APPLICANT #33: MR. MUSTACHE
Kwento ni mama mag isip ka daw ng mga magagandang bagay ay sasaya daw ang buhay mo at makakarating ka daw sa isang Paraiso na kung tawagin ay "Pantasya". Sa lugar na yun daw nagkakaisa ang lahat! Marami ka rin daw makikitang iba't ibang elemento na di makikita dito sa mundo.
"Mama, mama totoo ba yun?" Tanong ko kay mama, pagkatapos nyang magkwento. Sampung taong gulang na ako pero nagpapa kwento parin ako kay mama. Siguro dahil naaaliw ako sa kwento at nais ko ring maging totoo ito.
"Siguro, pero sa ngayon matulog ka muna. Malay mo magkatotoo yun." sabi ni mama sabay halik sa noo ko.
"Goodnight na anak. Mahal ka ng ina" huling rinig ko kasabay ng pagsara ng pinto. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata at inaalala ang ikiniwento ng ina.
"Halika sama ka sakin."
Unti unti kong naimulat ang aking mga mata dahil sa narinig ko. Kanino galing ang boses na yun? Ng luminaw na ang paningin ko ay dun na nasagot ang tanong ko.
May lalaking naka barong, short na medyo luma,naka tsinelas at may bigote pa. Sumayaw sayaw ito habang paulit ulit na sinasabi ang katagang
"Samahan moko."
Napatigil sya ng mapansin nya ang presensya ko at ang pagtitig ko sa kanya.
"Sino ka?" Tanong ko rito at kinusot kusot pa ang mata ko nag babasakali na baka nananaginip parin ako.
"Ikaw? Sino ka?" Balik nyang tanong sakin.
"A-ako? Teka sagutin mo muna ang tanong ko." Tugon ko.
"Ako si Bigote! Mas kilala sa tawag na Mr.Mustache" sagot nito at kumindat pa sakin.
"Kristine." Sabi ko kaya napatigil ito sa pag ngiti at pagsayaw. "Kristine ang pangalan ko. Nice to meet you Mr.Bigote!" Dugtong ko sabay lahad ng kamay ko at ngumiti ng matamis sa kanya.
"Nice to meet youu" tugon nito sabay naglahad din ng kamay at nag shake hands kami.
"Tara sama sakin. Pupunta tayo sa lugar ng paraiso!" Sabi nito sakin hawak hawak parin ang kamay ko.
"Paano?bakit? Di pwede papagalitan ako ni mama." Tugon ko sabay bawi ng kamay ko. Pero kinuha nya to ulit.
"Di yan! Tara." Sagot nito pero nasa kwarto parin naman kami.
"Nagbibiro ka ba?"
"Hindi." Diretsang sagot nya. "Pikit ka." Dugtong nito.
"Bakit?"
"Basta pikit na dali." Agaran ko namang naipikit ang mata ko. "Mag isip ka ng mga taong nagpapasaya sayo."dagdag nya.
"Ayan. Tama yan" rinig ko pang sabi nya at ang mahinang paghigikhik nito.
"Nandito na tayo" sabi nya makalipas ang ilang segundo. Ng maimulat ko ang aking mga mata ay di ko mapigilan ang mapanganga at mamangha sa nakikita ko.
"Wow" yan lang ang tanging nasabi ko sa nakikita ko ngayon.
Narito lang naman po ako ngayon sa lugar na di ko alam pero ang masasabi ko lang ay ang ganda. Punong puno ito ng saya at makulay. May mga batang naglalaro sa damuhan at nandito rin ang hari at reyna sa iba't ibang storya na kinekwento sakin ni mama.
"Nasaan tayo Mr.Mustache?" Tanong ko hawak hawak parin ang kamay nya.
"Sa Paraiso ng Pantasya" sagot nya sakin sabay ngiti sakin. Binitawan nya na rin ang kamay ko ng mapagtanto nyang kanina pa kami magka hawak kamay.
Nung nasa kwarto pa kami ay magka edad lang kami ngunit ng nandito na kami ay mula sa ka edad ko ay naging binata sya.
"Tara! ipapakilala kita sa kanila." Sabi nya sabay takbo.
Mas lalo akong namangha dahil pagkatapos ng takbuhan namin ay nakarating kami sa gitna ng paraiso.
"May ipapakilala ako sa inyo mahal na mga reyna,hari,prinsipe,prinsesa at mga dating kaaway." Sabi nya kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa amin.
"Nais kong ipakilala sa inyo si Lady Kristine!" Pahayag nya at sinagot naman ito ng palakpakan ng mga nakarinig. "Sana'y maging masaya ka!"
'' Maligayang Pagdating"
"Edhum kamhi fwa( Maligayang pagdating sa iyo dito)"
Ngiti ang tanging sinagot ko sa kanila.
Matapos ang batian at ngitian ay nag-aya na si Prinsesa Snow na kumain na. Nagtipon tipon ang lahat sa malaking mesa na punong puno ng pagkain.
"Manalangin muna tayo" pahayag ng isa sa mga fairies ni Aurora, pagkatapos naming manalangin ay nagsimula na kaming kumain. Sa gitna ng hapag kainan ay unti unting dumilim.
"Anong nangyayari Mr.Mustache?" Tanong ko kay Mr.Mustache na katabi ko lang.
"Ipikit mo ang mga mata mo." Ma awtoridad nyang sagot sakin kaya agaran ko namang pinikit ang mata ko. "Kahit anong mangyari wag na wag mong ididilat ang mata mo." Dugtong nya.
"Mr. Mustache nandyan ka pa ba?" Tanong ko at kinapa kapa ang bangkuan.
Sa pagpikit ko ng aking mga mata ay di ko na makayanan ang bawat dagundong na naririnig ko. Iminulat ko ang aking mga mata at sa pagmulat kong yun ay malapit ng mawasak ang paligid
Nakikita ko kung pano unti unting nawawasak ang paraiso na ngayon ko lang nakita. May isang babae na mukhang si Maleficent ay kaaway ng mga prinsesa,reyna,hari at prinsipe.
Sa pagitan ng away nila ay may bumubulong na yakapin ko ang kaaway at isipin ang mga taong mahal ko. Dahan dahan akong lumapit sa kaaway at yumakap dito
Ipinikit ko ang aking mga mata at bigla nalang nagbago ang lahat pagkatapos ng yakap na iyon. Ang dating magulong paraiso ay bumalik sa dati at ang suot na damit ng yinakap ko ay nagkulay puti.
Pagkatapos ng pagbabago na iyon ay hinanap agad ng mata ko si... "Mr.Mustache!"
"Halikana, iuuwi na kita."
"P-pero--"
"Dali na" tugon nya.
"T-teka lang! Magsaya na muna tayo!" rinig kong sabi ng Reyna.
"Hindi na mahal na reyna." Tugon nya, "kaya ikaw, pikit na." Dugtong nya at tuluyan ko na ngang ipinikit ang mga mata ko.
"Salamat sa lahat" rinig kong bulong nya. "See you soon." Dugtong nya.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa kwarto nako at wala na sya ngunit sa pagkapa ko sa higaan ay may nahawakan ako. Isang kwintas na may pendant na Mustache. Napangiti ako ng maalala ang mga sandaling iyon.
"Salamat Mr.Mustache."
BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions
