang ganda ko..." Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa sarili. Maputi at makinis na balat, seksing katawan, at nang abutan siya ng salamin ng babaeng naka-kulay kahel ay napagmasdan niya ang pinakamagandang mukha na nasilayan niya sa tanang buhay niya. Wala na ang panget, at mukhang barako na si Apolonio Magdiwang Jr. Ngayon, bagay na bagay na talaga sa kanya ang palayaw na Apple. Because he- no scratch that, She will now be the APPLE of everyone's eye!
"Salamat mga Dyosa!" Tuwang-tuwang bulalas niya sa mga nag-gagandahan at kakaibang mga babae. Ngumiti lang ang mga ito na mukhang masayang-masaya rin para sa kanya.
"Paano ko masusuklian ang kabutihan ninyo?" Tanong niya sa mga ito.
"Mabait naman kami eh..."
"...hindi kami 'yung tipo na nanghihingi ng kapalit..."
"...pero kung mapilit ka, may isang bagay lang ang nakapagpapasaya ng lubos sa aming anim..."
"...at 'yon ay makakain ng sariwang puso! 'Yun ay kung willing ka lang na ibigay ang kahilingan namin..."
"....kung ayaw mo, okay lang naman..."
"...pero kung ipipilit mo talaga, gusto namin ng sariwa ha! Freshly harvest! At sana, tig isa rin kami!"
At nagkingisian ang anim na parang mga sinaniban ng diablo.
Napaisip ang dating binata, na ngayo'y isang kaakit-akit na dilag na, sa sinabi ng anim. Puso? Freshly harvest? Anim? Mukhang alam niya kung saan kukuha n'on.
Napangisi na rin na parang demonyo si Apple.
Kinabukasan, hindi na ulit nakita si Apolonio.
At ang kanyang ama.
At sina Gary at Karla.
At ang tatlong adik na kumuha ng Gin at pulutan na binili niya.

BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions