APPLICANT #47: ESPADA
Mahusay si Jake sa computer games kesa sa Calculus.Sa paglalaro nito'y nakakalimutan nyang binagsak pala sya ni Delarosa. Sa paglalaro nito'y nakakaganti sya kahit paano. Paano? Pinapalitan nya ang mukha ng kalaban ng mukha ng kinaiinisan nya.Masaya na sya kapag napapatay nya yon. Hindi nya nililimita kay Delarosa ang kanyang pamamaraan.
At mukhang may papalitan na naman syang mukha sa laro nung may makita syang gusgusing lalaki sa waiting shed, nung papauwi. Sinabihan nya ang school guard na itaboy ang "pulubi". Sadya lang syang mapangmata.
Limang oras na paglalaro at sya'y nakatulog. Madalang syang managinip ngunit hindi sa gabing iyon.
Ramdam nya sa kanyang tsinelas ang mala-disyertong buhangin. Mainit. Nakakapaso. Nakakauhaw. Kala nya nga'y katapusan nya na. Subalit, napalingon sya nang may marinig na sigaw. Ilang saglit lang pinaikutan na sya ng limang mangangabayo. Hinagisan si Jake ng sisidlang gawang bakal ngunit dahil halos mabulag sa sikat ng araw di nya ito nasalo. Dinampot nya kagad to sa lupa, uminom habang pasimpleng nagtataka kung bakit kalasa nito ang Cobra.
"Sino ka? San ka nagmula?" Di nya alam kung totoo ba ang nakikita nya ngunit ang tingin nya sa nagsasalita ay hindi tao. Iniling-iling ni Jake ang ulo at pagkaraa'y normal na uli ang kanyang paningin. Ang kumakausap sa kanya'y taong-palasyo.
"Jake po. Tiga- QC."
"Sabihin mo Jake ng QC bakit hindi kita dapat patayin?" Dulot ng pagkataranta ang nasabi nya'y,
"Dahil gamer po ako."
"Ano yun?"
"Yung katulad nyo po. Lumalaban sa digmaan, gyera, ganun."
Dahil dito, isinama sya sa kanilang kaharian at ipinakilala sa hukbong heneral.Doon ikwinento nito na sa isang araw may lulusubin silang kaaway.Kinumbinse sya na kailangang protektahan ang kaharian laban sa kaaway. At sya'y inatasan ng natatanging misyon - ang patayin ang pinakapinuno ng kalaban.
Para masubukan ang kakayahan, pinahawak sya ng espada. Naglabas sila ng mga nakakadenang bihag - nakakatakot ang hitsura't waring manglalaban kung pinagbigyan.
Pinugutan nya ng ulo ang isa. Gusto namang kumawala nung isa upang sumpungan ang kasama ngunit maging sya'y pinatay. Pumalakpak ang naroon matapos syang tapikin ng heneral.
Nagdiwang sa gabing iyon sa ngalan ng nalalapit nilang pagkapanalo. Tinuring syang pangunahing bisita na may pribilehiyong maikama ang pinakamagandang babae. Nagpakasaya sya buong gabi.
Kinabukasan, tinanghali sya ng gising, nahiya dahil naroon silang lahat sa kwarto. Wala syang saplot.
Inihagis ng heneral ang kanyang uniporme at umalis na ng kwarto.
Habang nagdadamit, sya'y nagtataka kung panong lahat sila'y nagkasya sa kanyang tinutulugan. At panong paglabas nya'y labanan na agad?
Ganunpaman, sumugod na rin si Jake hanggang sa makapasok sa palasyo ng hari. Nagmasid si Jake ng ulong may putong na korona. May natagpuan sya sa ikalawang palapag.
Sinundan nya to ng tingin. Nung makakutob na sya'y inuusig binilisan ang takbo. Natapos ang habulan nang kapwa sila makarating sa tuktok ng palasyo. Panandaliang nakalimot si Jake sa kanyang misyon nang mamangha sa kapaligiran.
Para nga akong nasa laro.
Nakakita sya ng mga dragong lumilipad, mga palasong nagliliyab, berdeng paligid na pumula sa dugo.
"Jake ang kalaban!" sigaw ng heneral, tinuturo ang hari. Napigilan nya ang hari na noon di'y na-corner.
"Bakit mo to ginagawa?"
"Dahil masama ka! Masasama kayo!" diin nya ng espada sa dibdib ng hari.
"Paano mo nasabing masama kami?" Wala syang basehan liban lang sa kung ano ang nakikita.
"Kasi nakakatakot ang hitsura nyo! Di kayo mga tao!" Napayuko ang hari.
"Kung ganyan din pala rason mo, akin na, ako na sasaksak sa sarili ko. Di ko naisip na sa hitsura pala malalaman kung sino ang masama. Di ko nga akalaing papatayin ako ng tulad mo e? Wala kasi sa hitsura mo. Hindi ka nakakatakot. Hindi ka mukhang masama." Napaluwag ang hawak nya sa espada.
"Jake patayin mo na! Wag mong sabihing kakaawaan mo pa yan!?" Nagdadalawang-isip na sya. Naguguluhan. Tinignan nya ang mga nasa baba; nakataas na ang mga sandata't nagpupugay. Nagbalik-tanaw si Jake. Natanto nyang hindi naman lumalaban ang mga kaaway bagkus pa nga'y nagtatago, tumatakbo palayo sa kanila. Ang sabi ng heneral protektahan ang kaharian ngunit bakit sila ang sumugod sa kalaban? Tinanong nya ang sarili,
Ito ba ang kaaway?
Waring nadinig, napangiti ang kaharap na hari. Ngunit ang ngiting yon ay may lungkot.
Pakakawalan nya na sana ang hari nang isaksak ng heneral ang espada habang nakahawak pa dito si Jake. Natigilan si Jake lalo na nung sinipa ng heneral ang hari bagay na ikinalaglag nya mula sa palasyo. Sinilip nya ang hari, umiiyak samantalang pinapatahan naman sya ng heneral.
"Binabati kita Jake! Isa kang mahusay na gamer. Pinatay mo sya." Naglabas ang hari ng inumin - di ito tulad nung nauna nyang natikman gayunpaman ay lumagok, maibsan lang ang tensyon. Subalit pagkainom nya nito waring nag-ibang anyo ang heneral. Isa pang tungga at nabatid nyang sya'y nalinlang.
Tinutukan si Jake ng espada bagay na naglagay sa kanya sa ganoong posisyon tulad ng hari kanina.
"Bakit nyo ko papatayin? Tinulungan ko naman kayo, ha? Ginawa ko ang misyon ko!"
"Hindi mo nagawa ang misyon, Jake, dahil ang misyon mo talaga ay malaman kung sinong masama at hindi."
"Pero sabi mo sila ang masama!?"
"Ang sabi ko lang sila yung kaaway. Hindi sakin nagmula ang sinasabi mong 'masama'. Sayo."
"Akala ko sila ang masama dahil ganun yung mga hitsura nila!?"
"Pagmasdan mo nasa paligid mo. Ang daming patay diba? Ang daming namatay sa maling akala. Masakit mahiwa ng espada. Pero may mas masakit pa dun. Ito ay ang hiwain mo ang dangal, ang pagkatao ng iba nang dahil lang sa kanilang hitsura. Yun yung ginawa mo, Jake. Ako man ang pumatay sa katawan ng hari, ikaw naman sa kaluluwa. At ngayon..."
Naiwasan ni Jake ang espada subalit sa ginawa nyang yon sya ay nadulas, bagay na kinalaglag nya mula sa palasyo.
Noon di'y nagising syang bumagsak sa kama. Pawisan. Panaginip pero ngayon batid nyang totoo - na ang panghuhusga ay para ring pagpatay ng tao.
BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions