Applicant #25: The Real Sleeping Beauty

269 5 11
                                    

APPLICANT #25: THE REAL SLEEPING BEAUTY


Ang malawak at maunlad na lupain ng Yeltiera ay pinamumunuan ni Haring Eury at Reyna Leina. Ito'y binubuo ng tatlong pangkat na naayon sa antas ng pamumuhay; Dehaltani, kinabibilangan ng maharlikang angkan. Hivitan, ang pangkat na pinagmulan ng reyna. Paroqan, ang pinakamaliit at tinuturing na mababang tao, sila ang mga dating bihag mula sa natalong kaharian.

Kasalukuyang ginaganap ang isang engrandeng pagtitipon dahil kasal sa nag-iisang ng anak ng Hari at Reyna, na si Prinsipe Jenukob. Lahat ng mamayan ay dumalo maliban sa mga Paroqan dahil hindi sila maaring dumalo sa ganung pagtitipon, maliban sa ilang kinuha bilang tagapagsilbi. Alipin ang turing sa kanilang pangkat at habambuhay silang maninilbihan.

Mula sa di kalayuan ang kinalalagyan ni Moira, tanaw nito ang seremonyang ginawa ng pari. Mabigat ang kanyang kalooban habang nakamasid ngunit pinigilan nito ang sarili na hindi madala sa naramdaman. Dama rin niya na mabigat ang kalooban ng prinsipe sa pagpapakasal sa babaeng hindi naman niya mahal. Nakwento na sa kanya ang lahat sa binabalak ng reyna.

Naging malapit na magkaibigan sina Prinsipe Jenukob at Moira kahit mahigpit na pinagbabawal sa kanilang kaharian ang makipag-usap sa kagayang niyang Paroqan, sa mga Hivitan at lalo na sa Dehaltani, subalit hindi ito naging hadlang sa kanilang dalawa. Gumawa ng paraan ang dalawa para palihim na magkita.

Kahit ang Hari ay hindi rin sang-ayon sa binabalak ng reyna subalit wala itong magawa para suwayin ang kagustuhan ng asawa dahil matapang ito. Balisang-balisa ang hari habang nakatingin sa seremonya sa kasal ng anak. Nakikita niya ang maging buhay nito sa oras na makasama ang babaeng mula pangkat ng kanyang asawa-- magiging miserable ito.

Bago pa man inihayag ng pari ang hudyat na maari nang halikan ng prinsipe ang magiging asawa, biglang nahimatay ito bago pa man lumapat ang labi niya sa labi ni Keirara. Nakatulog ang prinsipe. Nagulantang ang lahat ng mga taong naroon. Nagwala ang reyna sa sobrang galit.

Muling naalala ng hari ang huling tagpo sa kaibigang tagapayo na si Yulo, kung saan nilahad niya ang bumabagabag sa kanyang damdamin.

"Anong maari kong gawin para hadlangan ang binabalak ni Leina?" usisa ng hari

"Kung kasamaan ang binabalak ng asawa mo, totoong pag-ibig ang tanging kasagutan ng lahat."

"Anong ibig niyong sabihin?"manghang tanong ng hari

"Ang totoong pag-ibig ay nanggaling kay Bathala. Siya ang pinagmulan nito, kaya tanging siya lang ang makapigil sa binabalak ni Leina sakaling hindi ayon sa kalooban ni Bathala. Kaya hihilingin ko kay Bathala na makatulog ang prinsipe sa oras na makasal sa babaeng hindi nakatadhana sa kanya. Sa umpisa sa paglikha ng mundo, nakatulog si Adan habang ginawa ni Bathala ang babaeng hinugot mula sa kanyang tadyang, ang babaeng itinakda sa kanya, si Eba. Ito ang nagpatunay na ang lalaki ang totoong mag-antay sa kanyang iniibig."

" Kung kasaling makatulog ang anak ko sa araw ng kanyang kasal, paano naman siya magising?"

"Kelangan niya ng halik sa isang babae na may totoong pag-ibig."

Matapos maipasok sa kanyang silid ng palasyo ang natutulog na prinsipe ay agad nag-anunsyo ang hari sa maaring kasagutan sa kalagayan ng anak. Marami ang tumugon sa anunsyo na hanapin ang babaeng may halik ng totoong pag-ibig mula sa iba't ibang lugar. Piling-pili lang ang maaring hahalik sa prinsipe dahil hanggang tatlo lang maaring gawin.

Unang sumubok ang maganda at matalinong si Prinsesa Ruhamie na galing pa sa malayong kaharian subalit hindi nagising sa kanyang halik ang prinsipe. Sumunod ang maganda ngunit may katandaan na si Prinsesa Novasiera na galing din sa malayong kaharian subalit hindi rin nagtagumpay. Inabot na ng pangamba ang hari dahil kapag nagkamali pa sa pangatlo ay habambuhay na matutulog ang prinsipe. Kaya nakapagpasya na ang hari na makipagkita sa kanyang kaibigan na nakatira pa sa malayong lugar.

---***---

"Ano bang nangyari bakit hindi nagtagumpay ang dalawang sumubok?" tanong ng hari sa kanyang kaibigan

" Hindi nagising ang anak mo sa halik ng unang sumubok dahil mali ang kanyang motibo, gusto niyang mas lalong sumikat sa oras na makasal sa anak mo. Ang pangalawa naman ay nagbakasakali lang na siya ang babaeng tinadhana sa anak mo. May katandaan na siya at gusto niyang makipagsapalaran sa kanyang buhay pag-ibig. Ang lahat ng rason ito'y hindi pinahintulutan ni Bathala. Pagdating sa pag-ibig hindi dapat makasariling motibo ang dahilan at lalong hindi pakipagsapalaran. Ang totoong pag-ibig ay dalisay at hindi makasaraili, kaya ang kanyang halik ay gamot sa sugatang puso."

"Anong gagawin ko, para mahanap ang babaeng iyon?"

"Huwag mong hanapin! Kusa itong darating, ang tinadhana ni Bathala sa anak mo bago pa siya isinilang. Manalig ka, lahat ng pangyayaring ito'y may magandang dahilan."

---***---

Sinunod ni Moira ang kanyang naramdaman. Nangahas siya para sundin ang nilalaman ng kanyang puso, di alintana na buhay ang maging kapalit. Noon pa man may lihim na siyang pag-ibig sa prinsipe subalit hanggang sa tago na lang dahil langit at lupa ang kanilang pagitan. Mag-iisang buwan na rin nakatulog ang prinsipe.

'Ang totoong pag-ibig ay makapangyarihan at hindi natatakot gawin ang lahat para sundin ang tinitibok ng puso,' sabi ng kanyang matandang lola, ang nagtulak para maging mapangahas siya. Nanginginig ang buong kawatan niya habang papalapit sa silid ng prinsipe dahil alam niya ang maging kapalit.

Subalit, biglang humarang ang reyna sa binabalak ng dalaga, ngunit sa pagkataon ito naging matapang na ang hari para payagan si Moira. Ayaw ng hari na maulit sa anak ang naging buhay niya nang sapilitang kinasal sa babaeng hindi niya mahal dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang. Naging masalimuot ang kanilang pagsasama kaya ginusto ng hari na maging sunod-sunuran sa asawa para iwas gulo. Hindi natinag ng reyna, pinatawag niya ang kawal para patayin si Moira. Bago pa man mapatay ng kawal si Moira ay inunahan ng hari patayin ang kawal at kasama ang reyna. Ilang taon din nasa kapangyarihan ng salamangka ng reyna ang hari. Ilang taon din siya nagtitiis at naging mahina, kaya panahon na para wakasan ang kasamaan ng asawa.

Sa halik ni Moira nagising si Prinsipe Jenukob, ang simula kanilang habambuhay na pagmamahalan.

Wakas...

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon