Applicant #9: Reincarnation of Eros and Psyche

216 2 10
                                    

APPLICANT #9: REINCARNATION OF EROS AND PSYCHE

Noong 2nd century AD sa Isle Gyndos nakatira ang nagngangalang psyche, si psyche ay isang mahirap ngunit biniyayaan ng kakaibang kagandahan na kahit na sinong makakita sakanya ay napapaibig nya idagdag pa ang katalinuhan at kabaitan nyang taglay na naging dahilan para mapansin sya ng hari at mapaibig ito ngunit may lalaki na ang nakakuha ng kanyang puso at yun ay si eros na kanyang matalik na kaibigan.

"PSYCHE! Halika dito bilisan mo at magbihis ka" sigaw ng kanyang ina.

"bakit ho? Di pa po ako tapos maglaba"

"mamaya na yan darating dito ang hari"

"Bakit po?"

"wag ka ng maraming tanong" tumayo si psyche ngunit binato sya ng nanay nya ng damit kaya napaupo sya sa putikan.

"isuot mo yan bilis-bilisan mo nga napaka-lampa mo" mangiyak-ngiyak na tumayo si psyche habang nakatungo alam nyang mas lalong ikagagalit ng ina nya kapag ipinakita nyang umiiyak sya, pumasok na sya sa loob ng bahay saka nagbihis ngunit di na lang muna sya lumabas para maiyak nya ang hinanakit nya sa ina wala syang magawa dahil sobrang mahal nya ang kanyang ina lalo na ng mamatay ang tatay nya, sa ina na lang nya sya humuhugot ng lakas ng loob, ng sya ay lumabas na bumungad sakanya ang hari na inaabutan ng pera ang kanyang ina.

"ina?" tawag nya sakanyang nanay.

"oh psyche nandyan ka na pala" ngumiti sakanya ang ina na parang maamong tupa.

"halika maupo ka" umupo si psyche sa tabi ng ina kahit na kinukutuban na sya ng masama.

"magandang hapon binibini" ngumiti lamang sya.

"anak ikakasal ka na sa hari kaya sasama ka sakanila sa palasyo" nagulantang sya sa sinabi ng ina saka napatayo.

"pero hindi ko sya mahal ang mahal ko ay si eros!" hindi nya napigilan ang kanyang pagsigaw hindi nya matanggap na ang perang tinanggap ng ina mula sa hari sya ang kapalit.

"nababaliw ka na ba?! Mahirap ka na nga mahirap pa ang mamahalin mo?!"

"wala akong pakialam kung mahirap sya dahil mahal ko sya!" sigaw ni psyche.

"baka nakakalimutan mo MANGKUKULAM KA AT FAIRY SYA" umiling si psyche habang umiiyak.

"MAHAL NAMIN ANG ISA'T-ISA" tumakbo si psyche palayo sakanila.

"habulin sya!" sigaw ng hari kaya mas binilisan nya ang takbo ng may makabunggo sya kaya nadapa sya.

"psyche? Ako ito si eros mahal huminahon ka" nakahinga sya ng maluwag.

"mahal ibinenta ako ni ina sa hari" mahigpit na niyakap nya si eros saka umiyak ng umiyak.

"ayun sila bilisan nyo!" napatayo silang dalawa ng makarinig sila ng mga sigaw at tumambad sakanila ang mga sundalo at ang hari na kasama ng kanyang ina tatakbo na sana sila ngunit napalibutan na sila ng mga sundalo.

"psyche wag ka ng magmatigas pa mabibigyan kita ng kayamanan kesa sa lalaking yan wala kang makukuha sa puro pagmamahal lang" ang sabi ng hari.

"walang katumbas ang wagas na kaligayahan kesa sa kayamanan!" ang sigaw ni eros na naging dahilan para ikagalit ng hari.

"wag kang mangialam hampas-lupa! Mamatay ka na!" sigaw ng hari saka humanda para saksakin si eros pero humarang si psyche kaya sya ang nasaksak ngunit tumagos ang espada ng hari kay eros kaya sabay silang nalaglag sa damuhan na tumatagas ang dugo.

"PSYCHE! ANAK!" hindi inaasahan ang pagtawag na anak ng ina ni psyche lalong-lalo na ng yakapin nya ito ng buong pagmamahal.

"psyche patawad... patawarin mo ako anak mahal na mahal kita" umiiyak ang ina ni psyche habang yakap sya nito.

"ina... pinatawad na kita mahal na mahal din po kita" pagkasabi ni psyche iyon sya ay pumikit na hudyat na sya ay patay na.

"walanghiya ka!" sinugod ng ina ni psyche ang hari ngunit bago pa sya makalapit may tumusok na mga palaso sa kanyang likuran kaya sya ay napahiga at namatay.

"h-halika na umalis na tayo" nagmamadaling naglakad paalis ang hari na nagulat sa mga pangyayari.

After 2 years....

Masayang namumuhay ang hari kasama ang kanyang mga anak at asawa na ngayon ay nagbubuntis ng kambal na ngayon ipanganganak.

"ire pa" hirap na hirap ang reyna na umire.

"ahhhh!" sa wakas nailabas na ang sanggol.

"isang babae" ang sabi ng kumadrona ng mapatingin sya sa reyna nagulat sya dahil may isa pang sanggol ang dumungaw.

"reyna kambal ang anak nyo umire ka pa kaya mo yan" umire ang reyna at inilabas ang isa pang sanggol masayang binuhat ito ng kumadrona ng mapatingin sya sa reyna ito ay nakapikit na kaya hinayaan nya itong magpahinga muna saka nilinisan ang mga bata at ibinigay sa hari habang buhat ang bata ay lumapit sya sa asawa.

"Cerena kambal ang anak natin lalaki at babae" masayang sabi nya sa asawa ngunit hindi sumagot ang babae na ipinagtaka nya ng tinignan nya ang asawa nya putlang-putla ang babae.

"asawa ko? Cerena?" nilapitan nya ang asawa ngunit hindi ito nasagot kaya nag-alala ang hari at ipinatawag ang doctor.

"ikinalulungkot ko itong sabihin ngunit patay na ang reyna" parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hari sa ibinalita ng doctor malungkot na tinignan nya ang reyna at ang kambal.

After 20 years....

"Juliet! Romeo!" habang palaki ng palaki ang kambal nakikita ng hari ang pagkakapareho ng kambal kila psyche at eros natatakot sya na sa katauhan ng kambal nyang anak ay muling nabuhay ang kanyang pinatay, si Juliet ay isang napaka-gandang babae na matalino at mabait pa, si eros ay isang makisig na binata na.

"iniinis nyo talaga ako?! Hala sige lumuhod kayo" pinaluluhod ng hari ang kambal sa may asin dahil sa kalokohang ginawa ng kanilang kapatid na sakanila isinisisi ng hari.

"ngayon na ang tamang panahon.." mahinang sabi ni Juliet.

"katulad noong pinatay mo kami sa edad na ito" nagulantang ang hari sa sinabi ni Juliet at Romeo napaurong ito ng itutok sakanya ni romeo ang espadang katulad na katulad ng ipinangpatay nya kila Psyche at Eros, napahiga ang hari habang natagas ang dugo sa tagiliran nito.

"binuhay kami ulit ni zeus para ibigay sa iyo ang kaparusahan para sa pagpatay mo sa amin, paalam na sa iyo"

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon