Applicant #44: Fairy Tale

171 3 11
                                    

APPLICANT #44: FAIRY TALE


"Wag na kayong magtago, alam kong sinusundan nyo ako" sambit ng babaeng naglalakad sa isang pasilyo nang makaramdam sya ng hanging dumaan sa likod nya.

May lumutang na mga dahon at unti-unti ay may nabubuong pigura ng isang lalaki.......... Hanggang sa naging tao na talaga ito

"Mahal na prinsesa" may lumutang naman ngayong mga alikabok na kumikinang at nabuong mga tao, 15 na tao at sabay-sabay na yumuko sa harap niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi muna ako babalik?" mahinahong tanong ng babae

"ngunit mahal na prinsesa, kailangan nyo na pong bumalik sa palasyo" pakiusap nito

"maghintay kayo sa aking pagbabalik, maliwanag?!" walang magawa ang mga ito kundi sumunod sa kanilang prinsesa.

Naglaho sila kasabay ng malakas na hangin.

**

"AIRABELLS! WHERE ART THOU?!" Rinig na rinig ang napakalakas na sigaw nito, may lumapit sa kanyang isang babaeng may mahabang itim na buhok, bilog na kulay abong mata, may mahabang ilong, at mahabang baba

"Psh, manahimik ka nga, maingay na babae" napanguso nalang si Rynnah sa sinabi ni Aira sa kanya.

"Eh kasi naman eh! Kanina pa kita hinahanap, hindi ka naman nagpapakita!" napa-roll eyes nalang si Aira sa ginawa niya at iniwan ito

"AIRABELLS! WAIT UP!" nakaka-dalawang hakbang palang siya ng may humarang sa kanilang lalaki

"Hello witch Aira, may tanong lang ako, bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin gumagawa ng potion para pagandahin yang mukha mo?" sabay tawa ng mga ito

"Excuse me Mr. Gonzalez, Aira is the most beautiful girl in the world kaya! At tigil-tigilan nyo na nga ang panlalait sa kanya, tignan nyo kaya muna ang mga mukha nyong dinaig pa ang kalyo!"

"Excuse me too, Ms. Ching, ang kaibigan mo ay tunay ngang napakaganda, sya ang pinaka-maganda sa lahat ng mga pangit sa mundong ito at walang problema sa mukha kong pinagkakaguluhan ng lahat" at nakipag-apir sya sa mga kaibigan nya

"Hmp! Bahala na nga kayo dyan!" at hinila nya si Aira paalis.

Pagpasok nila ay umupo sila sa magkatabing upuan, nilapag nila ang kanilang mga gamit at hinarap ni Rynnah si Aira

"Girl, bakit ka nakatulala?" tanong nito ngunit wala itong kibo

"Aira, Airabells? Airagirl! Earth to Aira!" at sumigaw na nga ito sa tainga ni Aira dahil hindi parin sya nito pinapansin, ngunit wala parin itong epekto

"AIR-" naputol ang sasabihin nito ng biglang tumayo si Aira at tumakbo

"Hey Aira! Hintayin mo ako!" at hinabol nito si Aira, ngunit paglabas nya ng room ay wala na si Aira

"saan kaya nagpunta un?" bulong niya sa sarili

**

Habang nag-aaway si Rynnah at Myles sa harap ni Aira kanina ay may naririnig syang mga bulong, bulong ng taong parang matagal na nyang kilala.

Wala sa sariling tumayo sya at tumakbo, at kusang lumabas na lamang ito sa kanyang bibig.

"In the power of wind and dust, make a portal in the place that I trust" at tuluyan na siyang naglaho

**

Masayang naghahanda ang mga tao sa palasyo ng Zauberin, dahil darating ang kanilang prinsesa, may mga nagpapalutang ng mga gamit at ginagamit ang kapangyarihan upang pagandahin ang paligid.

Hanggang sa lumiwanag ang paligid.

Nang mawala ang liwanag ay sabay-sabay lumuhod ang lahat...

"MALIGAYANG PAGBABALIK, PRINSESA SAIRA"

**

NAGISING si Aira sa isang lugar na hindi nya alam na mayroon pala sa mundo.

Sa kaliwa ay makikita mo ang isang magandang halimbawa ng nakikita nyo sa fairytale books, may mga unicorns, ibong nagsasalita, at nagliliiwanag na puno, mayroon ding mga lumulutang na fairy.

Sa kanan ay makikita mo ang napagandang halimbawa ng isang apocalyptic world, napaka-gulo sa parteng iyon, at kung papakinggan mong mabuti ay may maririnig kang alulong ng mga lobo, at nakakabinging huni ng ibon.

Nagulat si Aira ng biglang kumidlat sa bahaging iyon, ngunit hindi iyon ang naging dahilan upang mapigilan syang pumunta doon.

Hindi nya napansin ang karatula sa gilid nya na may nakasulat na...

"Welcome to Witch and wizard loom"

**

"Mahal na prinsesa!" humahangos na dumating ang isang kawal sa harap ni Prinsesa Saira

"Bakit?" malumanay na tanong nito

"Dumating na ang inyong kakambal, at siya'y nasa kabilang mundo"

"Talaga? dalhin mo ako sa kanya, ngayon din!" masayang utos nito

"Masusunod po" at yumuko ito

**

Habang naglalakad si Aira ay pakiramdam nyang taga doon talaga siya, parang kabilang na talaga sya doon, habang naglalakad sya ay may biglang lumakap sa likod nya

"Aking kapatid! Kamusta ka na? at bakit ganyan ang iyong kaanyuan?" Masigla ngunit may halong pagtatakang bati nito

"S-sino ka?"

"ako ito, si Saira, ang iyong kakambal" nakangiting wika nito

"Wala akong kakambal" natawa nalang si Saira at ikinumpas ang kanyang mga kamay, biglang nagbago ang itsura ni Aira, naging magkamukha na talaga sila ni Saira

"P-paano-" hindi makapaniwalang tanong ni Aira

"ikaw lang ang hinihintay naming kapatid, matagal na naming hinihintay ang iyong pagbabalik dito sa mundo ng mga witch at wizards" parang sirang plakang umulit-ulit sa kanyang tainga ang sinabi nito, hanggang sa naalala na nya ang lahat

"Tara na kambal, sabay na nating ayusin ito" at ngumiti sila sa isa't isa

"BY THE POWER OF LIGHT AND DARK, FROM THE WORST TO GOOD, FROM THE APOCALPSE TO UTOPIA, MAKE THIS PLACE A WONDERFUL WORLD!"

Lumiwanag ang buong paligid, hanggang sa ang mga kidlat, ungol ng lobo at mga nakakatakot na tunog na maririnig mo sa may kakaunting liwanag na lugar na iyon ay nawala

"Masaya akong makabalik ulit dito, sa ating mundo" nakangiting wika ni Aira

"Tara na aking kapatid, batid kong pagod ka na" at sabay silang umalis sa lugar na iyon patungo sa mundo ng mga fairy

HINDI lahat ng fairy tales ay nagtatapos sa halik ng prince charming, sa pagsakay sa puting kabayo kasama ang iyong pinakamamahal o ang pagpapatawad sa mga evil stepsisters and step mother mo. Minsan ay sa simpleng pagtitipon mo kasama ang mahal mo sa buhay ay isang magandang halimbawa ng isang fairy tale. Kahit walang dragong hahadlang sa'yo, o kahit walang poison apple na ibibigay sa'yo, makakabuo ka pa rin ng sarili mong fairy tale.

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon